CHAPTER EIGHT- His Point Of View

1233 Words
JACK Hindi ko matanggap nung iwan ako ni Zayl ilang taon na ang nakaraan. After she broke up with me, nagpapalit-palit na ulit ako ng girlfriend bakasakaling mapupunan nila ang nawala pero wala akong sineryoso sinuman sa kanila siguro dahil siya pa rin ang laman ng puso ko. Lagi akong napapaaway. Kung saan may inuman, nandun ako. Lagi akong niyayaya ng mga kaibigan ko kahit saang club at minsan may mga schoolmate kami na nandun. Madami silang masasamang sinasabi tungkol kay Zayl. Alam ba nilang kaya kong manakit ng tao maprotektahan lang ang babaeng mahalaga sa akin? Kaya madalas akong mapaaway noon. Ano'ng kasalanan ni Zayl sa kanila para husgahan at maliitin siya at ang pamilya niya? Kahit masakit na iniwan niya ako, pilit ko pa ring iniintindi na kailangan nilang umalis para sa ikabubuti ng pamilya niya. Simula nung malaman ng mga magulang ko ang mga ginagawa ko, binigyan na nila ako ng warning. Pero nagpatuloy pa rin ako dahil hindi ko pa rin matanggap na iniwan na ako ni Zayl. Minsang umuwi ako ng madaling araw at lasing na lasing, hindi ko alam na gising pa pala si Daddy. Sinadya pala niyang hintayin ako. Nung makita niya ang hitsura ko, napagbuhatan niya ako ng kamay. Hindi ko sinabi sa kanila kung bakit ako napapaaway ng madalas. Gusto kong protektahan si Zayl kahit siya ang dahilan ng lahat ng ito. Minsan kinausap ako ni Mommy, pinayuhan niya ako. Pinilit niyang sabihin ko ang dahilan ng paglalasing ko. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Alam kong maiintindihan ako ni Mommy dahil mahirap lang ang pamilya niya noon. "Iho, huwag mong sirain ang buhay mo ng dahil doon. Hindi lang dapat sa kanya umiikot ang mundo mo. Tama siya, mga bata pa kayo, madami pa kayong makikilala. Kung 'yun ang gusto ng tadhana para sa inyo, makisakay ka na lang. Ang mahalaga ay hindi ka nagkulang. Move on. Live your life. Kung kayo talaga, Diyos na ang gagawa ng paraan para maging kayo ulit." Natatandaan kong sabi ni Mommy noon. Natauhan ako doon sa sinabi niya, kaya pumayag na akong sa ibang bansa na tapusin ang pag-aaral ko. Para na rin makalimot at makapagsimula ng panibagong buhay. Ayoko ring nakikitang nahihirapan sina Mommy ng dahil sa akin. Ilang taon akong nawala sa Pilipinas. Nakatapos ako ng pag-aaral. At nung naisipan kong bumalik, sinabi ko sa barkada ko na babalik ako sa Pinas. Sakto namang online ako, nag-post sa social media 'yung sinabihan kong barkada na babalik nga ako. Ewan ko pero na-trip-an kong i-like. Maya-maya, may nag-message sa akin. Tinatanong kung natatandaan ko pa siya at nagbigay ng contact number para tawagan ko at may sasabihin daw siyang importante. Bianca ang gamit na pangalan nung nag-message sa akin. Tiningnan ko 'yung picture. Naaala ko na. Siya 'yung matalik na kaibigan noong high school ni... ni Zayl. Ewan ko, pero sa tuwing maiisip ko ang pangalan niya, hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pa. Bukas. Bukas ako pabalik ng Pilipinas. Nang makabalik ako, dumiretso ako kina Mommy at Daddy para magpakita. Pagkatapos nun, pumunta na ako sa binili nilang condo unit para sa akin. Palagi rin naman akong binibisita nina Mommy nung nasa ibang bansa pa ako kaya hindi namin masyadong na-miss ang isa't isa. Naalala ko 'yung kaibigan ni Zayl na nag-message sa akin. Nag-online ako para kuhanin 'yung number sa inbox ko. Nung mailagay ko sa phone ko, nag-isip muna ako kung ida-dial ko nga. Naisip kong baka nga importante kaya napagdesisyunan ko na i-dial na nga. "Hello?" sabi nung babae. "Si Jack 'to," sabi ko. Nagpasalamat siya at tumawag ako. Nakikipagkita siya sa akin para makipag-usap. Hindi ba puwedeng dito na lang sa phone? Sabi ko sa isip ko. Sabi niya, importante daw talaga at kung busy daw ako ngayon, kahit daw bukas. Ayoko nang ipagpa-bukas pa. Gusto ko ng malaman kung gaano kaimportante ang sasabihin niya kaya sinabi kong magkita na kami ngayon. Tinanong niya kung nasaan ako at sinabi ko naman, atsaka siya nagsabi ng lugar na pagtatagpuan namin. Malapit lang naman pala kaya umalis na ako sa unit ko. Nakaupo na kami pareho, magkatapat, nagpapakiramdaman hanggang sa tinanong ko na siya kung ano ba 'yung sasabihin niya. Pagkatapos niyang ipaalam ang pakay niya ay para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkarinig ko sa pangalang Zayl Rodriguez. Si Zayl ang nagbebenta ng... ng what? Virginity? Hindi puwede, ano'ng nangyari sa kanya? Bakit niya ginagawa 'yun? Akala ko kaya siya umalis para mapabuti sila pero ano 'tong nalaman kong gagawin niya? Naiwan akong nag-iisip. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nakalimutan ko na siya noon pa. Pero sa nalaman ko, parang nagkainteres ulit ako sa kanya. Naguguluhan ako. Ano'ng nangyari sa kanila ng pamilya niya? Simula nung pag-uusap namin ng kaibigan niyang si Bianca, hindi na nawaglit sa isip ko ang mga sinabi niya. Nagmamaneho ako, pabalik na sana ako ng condo pero naisipan kong tawagan si Jerome, 'yung kaibigan kong pinagsabihan ko na pabalik na ako ng Pinas. Gusto kong magpalipas ng oras. Niyaya kong mag-inom si Jerome. "Pare, kanina pang malalim ang iniisip mo, kadarating mo lang, 'yan agad ang pasalubong mo sa'kin?" reklamo ni Jerome. Dapat pala hindi na ako nagyaya. Mas makakapag-isip pa ako ng mabuti. "Pasensiya na, kamusta ka na?" sabi ko na lang. "Eto magiging Daddy na, nakadisgrasya eh," sabi niya. "G*go ka talaga," sabi ko na lang. Disgarasya daw. "Mahal ko naman eh kaya ayos lang. Ikaw, ano ng nangyari sa buhay mo?" tanong niya. "Kung ano'ng nakikita mo ngayon," sabi ko. "Ah, mukha namang madami ka pa ring chicks. Gusto mo bang dagdagan?" biro niya. Loko talaga, binato ko nga ng tanzan. Ang ibig ko namang sabihin ay kung gaano kagulo ang isip ko kanina pa na una niyang napansin. "Igagaya mo pa ako sa'yo," sabi ko. "Kuh.. Parang hindi mo pinagdaanan. Ibigsabihin nagbago ka na talaga?" sabi niya. "Pare, kailangan ko na pa lang umalis. Salamat, importante lang," sabi ko. "Tingnan mo 'to, nagyaya tapos iiwanan lang ako. Tsk. Tsk." "Babawi na lang ako next time," sabi ko. May dalawang oras na rin naman kami dun. Kasi bigla kong naisip tawagan si Bianca, ang kaibigan ni Zayl. Papayag na ako sa alok niya, gusto kong makita si Zayl, gusto kong siya mismo ang magsabi kung bakit niya naisipan 'yun. Ibinigay ko ang lugar kung saan ako pupuntahan. Kinagabihan, nag-text si Bianca na papunta na daw si Zayl. May kumakatok sa pinto. Alam kong siya na 'yung parating. Maya-maya ay naramdaman ko na ang pagpasok niya. Nakatalikod ako, hawak ang isang baso ng alak. Naisip kong uminom ng kaunti habang hinihintay siya. Wala pa akong balak humarap sa kanya. Narinig kong tumikhim siya. "Good evening. A-ako yung... 'yung.." Maganda ang pinagbago ng boses niya pero halata namang kinakabahan siya. "What's your name again?" tanong ko. Gusto kong makasiguro. "Zayl. Zayl Rodriguez," sabi niya. Pagkarinig ko ng pangalan niya, ipinatong ko sa mesa 'yung hawak kong baso at humarap sa kanya. Halata ang gulat at paninigurado sa mukha niya pero hindi ko napigilang humanga sa kanya. Ang laki ng pinagbago niya. At talagang pinaghandaan niya ang gabing ito. Desidido na talaga siyang gawin ang gusto niya? Agad ding napawi ang paghanga ko. Gusto ko siyang komprontahin. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya 'yun ginagawa sa sarili niya. Iniwan niya ako para mapabuti sila ng pamilya niya pero ano itong nalaman ko? F*ck!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD