Chapter 2 — Part-time Job (2)

1725 Words
LUCAS SUAREZ POV'S At the Roses Café, 12:00 pm... Hinihintay ko na lang si Dustin, pero habang nag hihintay ako ay gumagawa ako ng report ko. Next week kasi ay papasok ako sa isang public school para sa training ko kaya kailangan bago matapos ang buwan matapos ko na din ang report na ginagawa ko, plus pupunta pa ako sa lugar ng loan shark. "Lucas, sorry to keep you wait! Ang tagal mag palabas ng last professor namin." Sabi niya at naupo sa tapat ko, "Report?" "Yeah." Sagot ko sa kaniya, "Kumain ka muna kaya. Mukhang galing kayo sa likod bg University?" Dustin, "Sinabi mo pa, alam mo naman na maganda ang tanawin sa likod ng University perfect for my theme." Sagot niya at tumawag ng waiter. Ang University kasi namin ay nasa paahan ng bundok, kaya maganda ang tanawin sa likod lalo na para sa mga taong mahilig mag picture. Isa pa ang likod ng University ang main garden. Dustin, "Oo nga pala, tinawagan ko yung nag hahanap ng part-time job. Pupuntahan natin sila sa restaurant nila." Restaurant? Waiter? "Ok, kumain ka muna d'yan habang tinatapos ko ito malapit naman na ako matapos." Gumagawa ako ng report habang si Dustin ay busy sa pag kain niya, malakas kumain ang kaibigang kong ito biruin mo kulang na lang sakupin niya ang lamesa. Natapos na ako sa aking report ganon din si Dustin sa kaniyang pag kain, nag tataka nga ako kung bakit ganon ang katawan niya sa dami ng kinakain niya. Hindi man lang tumataba kahit anong dami ng kain niya. Dustin, "Ano tara na?" Kinuha niya ang kaniyang bag ay sinukbit sa kaniyang balikat. Tumango ako sa kaniya at tumayo habang sinusukbit ang aking bag, "Tara." Sambit ko at binitbit ang laptop ko. Nag lakad kami ng ilang minuto hanggang sa marating namin ang taxi terminal, "Manong sa Callisto Restaurant." Aniya ni Dustin at sumakay na kami sa taxi. Callisto Restaurant? "Dustin, sigurado ka ba d'yan? Hindi ba exclusive restaurant ang Callisto?" Takang tanong ko sa kaniya at sandaling sinulyapan siya. Dustin, "Oo naman." Natural na sagot niya at may kung anong kinakalikot sa kaniyang cellphone. Higit trenta minutos bago kami nakarating sa exclusive restaurant dahil sa traffic jam, pag baba namin ay hindi na kami bag tagal at pumasok na. Ang restaurant na ito ay hindi lang basta restaurant dahil isa din itong five-star hotel and restaurant. Sa nababalitaan ko maganda ang review ng mga taong nakapunta sa dito. "Dustin!" Sabay naming nilingon ni Dustin ang tumawag sa kaniya pag pasok palang namin, sinundan ko ang si Duntin ng lapitan namin ang table na inuukupa. May kasama siyang lalaki, nakasuot ito ng white long sleeve at necktie. Ma-itsura ang lalaking 'yun tila ba isang diyos na bumaba sa lupa ang taong ito, malamig ang vibes na dala niya. Dustin, "Good afternoon, ito nga pala yung sinasabi ko sayo na ipapakilala ko na tumatanggap ng part-time job." "Maupo muna kayo, pasensya na dapat kami ang pupunta kaso nag karoon ng biglaang meeting dito." Nakipag kamay sa amin ang taong tumawag kay Distin kanina, "Ako nga pala si Vincent Kang, isa akong secretary ng lalaking katabi ko." Pag papakilala niya. "Ah, ako naman si Lucas Suarez." Vincent, "Oo nga pala itong lalaking katabi ko ay ang Boss ko, siya si Eduwardo Callisto. Pasensya na hindi maganda ang mood niya kaya tahimik." Dustin, "Ayos lang, paano ba yan maiwan ko na sa inyo ang kaibigan ko. Kung kailangan niyo ulit ng tao tawagan niyo na lang ako." Sabi niya at tumayo sinulyapan niya ako at tinapik-tapik sa aking balikat, "Lucas mauna na ako, susunduin ko ang kapatid ko." "Ok, salamat." Tugon ko sa kaniya. Vincent, "So, Mr. Suarez puwede na ba nating pag usapan ang tatrabahuin mo?" Ngiting tanong niya. "Oo naman." Ngiting sagot ko din. Habang ang Boss niya ay tahimik lang at nakamasid sa labas. Vincent, "Ang gagawin mo lang ay mag-acting. That's all." "Acting?" "Secretary Kang, you may step outside." Dinig kong utos ng Boss ni Vincent. Vincent, "Yes, sir." Tugon niya at tumayo saka umalis. Hinintay muna niyang umalis si Secretary Kang bago nag salita, "You..." "Yes, sir?" "Be my acting boyfriend." Napatahimik ako sa aking narinig, Acting boyfriend? Is he a gay? "You just need to act as my boyfriend. I will tell you the situation and I'll give you a day to decide." Muling bumalot sa amin ang katahimikan kaya binasag ko ang katahimikang iyon, "Papakinggan ko ang sitwasyon." Kailangan ko pakinggan ang sitwasyon na sinasabi niya. "I have a boyfriend, he's in America and to avoid my parents blind date, I need someone to act as my boyfriend. In other words, if you accept this job, you will be my substitute boyfriend." Sambit niya at may inabot na business card, "If you accept this job, you will receive 50,000 bucks per month. Call me when you are done." Dagdag niya ay tumayo. Naiwan naman akong nakatulala sa sinabi niya, 50,000 bucks per month! Time passed, 6:40 pm... At the apartment... Lutang akong nag trabaho sa convenience store at lutang din akong umuwi sa apartment ko. Nawala lang ang pag kalutang ko ng tumawag ang taong nag aalaga sa kapatid kong babae at kay Papang sa city D. Phone call... [Lucas anak, kamusta ka na d'yan?] "Maayos lang ho ako dito, Nay. Kayo ho kamusta kayo d'yan?" [Maayos din naman kami, oo nga pala kaya ako napatawag sayo... kailangan ng kapatid mo na mailipat sa private room ayon sa doctor niya.] Bakas sa boses ni Nanay Tioty ang pag aalangan at pag aalala. "Ganon ho ba, mag kano naman daw ho ang aabutin?" [Ayon sa Doktor ay aabot ng 20,000 bucks.] "Ganon ho, sige ho Nay ipalipat niyo si Ate sa private alam ko naman na isa-kakabuti ng kalagayan iyan ni Ate." [Pero anak, paano ka baka bumigay ang katawan mo n'yan...] "Wag ho kayong mag alala Nay, malakas pa ho aya sa kalabaw ang alaga niyong si Lucas." Pag bibiro ko sa kaniya, alam ko na nag aalala siya dahil sa mga gastusin. Mabuti nga na hindi niya sinusukuan ang pamilya namin kahit na hindi ko siya nabibigayan ng sweldo. [Haha, ikaw talaga anak.] Kahit papaano ay nabawasan ang pag aalala niya sa tono ng kaniyang boses. "Nau, sabihin niyo lang ho yung mga kailangan niyo para maipadala ko bago matapos ang buwan." Sambit ko at kumuha ng papel at ballpen para ilista ang mga kakailanganin. [Sigurado ka ba anak?] Pag aalangang tanong mula sa kabilang linya. "Oo naman ho Nay." [Hayst, sige sasabihin ko sayo pero wag mong biglain ang sarili mo.] "Oo naman Nay, promise hindi ko bibiglain ang sarili ko." [Simula muna tayo sa Ate mo, ayon sa Doktor kailangang ilipat ng private room ang Ate mo at umaabot ng halagang 20,000 bucks ang private room, bukod sa private room da-dagdagan ng oxygen umaabot ng 5,000 bucks.] "Bali 25,000 bucks na yung ida-dagdag kay Ate. Yung kay Maxine?" Maxine Suarez, ang limang taong gulang kong pamangkin. Suarez ang ginagamit niya na surname dahil hindi namin kilala ang ama niya dahil sa pang-gagahasa ng mga schoolmate ng kapatid ko. [Kay Maxine, tuition fees lang niya sa pinapasukan niyang kindergarten umaabot ng 5,000 bucks at yung mga pangangailangan niya. Ikaw na ang bahala kunv mag kano ang ibibigay mo sa kaniya.] "15,000 bucks ang ibibigay ko para sa kaniya, yung para kay Papang?" Papang is my father, kahit na may bisyo siya gaya ng paninigarilyo at pag inom binibigyan ko pa rin siya bilang pasasalamat na hindi niya kami pinabayaan ni Ate, mabuti nga at tumigil na siya sa pag sugal. Dahil sa pag sugal niya nag karoon tuloy siya ng utang sa loan shark dito sa city A ng 1.5 million bucks. [Sa Papang mo naman, paunti-unting tumitigil ang Papang mo sa pag inom at paninigarilyo. Ang pinag kakaabalahan niya ngayon ay yung hardin ng Mamang mo, nag tanim na nga siya ng mga gulay.] "Mabuti naman ho kung ganon, 15,000 bucks ho ang ibibigay ko kay Papang. Yung para naman ho d'yan sa bahay?" [Anak depende sayo kung mag kano ang ibibigay mo para sa mga pangangailangan sa bahay.] "Sige ho, 20,000 bucks para sa bahay. Sayo Nay, bibigyan ko ho kayo ng 10,000 bucks." [Nako anak, wag na pandagdag mo na lang 'yan sayo baka wala ka nang pera d'yan.] "Ayos lang ho Nay, tsaka kailangan niyo din ng pera lalo na't mag kaka-apo na kayo ni Tay Cardo." [Hayst, anak wag mo kaming alalahanin no Tay Cardo mo. Naiintindihan namin ang sitwasyon ng pamilya mo kaya nga hindi kami umaalis sa tabi ng pamilya mo.] "Ah basta Nay, mag bibigay din ako sa inyo. Tanggapin niyo na lang ho bilang pasasalamat ko." [O' sya sige, sige. Mukhang hindi ko talaga mababago ang isip mo. Oh, paano bayan oras na ng pahinga mo, pahinga ka na anak wag mo masyadong pagurin at biglain ang sarili mo. Mag ingat ka d'yan.] "Sige ho Nay, pahinga na ho kayo. Ingat din ho kayo." End call... Tinitigan ko ang papel na pinag listahan ko at kinumpyute 'yun. 85, 000 bucks plus 25,000 bucks for a loan shark, 110,000 lahat-lahat. Ang pera na naitabi ko ay aabutin ng 120,000 bucks kung idadagdag ko ang paycheck ko sa dalawang part-time job. Bukod kasi sa dalawang part-time job ko kumikita din ako sa University sa pag gawa ng mga Lessons at Questionnaires sa exam ng ibang department. 5,000 bucks per Professor. At 10,000 bucks naman kung may events na magaganap sa University. 50,000 bucks per month, ang kailangan ko lang ay umaktong boyfriend niya... Kinuha ko ang wallet ko ay kinuha ang business card na binigay niya sa akin. Simula ng pag alis ko sa restaurant hanggang sa pag trabaho ko sa convenience store ay hindi na aalis ang part-time job na 'yun ay lalo na ang 50,000 per month. Mahirap kumita ng pera ngayon, kung mabilis man kumita ng pera mabilis din namang mauubos lalo na sa mga kagaya kong tao. Tatanggapin ko ang part-time job. Dinayal ko ang mga numerong nakalagay sa business card, naka ilang ring ito bago tuluyang sumagot. Phone call... [Who is this?] Napalunok ako sa narinig kong tono, para ba siyang galit. "I-it's me, Lucas Suarez." Sambit ko at tumikhim. [Oh, the guy earlier, are you done?] "Yes, I will accept your part-time job offer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD