CHAPTER FOURTEEN- Her Birthday

1107 Words

BIANCA Nasasaktan ako para kay Zayl. Ano bang nasa isip ng Jack na 'yun? Bakit kailangan niyang saktan si Zayl ng ganun? Kung wala na siyang nararamdaman para sa kaibigan ko, bakit kailangang ipamukha pa niya 'yun kay Zayl? Nagkamali ako, dapat hindi ko na lang siya nilapitan. "Anak, akala ko may pasok ka ngayon?" tanong ni Mama sa akin kasi nandito pa rin ako sa bahay. "Ah, kasi po may lakad kami ni Zayl ngayon pero nagpaalam naman po ako sa manager ko, um-okay naman po 'yung manager ko." "Ah, bihira na pumunta 'yang batang 'yan dito sa atin ah," sabi ni Mama. "Ah, kasi po madalas po siyang mag-out of the country kaya nga po ngayong niyayaya niya akong lumabas, hindi na po ako tumanggi. Nakakahiya naman po sa tao eh wala naman pong malapit na kaibigan 'yun dito kung hindi ako lang."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD