Nakasakay ako sa taxi pauwi, hindi ko mapigilan ang sarili kong maisip 'yung mga nangyari sa amin ni Jack. Tama ba 'tong nararamdaman ko? Bakit sa halip na maramdaman kong ang dumi kong babae eh hindi ko maiwasang isiping nagustuhan ko yata 'yung nangyari. Ewan ko, siguro dahil si Jack 'yun. Tama na Zayl! Iyon na ang huli naming pagkikita. Sana. Mag-uumaga na hindi pa rin ako makatulog buhat nung magising akong kayakap si Jack. Pero sinabi niyang wala na siyang nararamdaman para sa akin. Mabuti na rin 'yun kasi he doesn't deserve me, because time will come na iiwanan ko lang din naman siya. Ayokong masaktan ko siya. Alam kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon kaya ako ang nasasaktan ng ganito. Hindi ko na napansing may luha na pala ako. Ayoko ng isipin. Kailangan ko ng tanggapin. Pumik

