Kinakabahan ako, kailangan kong maging mahusay na aktres kapag kaharap na si Jack Santaniel. Ayokong mahalata niyang may pagtingin pa ako sa kanya. Kung tutuusin, para sa pride niya kaya ako napapayag. Nakakainsulto lang 'yung mga sinabi niya pero mahalaga siya sa akin, importanteng mapasaya ko siya bago ako mawala sa mundong ito kahit nasaktan niya ako. Sakay ako ng taxi papunta sa condo niya. Kailangang maubos na lahat ng kaba sa dibdib ko. Ayokong magmukhang kaawa-awa sa harap niya. Hindi niya alam na papunta ako ngayon sa kanya. Sana nandoon nga siya. Nasa loob na ako ng elevator. Panay ang inhale-exhale ko para mawala ng husto ang kaba ko. Nandito na ako, nagbukas na ang elevator. Naglakad na ako papunta sa unit niya. Nasa may pinto na ako. Magdo-door bell na sana ako nang bigl

