1 : The kind girl

1392 Words
Hindi maipinta ang mukha ni Lara habang tinititigan niya ang magagandang kababaihan na patuloy na pumapasok sa isang kilalang brothel upang magsimula na sa kanilang mga trabaho. "Talagang nasisikmura nilang pumasok sa mga ganiyang klase ng tranaho?! Nakakadiri!" Rinig niyang reklamo ng ina niya na kasalukuyang nagpapaypay sa ihawan kung saan naka larga ang mga ihaw-ihaw na binibili sa kanila ng isang loyal na customer. Napangiwi si Lara dahil sa hiya para sa ina niya. Napalakas kasi ang boses nito at halatang narinig ito ng mga babaeng nakatambay sa harap ng brothel. Ang sama na tuloy ng tingin sa kanila ng mga ito. Binigyan ni Lara ng malungkot na ngiti ang mga babae atsaka siya marahang tumango sa mga ito bilang paghingi ng paumanhin sa inasal ng kaniyang ina. Hindi mo naman kasi masisi ang mga babaeng ito. Wala na silang paraan para mabuhay at kumita ng pera kaya no choice sila kung hindi ang kumapit sa patalim. Kung siguro ay hindi siya nag-aaral ay baka ganiyan na rin ang naging trabaho niya mgayon... "Lara 'wag kang tumingin-tingin sa mga puta na iyan. Magtrabaho ka na at ng makapagligpit ma tayo agad!" Singhal ng kaniyang ina. Napalis ang atensyon ni Lara sa mga babaeng tinititigan niya at alangan niyang tinuon ang buong pansin sa negosyo nilang ihawan at bentahan ng halo-halo. Hindi naman ganoon kalaki ang kinikita nila sa negosyong ito at mas malaki pa ito sa sweldo ng ama niyang isang police. Ngunit hindi raw gusto ng ina niya na tumunganga na lang sa bahay habang naghihintay sa sweldo ng ama kaya hinila siya nito upang magbenta ng kung ano-ano rito sa palengke, sa mismong tapat ng pinaka kilalang brothel. "Mama malapit na po pala 'yong exam namin ang sabi po ng prof ko ay baka bumagsak na naman po ako sa isang subject..." Mapait niyang anunsyo sa ina ng nagsisimula na silang magligpit ng mga gamit. Napahinto si Aling Mara sa pagliligpit at blangkong napatitig sa sako ng mga uling na nasa kaniyang harapan. Hindi na dapat siya nagulat sa balita ng anak pero... Masyado naman yata itong bobo para paulit-ulit na bumagsak? Iniisip pa lang niya 'yong mga na gastos nilang mag-asawa para masuportahan ang pag-aaral ni Lara ay sumasakit na ang ulo niya. Tatlong beses na itong bumabagsak at nasa 4th year na ito ngayon. Nakatapos na ang mga ka-batch niya at meroon ng mga sari-sariling career pero siya ay heto at nakatira pa rin sa bahay nila at paulit-ulit na pumapasok sa eskwelahan. Binitawan ni Aling Mara ang hawak-hawak na pangkudkod ng yelo para umupo at mapahilot sa nanakit niyang sentido. Diyos ko. Mamatay na yata ako sa sobrang stress at inis sa batang ito! Iyak ng ginang. "Lara naman hindi ba at meroon ka ng tutor?! Paulit-ulit mo na lang na tine-take 'yang exam na iyan tapos..." Napayuko si Lara. Mahigpit niyang naikuyom ang mga kamao habang nakasibi ang mapula at manipis niyang labi. Sino ba ang hindi mahihiya? Miski siya ay nahihiya sa sarili niya. Hindi naman kasi siya matalino atsaka palagi siyang nahihirapan sa mga subject na tinetake niya! Tanggap naman niya na bobo siya at wala ng itatalino pa. Ayaw na niyang sayangin ang pera ng mga magulang niya pero ayaw naman ng mga ito na patigilin siya sa pag-aaral kaya ano'ng magagawa niya? Malungkot siyang napaiwas ng tingin. Sa sobrang hiya at pagkakonsensya sa masamang balita na binitawan niya sa ina ay hindi na niya tuloy ito magawang tignan ng diretso sa mukha. Nakakahiya siya. Nag-iisang anak na nga lang siya tapos ganito pa siya. "Ako na ang magtitiklop dito. Umuwi ka na sa bahay natin." Malamig na ani ni Aling Mara sa anak. Malungkot na napabuntong hininga si Lara bago tahimik na tumalikod at lumakad palayo sa tindahan nila. Wala kang mararating sa buhay dahil sa kabobohan mong 'yan! Mag-asawa ka na lang Lara tiyak ay nagiging kapaki-pakinabang ka ba sa larangan na iyon. Paulit-ulit niyang naalala yun'g masasakit na sinasabi sa kaniya ng mga taong iyon. Pero laban lang. Hindi niya hahayaan na mapatumba ng mga masasamang salita na iyon. Ano naman ngayon kung bobo siya?! At least maganda siya atsaka may mabuting puso. Iyon naman ang importante, diba? Mabigat man ang loob ng dalaga, malungkot at puno ng pait ang mga emosyong nararamdaman niya ay pinilit pa rin niyang ngumiti. Inayos ni Lara ang suot na kulay puting bestida bago pantalon-talon at tila isang bata na pumunta sa gilid ng Jobee kung saan naka pwesto ang isang matandang pulubi na palagi niyang binibigyan ng mga pagkain. Bago niya mapagalit ang ina ay kumuha muna siya ng pambili ng pandesal sa pitaka nito. Bibilhan niya ng pandesal ang matanda ngayon tapos sabay silang magkakape sa gilid ng kalsada! Dala ang isang maliit na paperbag na naglalaman ng maliliit na pandesal ay lumakad palapit si Lara sa matandang pulubi. Nakapwesto ito sa hara ng isang kilalang food chain restaurant, madungis at palaging nakalahad ang nanginginig na mga kamay sa harap ng mga taong pumapasok sa loob ng food chain. "Mamang magkano na po ang nakuha natin?" Nakangiting tanong ni Lara sa matanda. Nagulat pa ang matanda at nanlalaki ang mga matang napatingin sa magandang dalaga na ngayon ay nakaupo na sa kaniya tabi. "Apo baka madumihan 'yang bestida mo!" Sita niya kay Lara pero imbes na makinig ay walang kaarte-arte lang nitong nilapag ang paperbag sa harap nila atsaka nito nilabas ang dalawang styrofoam na baso. "Mang masarap itong pandesal mainit-init pa. Kainin na natin?" Maliwanag ang mga mata at magaan ang boses ni Lara. Kung makipag-usap ito sa mga taong grasa na katulad niya ay parang pamilya ang turing nito sa kanila. Hindi man lang ito nahihiya na tumabi o hindi kaya ay yakapin sila. Napakabait ng batang ito ay naiinggit siya sa mga magulang nito dahil meroon silang anak na hindi lang maganda kung hindi mabait pa! Sana'y si Lara na lang ang apo niya. "Ayos lang apo. Tawagin mo na sila Vivien ng sabay-sabay na tayong makapagkape?" Ngumiti ang dalaga. "Sige po." Nakita pa ni Lara ang batang si Vivien na naglalaro sa gilid ng kalsada kasama ang mga kaibigan nito na mga batang kalye rin. Tinawag niya ito at agad naman'g napalingon sa kaniya ang bata. Nagning-ning ang mga mata ni Viven ng marinig ang boses ng ate Lara niya. "Ate Lara!" Masiglang sigaw ng bata bago mabilis na tumakbo palapit kay Lara. Madusing man at sira-sira ang suot na damit ni Viven ay hindi pa rin maalis na maganda ang bata. Ayon sa matanda ay meroon daw kasi itong lahing griyego dahil griyego ang ama nito habang ang ina naman nitong nasa probinsya ay Filipino at meroon ng bagong pamilya. "Ate Lara ano'ng hapunan natin ngayon? Mahina ang napanlimos namin ni lola wala ng nagbibigay sa amin kasi ang sabi nila kaya naman daw namin'g magtrabaho!" Malungkot na wika ng bata. Mapait na napangiti si Lara. Hinaplos niya ang mahabang buhok ng bata atsaka ito ginaya papunta sa direksyon kung saan niya iniwan ang mamang nila. "Meroon tayong pandesal. Konti lang ang naduwit ko kay mama eh..." Malungkot niyang sagot dito pero gayon pa man ay nagning-ning pa rin ang mga mata ni Viven dahil sa tuwa. "Hala ate okay na iyon!" Ngingiti ni Lara ang bata. Bukod sa maganda ay napakabait din talaga ng batang ito. Patuloy niyang hinahaplos ang buhok ni Viven at ng malapit na sila sa mamang nila ay tumakbo na ito at nagpatiuna. Aksidenteng napatingin si Lara sa pwetan ng Seventeen years old na bata. Napasinghap siya ng makita ang kulay pulang marka na nasa shorts nito. "Vivien!" Sigaw niya sa bata. Napatigil naman ito at nagtatakang napatingin sa kaniya. Pinagkiskis ni Lara ang kaniyang mga ngipin bago malalaki ang hakbang na lumapit. "Nakalimutan mo na naman 'yong menstrual period mo!" Bulong niya sa bata. Nang marinig iyon ni Vivien ay agad na namilog ang mga mata niya at napatingin sa kaniyang pwetan. Nang makita nito ang kulay pulang marka ay dali-daling pumula ang buo niyang mukha. Nagmistulang itong kamatis sa sobrang pula. "Ate..." Nahihiyang tawag ni Vivien sa kaniya. Mula sa maliit na pitaka na nasa kaniyang bulsa ay kumuha si Lara ng singkwenta pesos at inilagay ito sa kamay ng bata. "Umuwi ka na atsaka bumili ng napkin tapos maligo. Ako na ang mag-uuwi kay Mamang..." "Salamat po ate..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD