Malakas ang kabog ng dibdib ni Ide. Ramdam niya ang maliliit at malamig na butil ng pawis na namumuo sa kaniyang noo. Matapos ang pangyayari sa apartment niya ay pakaladkad siyang hinatak sa buhok ng Ate Iyah niya patungo sa sasakyan nitong nakaparada sa hindi kalayuan. Pasalampak siya nitong itinulak papasok sa sasakyan at mahigpit na itinali ang kaniyang kamay. Binusalan din nito ang bibig niya at piniringan ang mata niya. Ramdam din niya ang malamig at matigas na bagay na nakakabit sa magkabilang paa niya. Tingin niya, mga kadena iyon. Kaya heto siya ngayon, walang magawa kundi makiramdam at hintayin ang mgasusunod na maaring mangyari habang piping nagdadasal. O Diyos ko. Ikaw na po ang bahala sa akin. Paulit- ulit iyong tumatakbo sa isip niya. Maging imahe ni Jameson. Nakikita d

