TWO

2871 Words
Dapit-hapon na nang magising siya. Tumayo siya at nagtungo sa kusina ng maliit niyang apartment para malamanan ang kumukulong sikmura. Magda- dalawang linggo na ding biskwit at canned coffee ang laman ng tiyan niya kaya naglalaway na din siyang makatikim ng totoong pagkain. Ngunit mabilis siyang napangiwi nang makitang walang laman ang refrigerator niya bukod sa iilang bote ng tubig, canned coffee, at beer. She sighed. Kailan ba siya huling nag-grocery? Hindi na niya maalala. Binuksan niya ang kitchen cabinet at bahagyang napangiti nang makitang may isang pirasong cup noodles pa doon. Pwede na ‘to. Laman tiyan din. Kinuha niya iyon, binuksan, at nilagyan ng mainit na tubig na hindi naman talaga masyadong mainit dahil hindi na din niya matandaan kung kailan huling nalamanan ng mainit na tubig ang thermos niya. Shit, I really need to get a break from the hospital. Parang hindi na tao ang nakatira sa bahay ko. Puno ng agiw at wala ng pagkain. In the end, pinagtiyagaan niya kainin ang medyo matigas pang noodles. *** Dinispose niya ang mga kalat saka nag-asikaso ng sarili. Naligo siya upang tanggalin ang panlalagkit ng katawan at pagkatapos ay isinuot ang isang itim na Roseta polo dress. May collar ang ang dress na iyon at may sleeves na hanggang siko. Old style na kung old style, pero kumportable siya doon, at isa pa, bumagay naman iyon sa korte ng katawan niya. Pinarisan niya iyon ng itim din na doll shoes, at pagkatapos ay inisang tali niya pataas ang buhok niya. Kumportableng- kumportable siya sa suot. Hindi siya mahilig sa stiletto dahil nangangalay lang siya doon at isa pa, hassle iyon, dahil wala naman siyang kotse. In short, magko-commute lamang siya papuntang Batangas. Parusa sa sarili kung maglalakad siya papuntang terminal ng bus ng naka- high heels. When she reached the terminal, sumakay siya sa huling bus na rutang Cavite. Mabuti na lamang at air conditioned iyon, hindi siya pagpapawisan sa biyahe. Hindi niya malaman kung ilang oras siya nakatulog basta’t madilim na ang langit at madami ng puno ang nagwawagayway ng mga sanga nito. She checked her phone. 3 missed calls. 1 text message. She opened the call logs, si Mrs. Ramirez ang tumawag. She also opened the text message. Ide, ija, where are you? You aren't answering my calls. Please text me back. I’m kinda worried, so as your Tito James. She instantly typed her reply. I’m sorry, Tita Bellen. Malapit na po ako diyan. I’m already in Cavite. Wag na po kayong mag-alala. Eksaktong pinindot niya ang ‘send’ button ay tumigil ang bus sa pag-andar. Sa lakas ng pagpreno niyon ay napahawak siya sa hand railing ng upuang nasa unahan niya at maging ang ibang pasaherong natutulog ay nagising din. Umugong ang bulungan sa paligid. Karamihan sa mga pasahero ay nagtatanong kung anong nangyayari at bigla na pamang tumigil ang bus na lulan sila. “May tatlong kotse po ang nagkabanggaan sa harapan. Nakaharang sa Kaybiang Tunnel. Mukhang hindi po tayo makakadaan hangga’t hindi naaalis ang mga iyon,” iyon ang mahabang anunsiyo ng driver. Ang mga pasahero ay naki-usyoso. Sumisilip at lumilinga para makita ang nangyayari. Bumaba naman ang driver at kundoktor ng bus. At dahil nasa unahang upuan lamang siya halos ay kitang-kita niya kung paano umusok ang mga kotseng nagkabanggaan sa tapat ng Kaybiang Tunnel. Out of curiosity, tumayo din siya at bumaba ng bus. Nasagi pa niya ang lalaking katabi niya. Nang makita niya ang nagkabanggaan, mukhang ngayon- ngayon lamang iyon nangyari, dahil wala pang tulong ang dumarating doon. Walang ambulansiya, walang medics. Tanging mga kotseng nagkarambola lamang. “Holy s**t,” namilog ang mga mata niya nang makita ang isang lalaking nasa ilalim ng isa sa mga kotse. Naipit ito doon. “Miss, delikado diyan,” sigaw sa kaniya ng driver ng bus. But it doesn't stopped her. Nilapitan niya ang lalaki at chineck ang pulso nito. Shit, buhay pa siya! She tried to lift the heavy damaged car. Come on! Tinawag niya ang driver. “Kuya! Pakitulungan ako, dali!” Agad tumalima ang driver ng bus maging ang kundoktor nito. At dahil sirang- sira na ang sasakyan, mabilis nila iyong naiangat at nahila ang lalaki palabas doon sa ilalim niyon. Dumudugo ang kaliwang hita ng lalaki. She tried to keep calm. Pinunit niya ang dulo ng bestidang suot at mabilis na ibinalot iyon sa hita ng lalaki. “Mga kuya, I’m Idelaide Famini, a licensed nurse. Paki-check naman kung may iba pang sugatan sa ibang kotse na nangangailangan ng first aid,” mabilis ang naging kilos ng dalawa. Nang maayos na niya ang pagkakabuhol ng tela sa hita ng walang malay na lalaki ay tumakbo siya pabalik sa bus. Gulat na gulat pa ang mga tao doon. “Mayroon bang nakakaalam sa inyo dito magbigay ng first aid o may kaalaman sa medisina? Pakiusap kailangan nating tulungan ang mga pasyente sa labas,” bahagya pa siyang hinihingal dahil sa paghangos na ginawa. Tumayo ang isang guwapong lalaki doon na may suot na eye glasses. Ito ang lalaking katabi niya kanina pa. “I’m a doctor.” Niluwagan ng lalaki ang necktie na suot at hinubad ang itim nitong formal coat. She can’t helped but to look at it. Parang ilang segundo niyang nakalimutan na may mga pasyenteng nangangailangan ng tulong sa labas. Handsome. Sa gulat niya ay itinali ng lalaki sa bewang niya ang coat nito. Halos mapugto ang hininga niya sa lapit ng mga katawan nila. At nang matapos ito sa p*******i ay walang imik itong bumaba ng bus. She stared at his coat, kaya naman pala ay halos kalahati na lamang ng hita niya ang haba ng bestidang suot dahil pinunit niya iyon kanina. Bumaba siya ng bus at sinundan ang lalaki. Nakita niya itong tinutulungan ang kundoktor buhatin ang isang matandang babae. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Alliah Nicole. Isa ito sa mga matalik niyang kaibigan at co-worker. Sumagot ito matapos ang ilang ring. Medyo hindi pa niya ito maintindihan dahil hindi ganoon kalakas ang signal doon. “Hello, Alliah?” “O? Ide, may problema ba?” “Where are you?” “Ahm, I’m with Vince right now. Remember, nag-file kami ng two days na leave. Why?” “Just answer me please, where are you?” “Wait, itatanong ko kay Vince,” bahagyang natahimik ang kabilang linya. “Nasa Tansa, Cavite na daw. Balak namin, mag-beach sa Batangas e.” Nabuhayan siya ng loob. “Listen to me, Alliah. Nasa Kaybiang Tunnel ako ngayon. I’m about to go to Batangas too. Pero may tatlong sasakyan na nagkabanggaan dito. Please get us some help. Tumawag ka sa pinakamalapit na ospital dahil sobrang hina ng signal dito. And please, dumaan din kayo dito.” Agad naman iyong naintindihan ni Alliah. “Sure, no problem. Stay safe, okay? We’ll be there as fast as we can.” “Thanks, Alliah.” “No problem, girl,” ibinaba na nito ang tawag. *** Kalahating oras ang lumipas, narinig na nila ang sirena ng ambulansiya. At ang mga magto-tow ng mga sirang sasakyan. Kasunod niyon ay ang kotse kung saan lulan si Alliah at Vince. Niyakap siya ng babae. “Kala ko kung ano na nangyari sayong babaita ka.” “Thank you, Alliah for sending help.” “Don’t mention it, okay?” “Still, thank you.” “Call me, when you get home. We’ll get going na ha.” Tumalikod na ito pabalik sa kotse. Kumaway pa ito hanggang sa tuluyan nang nawala sa paningin niya ang kotseng lulan ang mga ito. “Are they your friends?” halos mapatalon siya sa gulat nang magsalita ang guwapong doktor na hindi niya namalayan na nakatayo na pala sa tabi niya. “Ah, yes. Thank you sa coat. I’m Idelaide Famini, a licensed nurse--” “I know,” sansala nito sa iba pa niyang sasabihin. “You dropped this on the bus,” inabot nito sa kaniya ang professional license niya. “Thank you.” “I’ll get my coat next time,” tinalikuran na siya nito. “Wait!” tumigil ito sa paglalakad at muling humarap sa kaniya. “What's your name?” she asked. Ngumiti ang lalaki. “Lawrence Gallego,” at tuluyan na itong naglakad pabalik sa bus. Agad namilog ang mga mata niya. Did he just said Lawrence Gallego? The Lawrence Gallego who is the son of Gallego Group? What a hella coincidence? *** “Nakakapagod,” humiga siya sa isa sa mga hospital beds doon. Pagkatapos ng nangyari kagabi, tinawagan niya si Tita Bellen at sinabing hindi na siya makakaabot pa. Naintindihan naman kaagad iyon ng ginang. Bumalik na siya sa Maynila kasama si Lawrence. Yes, tiwala siya dito. Naging magkaibigan sila kaagad dahil mabait ang lalaki at masayang kausap. Marami silang napagkuwentuhan nito at hinatid pa siya nito mismo sa apartment niya. But during their ride back to Manila, she realized that she is just attracted to Lawrence for a second. Dahil hindi naman talaga maikakailang guwapo ito. But it's not her type. And so as Lawrence. Hindi din pala nito gusto makipaglapit basta basta sa mga babae. Nabulabog ang pag-idlip sana niya nang isang guwapo ding lalaki ang bigla na lamang humahangos na dumating sa ospital. Pero mas nagpagising ng diwa niya kung sino ang babaeng pangko- pangko nito. She knew the girl. It's Annina. At dumudugo ang ulo nito. Agad niya itong nilapitan. “Ihiga mo siya dito.” Agad naman tumalima ang lalaking naka-business suit pa. Nilinis niya ang sugat ni Annina. Parang noong nakaraan lang ay ang ulo ng anak nito ang ginagamot niya. Ngayon naman ay ito na mismo ang dumudugo ng ulo. “Anong nangyari sa kaniya?” tanong niya sa lalaking business suit at hindi mapakali. Naging mailap ang mga mata nito. “Nauntog.” “Kamag-anak ka ba niya? Kailangan ng magpi- fill up ng form niya.” “Yes, I'm..” saglit na natigilan ito “I’m her husband.” Hindi na siya nagsalita pa at inabot na lamang dito ang form na kailangan nitong sagutan. Nang malinis na niya ang sugat nito ay inabisuhan niya ito ng dapat gawin. Pinalipat din niya ito sa pribadong kuwarto gaya ng gusto ng lalaking nakabusiness suit. Pagkatapos ay hinayaan na niyang si Dr. Deveza ang mag-asikaso sa kanila at magsabi sa kanila ng dapat gawin ng mga ito. Sa dalawang araw na pagbabantay niya kay Annina ay dalawang araw din na hindi mapakali ang lalaking kasama nito. Napakibit balikat na lamang siya doon, alam niyang hindi nagsasabi ng totoo ang lalaki dahil alam din niyang single mother lamang si Annina. Pero tinikom na lamang niya ang kanyang bibig. Naglalakad na siya sa lobby nang makasalubong ang isang guwapong lalaki. He has this messy and cool look at hindi niya alam kung bakit ang bilis ng tahip ng dibdib niya doon. God, this man is hot. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki. She unconsciously bit her lower lip at hindi na niya maalis ang tingin dito. Para bang nahihipnotismo siya sa titig nito. “Famini…” he whispered in the air at iyon ang nagpabalik sa ulirat niya. Paano nito nalaman ang apelyido niya? That's kinda creepy. Mabilis niya itong tinalikuran at baka mahubaran niya ito bigla. What the? Bat ang halay- halay mo, Idelaide? Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon sa isang lalaki. Para bang nabubuhay ang himaymay ng pagkataon niya. “Annoyed?” “s**t!” halos mapatalon siya sa gulat nang may bumulong sa tenga niya mula sa likuran. Mabilis niyang hinarap iyon at binigyan ng matalim na tingin. Tawa naman ng tawa si Lawrence sa naging reaksyon niya. Hinampas niya ito sa balikat. “I hate you.” “Ouch, tatlong araw pa lang tayo magkaibigan, sadista ka na,” tatawa- tawang sabi nito. “Ewan ko sayo,” kunwari’y sinimangutan niya ito. “Bat ka ba nandito? Manggugulo ka lang e.” “Pinapaalis mo na agad ako?” he gave her a puppy look. Natawa siya doon. “Hindi bagay sayo. Mukha kang aso.” Inakbayan siya nito. “Seriously, nandito ako kasi dito na ako magtratrabaho.” Namilog ang mga mata niya at napatingin dito. “What the f**k? Seryoso ka ba? Isang Gallego, dito sa ospital namin magtratrabaho? For your information, Mr. Gallego, gusto na kayang ipasara ng tatay mo ang bankrupt na naming ospital,” she rolled her eyes. “Don’t cuss, okay. It’s true.” Nasa ganoong estado sila nang lumapit sa kanila ang lalaking nakasalubong niya kanina. Kasama na nito palabas ang lalaking ‘asawa’ daw ni Annina. She became conscious to herself. Irasyunal na naman ang t***k ng puso niya. Madilim ang mukha nitong nakatitig sa kanila. Dumako ang tingin nito sa kamay ni Lawrence na nakaakbay sa kaniya. At mas kumunot pa ang noo nito. Kakaiba ang kislap ng mga mata nito. Is that jealousy? Jusko, kung anu- ano nang pumapasok sa utak ko. Wala naman sa sariling tinanggal niya ang kamay ni Lawrence na nakaakbay sa kaniya. Galit silang tinalikuran nito at naglakad palabas ng ospital. Nagkatinginan sila ni Lawrence. “Kilala mo?” tanong nito. “Hindi,” sagot niya. “Anong problema nun?” She just shrugged her shoulders. *** Halos hindi pa din mahamig ni Jameson ang sarili. What was that? Kamukha ng babaeng iyon si Iyah Famini, ang first love niya. Mukha lamang mas bata ito. Naiinis siya sa sarili, tila nagmukhang tanga siya sa harap ng isang magandang babae kanina. What the f**k is wrong with him? Nang marealize niya kung ilang minuto na siyang nakatayo doon, napapalatak siya ng mura. s**t, baka patayin siya ni Gio sa bagal niya. Muntik pa niyang mabitawan ang cellphone nang makitang tumatawag si Gio. Napabuntong hininga siya. Giovanni Alejandro is his bestfriend. Sabay na silang lumaki nito at halos sa iisang eskwelahan lamang sila pumasok. And now his bestfriend is suffering because of a f*****g thing called love. Mabuti na lamang at nangako siyang si Iyah lang ang mamahalin. “Hello, man? Sorry, papunta pa lamang dyan. Na-delay ako kasi may nakita akong babaeng kamukha ni Iyah. Nasa lobby na ko ng ospital.” Nagmamadali siyang naglakad papunta sa kuwarto ni Annina. Halos marinig pa niya ang alingawngaw ng sariling yabag. “Jameson,” natigilan siya nang marinig na tinawag ni Giovanni ang first name niya. Rare mangyari ang bagay na iyon. Alam may dinadamdam ito. “May problema ba, Giovanni?” tuluyan na siyang tumigil sa paglalakad at hinihintay ang mga susunod na sasabihin ni Gio. “Anni’s awake,” mahina ang boses ng binata na para bang pinipigilan nito ang maiyak. “Ayun naman pala. E anong problema?” Kumunot ang noo niya. “She already told me the truth. Kung bakit niya ako iniwan dati.” Nanahimik si Gio sa kabilang linya pero mataman niyang pinakinggan iyon. “Pero bakit ganun. Sinasabi kong masaya akong makita siyang nahihirapan, pero nasasaktan akong makita at marinig siyang umiiyak. What the f**k is wrong with me?” napabuntong- hininga na lamang siya doon. “It’s because you still love her, my friend. Nothing is wrong with you.” He sighed again. Kawawa naman silang magkaibigan parehas yata napagtripan ng tadhana. “I don’t want to love her anymore.” “But you still do, Gio. You still do love her. You can’t deny it.” He continued his walking ngunit ang mga huling sinabi ni Gio ang nagpaawang ng labi niya. “Yeah. This freaking heart is still beating for her and her alone. After all that has happened, I still love her to the hell and back. And my demon says I’m still the old f*****g man that is willing to give her everything that I have.” *** Nang makarating siya sa kuwarto ni Annina, nakita niya si Gio na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pinto. Nakatungo ito at ang isang braso ay nakatakip sa mga mata. Tinabihan niya ito. Pero hindi siya nagsalita. Ganoon lamang sila pag may problema. Presence is more important than words. Nang tumayo na si Gio, walang imik niya itong sinundan. Nakapamulsa pa siya habang naglalakad. When suddenly, two people happily talking to each other crossed his eyes. Napakunot ang noo niya nang makita ang magandang babae kanina na may kausap na lalaki. He knew who the man is. Lawrence Gallego, a member of elite circle. Isa itong magaling na doktor. Kumuyom ang kamao niya nang makitang inakbayan nito ang babae. f**k. Iritadong iritado siya nang madaanan niya ang dalawa. Wal sa sariling napatingin pa siya sa nakaakbay nitong braso. Gusto niyang pilipitin iyon. Nagkatitigan muli sila ng babae. s**t, parang gustong mabuhay ng p*********i niya. What the f**k is happening?! Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoon sa isang babae. At nang malagpasan niya ang dalawa, he knew that he is fuming mad and he doesn't know why. ----------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD