CHAPTER FOUR- Philippines

1067 Words
Niyakap ako ni Tita Claire. Mabuti na lang at nakilala ko siya. Malaking bagay na may nagco-comfort sa akin ngayon. Pero hindi na mababago ang sinabi niya sa akin na may cancer ako. Two months to live my life? Ang sakit-sakit. Ang hirap tanggapin. Wala na akong dapat hintayin, himala lang talaga. Hindi na ako naghintay ng sasabihin pa ng doktor. Si Dra. Charie daw ang doktor. Kinakausap niya ngayon si Tita Claire. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong tumakas, takasan ang katotohanan. Ayoko na dito. Gulung-gulo na ang utak ko. Nakasakay na ako sa eroplano pabalik ng Pilipinas. Tumakas ako sa hospital nung mga oras na 'yun. Nakakahiya man pero iniwan ko na si Tita Claire. Ayoko ng awa. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagtago ako sa hotel, gusto kong mapag-isa nung mga oras na 'yun. Ipinagbili ko ang bahay at lupang ipinangalan sa akin, wala akong itinirang ari-arian. Sa Pilipinas na ako titira. Bitbit ang abo ng mga magulang ko. Gusto kong maging masaya sa loob ng dalawang buwang taning sa akin. Nang maayos ang lahat ng kailangan ko para makaalis, agad-agad nga akong umalis pabalik ng Pilipinas. Hindi ko pa rin mapigilang umiyak. Nagtitinginan na 'yung mga pasahero. Pero nangako ako sa sarili ko na pagbaba ko sa eroplanong ito, kakalimutan ko na ang sakit ko. Naalala ko 'yung address ng amo ni Inay na ibinigay ni Dra. Ayoko ng pumunta doon. Baka sinabi na ni Dra. ang kalagayan ko. Ayaw ko ng awa. Ayokong kaawaan ako. Sobra-sobra na ang naitulong ng mag-asawa sa amin, ayoko ng dagdagan pa. Sa hotel ako tumuloy. Sa dami ng pera ko kahit dito na ako tumira ng ilang buwan. Hindi na ako nag-abalang bumili ng condo unit kasi hindi na rin naman magtatagal ang buhay ko. Ang dami kong gustong gawin. Nagpunta ako sa isang bahay ampunan at nag-donate ng pera, sa simbahan, pati sa mga pulubing nakikita ko. Sa dami ng pera ko ngayon, iniisip ko pa rin kung paano ko 'to uubusin sa loob ng dalawang buwan. Hindi ko na inisip na magpagamot o magpa-chemoteraphy. Mae-extend lang ang buhay ko pero nandun pa rin 'yung sakit. Ayokong sumugal. Aasa lang ako. Ayokong umasa. Gusto kong maging masaya na lang, tanggapin kung hanggang saan na lang talaga ang buhay. Wala na ang pamilya ko, at wala akong kilalang kamag-anak. Sa wakas, makakasama ko na rin sina Inay at Itay. Bumili ako ng mga bagong gadgets at bagong kotse. Binuksan ko 'yung laptop ko at nag-online. Nag-message ako kay Bianca, bestfriend ko simula nung high school, sabi ko magkita kami. Kinuha ko 'yung contact number niya at tinawagan siya. "Zayl?! Ikaw na ba talaga 'yan? Ang ganda-ganda mo. Ilang taon ka na kasing hindi nag-u-update sa social media," sabi ni Bianca. Nandito kami sa mall. "Ang laki din ng iginanda mo, how are you?" sabi ko habang pilit ang ngiti dahil sa hindi maitagong lungkot sa mga mata ko. Hindi ako sigurado kung napapansin niyang may pinagdadaanan ako. "Wow, pa-english-english na lang. Ang sosyal mo na at parang ang yaman mo na nga. Ako, tumigil ako sa pag-aaral. Nagkasakit kasi 'yung kapatid ko pero isang taon lang at nagtuloy na rin ako, vocational nga lang. Nagtatrabaho ako bilang service crew sa isang restaurant ngayon." "Ganun ba. Halika kain muna tayo," sabi ko. Pagkatapos naming kumain, nagyaya akong mag-shopping at pinapili ko ng pinapili si Bianca. Nung una, nahihiya pero sabi ko magagalit ako kapag tumanggi siya. "Salamat talaga Zayl ha. Ang bait-bait mo talaga." "Wala 'yun," sabi ko. "Zayl, kasama mo rin ba sina Tito't Tita?" tanong niya at hindi ko naiwasang makapagpakita ng lungkot sa mukha. Sa tuwing maaalala ko, ang bigat sa pakiramdam. "Wala na sila," sabi ko at doon biglang tumulo ang luha ko pero agad ko ring pinahid. Alam ko na itatanong niya 'yun, ayaw ko lang sabihin hangga't hindi siya nagtatanong. "You mean?? Kailan pa? I'm sorry..." Kinuwento ko sa kanya kung paano at kailan nawala ang mga magulang ko. Iyon lang, dahil sa ngayon gusto ko munang sarilinin ang mga problema ko. "Nakikiramay ako Zayl. Wala kasi kaming balita sa'yo." "Naiintindihan ko. Mas pinili ko na rin muna kasing manahimik," sabi ko. Gusto kong maging matatag. Masakit isipin pero walang permanente sa mundong ito. Kailangan lang maging matatag, sulitin ang panahong nabubuhay ka. It’s true that you never know how strong you are, until being strong is the only choice you have. Kaya kailangan kong maging malakas. "Zayl nandito lang ako ha, if you need a friend." Ngumiti ako at niyakap siya. "Bianca, may ipapakiusap sana ako sa'yo." "Ano iyon?" "Huwag mo munang sabihin sa mga naging kaklase natin na nandito na ako." "Wala na rin naman akong contact sa mga 'yun. Pero bakit, ayaw mo bang makita nila na mayaman ka na? Na ang dating mahirap, milyonarya na ngayon?" "Basta, ganito na lang, eh 'di kung may makita tayong kakilala, hello na lang sa kanila." Nagtawanan na lang kami. "Ganun, baka naman may iniiwasan ka lang." "Ha?" sabi ko. "Si Jack," sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niyang pangalan. Jack? Sino pa nga bang Jack? Ang lalaking sinaktan at iniwan ko noon. Ang lalaking minahal ko or should I say, mahal ko pa rin hanggang ngayon. "Ano ka ba, matagal na 'yun. Mga bata pa kami nun," sabi ko na lang. Gusto ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa ilang taon kong ipinamalagi sa ibang bansa, ni hindi man lang ako tumanggap ng manliligaw, at nung makatapos naman ako ng pag-aaral, nagpursige akong magtrabaho. "Pero alam mo Zayl, simula nung umalis ka, hindi na ulit nagseryoso si Jack sa mga babae tapos madalas pang mapaaway." "Kamusta na siya ngayon?" hindi ko napigilang itanong. "Balita ko sa ibang bansa nagpatuloy ng pag-aaral at hindi pa bumabalik dito sa Pinas hanggang ngayon." "Ganun ba." "Oh, bakit parang nalungkot ka?" "Hindi ah. Halika na nga," sabi ko. "Saan ka ba nakatira ngayon?" "Sa hotel, dalawang buwan lang naman ako dito." "Babalik ka na sa America?" "Y-yeah," pagsisinungaling ko. Hinatid ko si Bianca sa bahay nila. Nagpakita ako sa mga magulang niya at nakipagkuwentuhan saglit. Nagpaalam na rin ako pagkatapos. Hanggang kailan ko itatago ang lihim ko? Kahit paulit-ulit kong sabihing tama na, ayoko ng isipin, pero kapag mag-isa na lang ako, pumapasok pa rin sa utak ko. May sakit ako, at malapit na akong mamatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD