“Nurse! Nurse Ide! Paki-asikaso muna itong batang may sugat sa ulo, please,” agad na tumalima si Idelaide Famini nang marinig ang pagtawag ng co-worker niyang si Nurse Maryam. Ito ang pinakabagong miyembro ng medical family nila. Matanda ang babae ng tatlong taon sa kaniya.
“Kailangan kasi nila ng scrub nurse sa Emergency Room. May pasyenteng tinamaan ng ligaw na bala at kailangang operahan. Need nila ako doon,” dugtong pa nito habang isinusuot ang kulay green na operating uniform.
“Sure, no problem Nurse Maryam. Pumunta ka na doon. Ako na ang bahala dito,” nginitian niya ito at kinuha ang tray niyang may cotton, gauze, betadine, at medical tape.
“Thanks, girl,” at nagmamadaling tinungo ni Maryam ang ER habang siya naman ay dumiretso sa batang nakaupo sa waiting area at dumudugo ang ulo. Gwapo ang batang iyon, ngunit nakakunot ang noo nito at mukhang iritado. Siguro ay dahil sa kanina pa ito naghihintay ng matagal.
“Hey, big boy,” pagtawag niya sa atensiyon nito. Nag-angat naman ito ng tingin sa kaniya ngunut hindi ngumiti. Para bang hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
“Ako si Nurse Ide, gagamutin ko ang sugat mo,” naupo siya sa tabi ng bata at sinimulang asikasuhin ang bulak na may betadine. Nang idikit niya iyon sa ulo ng bata, bahagya itong nag-flinch.
Hindi naman ganoon kalaki ang sugat nito. Kaya nga lamang ay kailangan niyang maampat ang pagdudugo niyon.
“Masakit ba?” tanong niya. “ Gusto mo ng candy para ma-divert ang atensyon mo?”
Umiling ang bata.
“Hindi po masakit. Nagulat lang ako,” sagot nito.
“Ah, okay. Ano bang pangalan mo? Tsaka bakit ka nagkasugat sa noo?”
“Jion Amius Alejandro,” nanahimik ito at bahagyang naging mailap ang mga matang kulay hazel brown. Sa unang tingin ay mukhang may lahing banyaga ang bata, ngunit hindi siya sigurado.
“Lagot ako kay Mamay, kasi nakipag-away ako.”
Mamay? Siguro ito ang tawag ng bata sa nanay nito. Ang sweet naman.
“Kung di mo kasama ang Mamay mo dito, sino ang kasama mo ngayon dito?” hindi niya mapigilang itanong.
“Yung teacher ko po, na tita ko din. Nasa labas po siya, tinatawagan si Mamay,” nilukob sila ng matagal na katahimikan hanggang sa natapos na niyang asikasuhin ang sugat nito.
“Ayan, okay na,” nakangiting turan niya nang matapos mabendahan ang sugat nito. Isa-isa niyang ibinalik sa tray ang mga gamit niya. “Sa susunod, wag ka na makipag-away ha,” akmang tatalikuran na niya ito.
“Ahm, Nurse Ide,” muli siyang napalingon sa bata.
“Bakit, big boy?”
“Tingin mo magagalit sakin si Mamay?”
“Alam mo, Jion, sigurado ako na kapag nakita ka ng mamay mo, mas mauuna ang pag-aalala niya. Kung ako sayo, just tell her the truth okay?” hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nito, ngunit alam niyang matalino ang batang ito. “Alam kong maiintindihan ka niya,” kinindatan pa niya ito.
The boy sighed then smiled. Guwapo nga ito lalo na kung nakangiti. Ang cute cute.
“Salamat po, Nurse.” She smiled back. Maganda ang pagpapalaki sa batang ito. Kailan ba siya huling nakarinig ng batang nagpapasalamat? Hindi na niya maalala.
“Halika,” pag-aya niya dito. “Samahan muna kita sa isa sa mga kuwarto. Doon ka muna magpahinga habang hinihintay ang teacher at Mamay mo.”
Tumalima naman kaagad ang bata. Isang hakbang pa lamang ang nagagawa nito ay bigla itong bumagsak at nawalan ng malay. Mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya kaya nasalo niya ito kaagad. Dali-dali niya itong dinala sa isang kuwarto.
Chineck niya ang vital signs nito at nang masigurado niyang okay lamang ito ay hinayaan niya itong magpahinga habang siya naman ay nakangiting lumabas ng kuwartong iyon.
***
Pumunta siya sa hospital lobby at naabutan niya ang isang babae doon na naka-uniporme pang-guro. Pabalik-balik ito ng lakad at may kausap sa cellphone. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.
“Ahm, Ma’am?” pagtawag niya sa atensyon nito. Nasisiguro niyang ito ang tinutukoy na teacher-tita ni Jion.
Humarap naman sa kaniya ang guro. “Yes?”
“Kayo po ba ang kasama ni Jion?”
“Ako nga po. Asan na siya? Ayos na ba ang sugat niya, Nurse?”
“Nurse Ide po. Ayos na po siya. Nalinis at naampat na ang pagdudugo ng ulo niya. Nagpapahinga na siya ngayon,” napabuntong- hininga ang guro. Binigyan niya ito ng instruksiyon tungkol sa dapat nitong gawin sa sugat ng bata para mabilis iyong gumaling at hindi mag-iwan ng peklat.
Mataman naman itong nakinig sa kaniya. Pagkatapos niyon ay sinabi niya dito kung nasaang kuwarto nagpapahinga ang bata.
“Maraming salamat po, Nurse Ide.”
Ngumiti siya dito. “Walang anuman, Ma’am.”
“Teacher Fey na lang,” inilahad nito ang palad at agad naman niya iyong tinanggap. “Faith Roces.”
“Idelaide Famini.”
Maya-maya pa ay isang babae ang humahangos na lumapit sa kanila. Bakas na bakas ang pag-aalala dito.
“Faith, nasaan ang Jion ko?” nangingilid ang luha sa mga mata nito. Ito siguro ang tinutukoy na “mamay” ni Jion kanina. Maganda ang babae, kahit pa mababakas ang stress at pagod sa mukha nito.
Sinabi naman ni Faith kung nasaang kuwarto si Jion at patakbong tinungo iyon ng bagong dating na babae. Siya naman ay nakatingin lamang sa mga ito. Sa sobrang pag-aalala sa anak nito ay tila hindi na napansin ng bagong dating na babae na nandoon siya.
“That's Jion’s mother, Annina Palmez,” napabaling siya kay Faith. “Pasensya ka na at hindi ka niya napansin. Ganoon lamang talaga iyon pag nag-aalala. She is a single mother after all.”
Kaya naman pala. Nagpatango- tango na lamang siya doon. “Naiintindihan ko.”
“Sige, susundan ko lamang siya. Maiwan na muna kita. Ang eskwelahan na ang magse-settle sa bill ng bata,” paalam sa kaniya nito.
Ngumiti siya. “Susunod na lamang ako doon maya-maya para ma-check uli ang bata.”
“Sige, salamat uli” tinalikuran na siya nito at siya naman ay nakatingin lamang sa papalayong bulto nito. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay tila pamilyar sa kaniya ang babaeng nagngangalang Annina. Ipinilig niya ang ulo, baka naman nag-ooverthink lamang siya.
***
Saglit siyang nagpunta sa mini- cafeteria na nasa tabi ng ospital upang bumili ng canned coffee. Medyo inaantok siya dahil nag-shift siya kagabi. Hindi na siya umuwi sa sariling bahay at nagkampo na sa ospital.
Umupo siya sa bench malapit doon at pinagmasdan ang mga pasyenteng naglalakad sa harap ng ospital. Ang iba sa mga iyon ay may kasamang miyembro ng pamilya at papauwi na at ang iba naman ay naglalakad-lakad lamang. Siguro ay nagpapalipas ng pagka-bored sa ospital.
Maybe it’s weird but she never really find the hospital boring. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, araw-araw din siyang excited gumising para asikasuhin ang mga pasyente sa ospital na pinapasukan. Everyday is tiring yet thrilling.
Isa pa, she really likes her baby pink uniform. Hindi niya maipaliwanag ang kasiyahang nararamdaman every time na suot niya iyon. It makes her feel safe. Nagpapasalamat din siya dahil slacks ang pang-ibaba niyon. Hindi katulad ng ibang uniporme na skirt ang pang-ibaba, malaya siyang nakakagalaw dahil doon.
The hospital is really her life now. Kahit pa hindi ganoon kasikatan ang ospital na iyon at paminsan-minsan ay nasho-short sila sa tao, hindi siya nagsisising doon siya na-assign.
Ang ospital na iyon ay isa sa mga pag-aari ng Gallego Group, ang pinakakilalang grupo ng mga ospital sa buong bansa at ngayon ay nag-eexpand na din sa Asya. Pero dahil ang ospital nila ay ang takbuhan ng mga mahihirap at kapos-palad na pasyente, marami sa mga ito ang hindi nakakabayad. Na nagiging dahilan ng kawalan nila ng pondo.
At dahil wala na silang pakinabang sa Gallego Group, pagkatapos ng tatlong buwan at hindi pa nila iyon nagagawan ng paraan, ay tuluyan na nitong ipasha-shut down ang ospital nila.
She sighed deeply.
Magmula ng makapasa siya sa pagka- nurse ay dito na siya nagtrabaho. Sa mag-aapat na taon niyang namamasukan doon, masasabi niyang ang ospital na iyon ang naging tahanan at buhay niya. Kaya sobra-sobrang kalungkutan ang nararamdaman niya sa kaalaman na malapit nang ipasara iyon.
Sana may isang taong magmabuting loob at mag-invest dito sa ospital.
She sighed again. Mabilis niyang inubos ang laman ng biniling canned coffee at muling pumasok sa ospital. Dumiretso siya kung nasaang kuwarto si Jion na hindi naman mahirap hanapin dahil maliit lamang ang ospital na iyon.
Dahan-dahan siyang pumasok doon at nakita niya ang babaeng nagngangalang Annina na nakaupo sa silya sa tabi ng hospital bed ng anak nito. Hawak nito ang kamay ng anak at tahimik na umiiyak.
“Kayo po ba si Ms. Annina Palmez?” nakangiti niyang tanong.
“Opo ako nga po,” pinahid nito ang luha. “Okay lang po ba ang anak ko?” nag-aalalang tanong nito.
“Ako po si Nurse Idelaide. Opo, Ma’am. Wag na po kayong mag-alala kasi po hindi naman ganoon kalaki ang sugat ng anak ninyo. Kaso lang po nawalan siya ng malay. Baka po mamaya ay magising na din siya agad at maaari na po siyang i-discharge,” mahabang sagot niya.
Bumuntong-hininga naman ang babae na para bang nabunutan ito ng malalim na tinik sa dibdib.
“Magkano po kaya ang babayaran ko?” kapagkuwan ay muling tanong nito.
“Naku, okay na po, Ma’am. Sinettle na po ng school niya.”
“Maraming salamat po,” tumango pa ito sa kaniya kaya naman ginantihan din niya iyon ng marahang pagtango at nakangiting nagpaalam na dito.
***
Malakas na ibinagsak ni Ide ang katawan sa sofa. Ramdam niya ang pamimigat ng talukap ng mga mata dahil sa nag-cover siya ng night shift ng isa sa mga kasamahan niya kagabi. At aligaga ang ospital kagabi dahil sa apat na sasakyan na nagkarambola. Napakaraming pasyenteng sugatan ang dinala sa ospital dahil isa sa mga iyon ay pampasaherong jeepney. Kaya naman hanggang ngayon ay wala pa siyang tulog.
Inayos niya ang pagkakahiga sa sofa at inalis ang rubber white shoes na palagi niyang ipinapares sa kaniyang uniporme. Saglit siyang napatitig sa kisame. Iyon ang kauna-unahang beses na umuwi siya sa apartment na inookupahan sa loob ng two weeks na naglagi siya sa ospital. Ang boring din kasi sa apartment niya kaya gustong-gusto niyang inaabala ang sarili sa pamamagitan ng pagkakampo sa ospital at pag-aasikaso ng mga pasyente.
Sabagay, siya din ang naman ang dahilan kung bakit boring ang apartment niya. Nang inokupahan niya iyon, pinili talaga niya ang nasa dulo ng pasilyo ng second floor. Malayo sa ibang boarders ng two-storey apartment house na iyon. Naisip kasi niya na ayaw niya ng maiingay na kapitbahay sa tuwing uuwi siya galing sa shift niya.
Kaya ngayon ay heto siya at nag-iisang boarder na nasa second floor at nasa dulo pa ang kuwarto niya. In short, wala siyang kapitbahay dahil lahat ng mga iyon ay nasa first floor ng apartment house.
Ipinikit niya ang mga mata at umamot ng pahinga. Kailangan niya iyon dahil mamayang gabi ay uuwi siya ng Batangas, ang probinsiya ng pamilya niya, para pumunta sa eulogy ni Bellinda Ramirez.
Malapit na kaibigan nila ang mga Ramirez, kaya kahit iilang beses lamang siyang nakapunta bahay ng mga ito magmula pagkabata niya ay hindi niya matanggihan si Mrs. Ramirez, dahil na rin siguro sa matalik na kaibigan ito ng mama niya.
Ma, miss na kita. Ikaw, si papa at si ate. Miss ko na kayo..
Ipinilig niya ang ulo nang maramdaman ang pag-alpas ng mumunting butil ng luha na nakaalpas sa mga mata niya. Dumaloy iyon sa pisngi niya.
Pinahid niya iyon at pinilit ang sarili na makatulog.
----------------------------------------------------------------
Familiar with this scene? Hahahaha hooray sa mga nakabasa na ng Giovanni's Anni ❤️❤️❤️