Kaaalis lang nila Bianca. Ewan ko, pero hindi ko ma-explain 'yung nararamdaman ko, wala man ang tunay kong pamilya, pinaramdam naman nina Bianca na kapamilya nila ako. Nakatapos na akong mag-shower. Gusto ko sanang makatulog ng maaga pero may narinig na lang akong kumakatok sa labas ng pinto. Nagroba muna ako dahil masyado ng manipis 'yung suot ko. Pajama at spaghetti strap na pantaas kasi ang suot ko. Lumabas ako ng kuwarto para tingnan kung sino 'yung kumakatok. May naiwan ba sina Bianca? Wala naman akong maisip. Binuksan ko 'yung pinto. "J-Jack?" nagulat ako, ano'ng ginagawa niya dito? "Happy birthday," sabi niya at hindi ko mawari kung nakangiti ba siya o hindi, o baka nahihiya lang. May iniaabot siyang isang bungkos ng mga bulaklak. Naalala niya pa na birthday ko ngayon? Nagugulu

