ZAYL
"Zayl Rodriguez," ulit pa niya sa pangalan ko.
Lalo akong kinabahan nang banggitin niya ang pangalan ko dahil mas lalo akong nakasigurong siya nga si Jack.
"Jack?" mahina kong sabi. Gusto ng pumatak ng luha ko pero pinipigilan ko.
"Bakit mo ginagawa 'to? Ano'ng nangyari sa'yo sa America?" tanong niya.
Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko pero agad ko itong pinahid. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko 'to napaghandaan. Hindi ko inaasahang magtatagpo pa kami. Nakakahiya, sobra!
"Where's your parents?" tanong ni Jack.
"W-wala na sila," sabi ko atsaka napalunok dahil na rin sa pagpipigil ng luha kong kusa na lang bumabagsak. "Naaksidente sila sa America. Nawalan ng preno ang minamaneho ni Itay na kotse," patuloy ko pero 'yung luha ko tuluy-tuloy pa rin sa pagpatak habang pilit kong inaayos ang pagsasalita ko.
Hindi ko alam kung bigla siyang naawa sa nangyari sa mga magulang ko o talagang nag-aalala siya sa'kin, dahil pansin ko ang pagbabago ng reaksyon niya. May pakialam pa ba siya sa'kin?
"I'm sorry to hear that," sabi niya na parang gusto na akong lapitan pero alam kong pinigilan niya. "Hindi ko maintindihan.. w-why are you doing this to yourself?" pagtataka niya hanggang sa nagbago na naman ang reaksiyon niya. "Are you out of your mind?!" singhal niya sa'kin. Bakit parang galit na siya?
"Hindi mo ako maiintindihan dahil wala kang alam sa pinagdadaanan ko ngayon!" sabi ko at hindi ko na rin napigilang mapasigaw dahil na rin sa bigat ng nararamdaman ko.
"Then tell me para maintindihan ko," sabi niya sa mababang tono na parang nakikiusap. No. Hindi niya puwedeng malaman. Ayoko.
"I have to go," iyon lamang ang nasabi ko at akmang aalis na ako nang magsalita siya. Wala akong balak sabihin sa kanya, wala.
"Ganyan ka naman eh, kapag hindi mo na kayang makausap ang isang tao, bigla ka na lang nagwa-walk out. Minsan, sana maisip mo rin na hindi kailangang mang-iwan kung may problema ka," sabi niya.
Sh*t. Naalala ko na naman 'yung nakaraan. Nung nakipaghiwalay ako sa kanya. Alam kong pinatatamaan niya ako dun. Napapikit ako at nagpahid ng luha atsaka nagtuluy-tuloy na sa paglabas. Iyak ako ng iyak sa loob ng elevator hanggang sa taxi at hanggang sa makauwi akong mag-isa.
Gusto kong komprontahin si Bianca. Bakit niya ginawa sa akin 'yun? Tatawagan ko siya. Hindi ako mapakali sa nangyari.
"Pumunta ka sa bahay ngayon, pakiusap," sabi ko at hindi na ako naghintay ng sagot niya, pinagpatayan ko na siya ng cellphone.
Naiinis ako, naiinis ako!
Nandito na si Bianca. Alam na siguro niya kung bakit ko siya pinapunta dito. Hindi pa naman malalim ang gabi at malapit lang ang bahay nila dito kaya alam kong hindi siya mahihirapang pumunta dito. Pagkapasok niya, hindi ako nagsasalita. Nakaupo lang ako sa sofa at hinintay siyang makaupo.
"Patawarin mo ako, siya lang ang alam kong makakatulong sa iyo," sabi niya. Nagsisimula na namang pumatak ang luha ko. Sa dami ng lalaki sa mundo, siya pa!
"Sabi ko sa iyo, ayoko ng kakilala ako o kakilala ko. Pero ano'ng ginawa mo? Hindi lang siya basta kakilala!" sabi ko sa mataas na tono. Ayokong sumigaw pero naiinis ako sa sarili ko dahil sa nangyari!
"Siya lang ang alam kong makakabuti para sa'yo," sabi niya.
"Makakabuti? Bianca, sa tingin mo makakabuti 'yun sa sitwasyon ko? Paano kapag nalaman niya? Ayokong kaawaan niya ako. Hindi ko na ginustong makita pa siya ulit simula nung malaman kong malapit na akong mamatay!"
"Ano'ng gusto mo, ipagkatiwala kita sa ibang tao? Zayl, hindi ako agad makakakita ng... ng sinasabi mong magbabayad kapalit ang virginity mo! Paano kung may gawin silang masama sa'yo?"
"Kahit na! Di ba doon din naman ang bagsak ko? Ang may mangyaring masama sa'kin? Bianca, hindi puwede si Jack.. Alam kong maliit na ang tingin niya sa sarili ko ngayon. Ayoko na siyang makita pa."
Ang ipagbili ang puri ko sa kanya? Kahit naman hindi niya bilhin kaya kong ibigay sa kanya dahil hanggang ngayon, mahal na mahal ko pa rin siya.
"Zayl....."
"Kung ayaw mong maghanap ng bago, ako na lang ang hahanap," iyon ang sinabi ko.
Napatulala sa akin si Bianca na naiiyak. Wala na akong magagawa kung hindi ako mismo ang maghanap.
BIANCA
Pauwi na ako sa amin ngayon. Kagagaling ko lang kay Zayl. Siya na ang maghahanap? Hindi puwede. Kailangan kong maging matiyaga at matatag para sa kaibigan ko. Bukas pupuntahan ko si Jack.
Nandito na ako sa unit ni Jack. Nag-text muna ako na pupunta sa kanya at may sasabihin. Nung una inalok ako ng juice pero tumanggi ako. Gusto ko na siyang kausapin.
"Bakit niya 'yun ginagawa sa sarili niya?" tanong ni Jack. Kailangan kong gumawa ng paraan kahit gumawa ako ng kuwento gagawin ko.
"May naiwang napakalaking utang ang mga magulang ni Zayl na nagkakakahalaga ng milyon. Binigyan siya ng palugit at isang buwan na lang ang natitira sa palugit. Napakaliit pa ng hawak niyang pera. Kahit magtrabaho siya, hindi niya kikitain 'yun ng isang buwan. Nalulong sa sugal ang mga magulang niya sa America. Sa kagustuhang makabawi, lalong nagpatung-patong ang utang nila. Nalaman lang ni Zayl na ganun kalaki ang utang nila nung mawala ang mga magulang nila. Isang buwan na lang ang natitira sa palugit. At kapag hindi niya naibigay, papatayin siya ng pinagkakautangan nila," pagsisinungaling ko.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Patawarin niyo po ako sa pagsisinungaling ko. Wala na akong maisip na paraan.
"I can't believe what happened to her parents. Hindi ko akalaing magagawa 'yun ng mga magulang ni Zayl. Can you tell her na pahihiramin ko na lang siya?" sabi niya.
"Hindi siya papayag. Ayaw niyang mangutang dahil wala siyang ibabayad."
"Then I will give it to her."
"Mas lalong hindi siya papayag. Kilala mo siya Jack," sabi ko.
"s**t! Papatayin na siya't lahat, pride pa rin niya ang inuuna niya! Please, tell her kung ayaw niya ng bigay o utang, magtrabaho siya sa akin."
Tama ka Jack, mamamatay na siya't lahat napakatigas pa rin ng ulo. Hay, Zayl!
"Jack, ikinalulungkot ko dahil ang totoo niyan, ayaw ka na niyang makita, hindi ko na nga alam ang gagawin ko dahil siya na ang nagsabi na siya na mismo ang maghahanap ng bibili sa... sa," hindi ko matapos ang sasabihin ko, buti na lang at nagsalita si Jack.
"Ako ng bahala. Ibigay mo na lang sa akin ang address niya."
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hahayaan ko na lang si Jack sa mga gusto niyang gawin. May tiwala ako sa kanya. Salamat naman at hindi ko na kinailangang pilitin si Jack na tulungan ang kaibigan ko.
Tinawagan ko si Zayl at humingi ako ng pasensya dahil sa paggawa ng kuwento. Sabi ko kay Zayl, pinipilit akong tanungin ni Jack kung bakit ginagawa niya yun at wala na akong naisip na dahilan kung hindi gamitin ang mga magulang niya. Sabi naman ni Zayl, ayos lang, ang mahalaga hindi ko daw sinabi 'yung tungkol sa sakit niya.
Zayl, kung alam ko lang na may sakit ka, sana hindi ko na lang tinanggap 'yung mga naitulong mo sa pamilya ko para isiping mas kailangan mo pala 'yun. Sana hindi na lang kita kinunsinti sa pagsusugal na sinasabi mong paglilibang. Kung sinabi mo lang agad Zayl. Sana nagpagamot ka na lang.