2 : A pair of strong arms

1608 Words
Dahil sa kahirapan ay kinaiinisan ni Vivien tuwing dadatnan siya. Palagi itong nagrereklamo sa akin, bakit daw ba kailangan na magkaroon siya ng ganoon e ang hirap na nila at wala na silang pambili ng pagkain. Paulit-ulit kong pinapaliwanag kung bakit dinadatnan ang mga babae at kung ano ang hindi dapat niyang gawin ngayong dalaga na siya pero parang hindi naman ito nakikinig. Nakabusangot lang siya, payakoy-yakoy ang mga paa habang mahinang bumubulong. "Sana'y lalaki na lang ako!" Napapailing na lang ako habang naririnig ko iyon mula sa bata. "Apo sigurado ka bang makakauwi ka ng ligtas niyan?" Tanong ni Mamang sa akin matapos kong ipasok ang mga dala niyang gamit sa loob ng mapiit at tagpi-tagpi nilang tent na nakatayo sa ilalim ng puno. "Opo. Marami pa naman pong tao sa kalsada kaya ligtas po ako niyan!" Paninigurado ko kay mamang. Napasimangot ito at ng makita ko iyon ay parang meroon'g kumurot sa puso ko kaya pilit akong ngumiti bilang panigurado sa kaniya na magiging maayos lang ako. Ako pa ang daming tambay sa kanto na pro-protekta sa akin! "Mag-iingat ka apo atsaka salamat ulit." Nakangiting wika sa akin ni Mamang. Mas lumawak ang pagkakangiti ko. Kinuha ko ang nanginginig na mga kamay ni mamang atsaka ko ito marahang pinisil. "Hindi niyo na po kailangan na magpasalamat dahil pamilya na po ang turing ko sainyo." Inalis ni mamang ang isang kamay niya at dinikit niya ito sa akin'g pisngi. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip ni mamang pero matagal niya akong tinitigan sa mata bago niya ako tinapik sa braso. Nang tumalikod na ang matanda at pumasok sa loob ng tents ay doon pa lang ako napabuntong hininga. May iba talaga akong gustong puntahan. May gusto akong subukan. Pero hindi ko pwedeng gawin iyon kung kasabay kong uuwi si mama. Pinasok ko ang mga kamay ko sa magkabila kong bulsa bago ako nakayukong lumakad papunta sa bayan. Imbes na umuwi at magpahinga sa bahay ay dinala ako ng mga paa ko papunta sa brothel kung saan nakatayo ang tindahan namin. Bakante na ang pwesto kung saan kami nagtitinda, wala na si mama at punong-puno na rin ng mga mamahaling sasakyan ang harap nitong brothel. Baka meroon'g kaibigan si mama na nandito kaya nagtago muna ako sa isang gilid at mariin'g pinagmasdan ang mga taong naglalabas masok sa magandang brothel. Hindi na ako nakapasa sa exam ko atsaka ang sabi nila ay mukha lang ang meroon ako. Meroon'g sinabi sa akin si Madam Georgia, kung balak ko raw na huminto na sa pag-aaral ay meroon siyang trabaho na ibibigay sa akin. Twenty six years old na ako pero kina mama at papa pa rin ako naka-asa. Gusto kong ako naman ang magbibigay ng pera sa kanila kaya... Tatanggapin ko na ang trabahong ibibigay sa akin ni Madam Georgia. Hindi naman siguro mabigat ang trabahong iyon, tama? Patago akong pumunta sa likod ng brothel at ng saktong makita kong bubukas ang pinto rito ay mabilis akong pumasok at tinulak ko papasok ang taong dapat sana ay lalabas. "Lara?!" Gulat na sigaw ng babaeng tinulak ko papasok. Tinignan ko ito. Si Madam Georgia pala! Kinakabahan kong tinitigan sa mukha si Madam Georgia habang nanlalaki ang mga matang pinasadahan naman niya ako ng tingin. "Madam nandito po ako para tanggapin na yun'g trabaho binibigay niyo po sa akin!" Ano ko rito habang patingin-tingin sa paligid. Nasa likod kami ng brothel, sa parte na parang kusina at buti na lang ay walang ibang tao. Baka kasi may kakilala si mama at papa, patay ako sa oras na malaman nila na pumunta ako sa lugar na ito! Napakalabit ng dila si Madam Georgia. "Sigurado ka ba?" Naninigurado nitong tanong sa akin. Dali-dali aking tumango. Ilan'g buwan ko rin'g pinag-isipan ito. Hinintay kong malaman ang result ng exam at ng malaman kong bagsak na naman ako ay napag-isipan kong tanggapin na ang offer na ito ni Madam Georgia. Wala naman sigurong masamang mangyayari kasi ang sabi nila ay disente ang mga nagiging customer nila atsaka mayayaman pa! Atsaka hindi naman ako magseservice, ang sabi ni Madam Georgia ay maglilinis lang daw ako ng mga kwarto. "Opo sigurado na po ako!" Agad kong sagot na sinamahan pa ng sunod-sunod na tango. Halatang gustong-gusto ko ang trabahong ito. Sino ba ang hindi kung kikita ka ng pera? Pwede ko pang bigyan yun'g mga nasa lansangan kung nagkataon. "Sige..." Parang hindi sigurado si Madam Georgia ng sabihing niya iyon kaya bago pa niya mabawi ang sinabi ay mabilis ko na siyang yinakap. "Maraming salamat Madam! Pangako pagbubutihan ko ang pagtra-trabaho ko rito!" Mabilis at masaya kong singhal sa kaniya. Nakangisi ang babae at napameywang. Kahit na forty years old na si Madam Georgia ay sobrang ganda at sexy pa rin nitong tignan. Minsan ko na nga'ng narinig mula kila mama at papa na dati raw pala itong asawa ng isang mayaman at delikadong tao pero hindi sila magkaanak kaya hiniwalayan nito si Madam. Kahit na naging miserable at malungkot si Madam ay sa nakaahon pa rin ito. Gamit ang naipong pera mula sa pamamasukan nito bilang dancer sa ibang bansa ay naitayo niya ang brothel. Ang brothel na tahanan ng mga kababaihang nagbebenta ng aliw upang mabuhay. "Sige pero off limits ka sa Redroom at bawal kang magbenta ng katawan." Striktong bilin sa akin ni Madam. Nakataas pa ang isang kilay niya at bahagyang nakanguso ang mapupula niyang labi. Hindi ko mapigilang mapayakap ulit s kaniya dahil sa sobrang saya. "Salamat po talaga! Gagamitin ko itong pera para po matulungan sila mamang!" Nawala ang ngiti sa mukha ni Madam ng banggitin ko iyon. "Iyong batang si Vivien nasa lansangan pa rin ba siya?" Seryosong tanong ni Madam sa akin. Bakit kaya tinatanong ni Madam si Vivien? Wala akong ideya kung bakit pero napatango na lang din ako. "Hindi ko gusto yun'g mga naririnig ko sa mga lasinggero na nasa kanto kaya sabihan mo yun'g bata na iyon na kung gusto niya ng magtrabaho ay bukas ang brothel pero hanggang paglilinis lang ang kaya kong ioffer sa kaniya." Kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako kay Madam dahil willing siyang bigyan ng trabaho si Vivien. Paniguradong magiging masaya ang batang iyon pag sinabi ko sa kaniya ang tungkol dito, bukas! "Sige na magsimula ka na. Linisin mo yun'g nasa second floor room 33." Yamot na utos ni Madam. Sinenyasan pa ako nito na umalis na kaya masaya akong tumakbo papasok sa brothel hanggang sa marating ko ang malawak na espasyo na animo'y lobby ng isang hotel. Muntik ng malaglag ang panga ko dahil sa pagkamangha dahil sa disenyo at ganda ng mga furniture na makikita rito. Ito ang unang beses ko na makapasok sa hotel na ito at hindi ko aakalain na ang sosyal pala nito sa loob! Kulay pula ang carpet na gawa sa magandang kalidad ng fur. Mukhang malambot ang mahahabang sofa na kulay pula rin at gawa sa salamin ang mga lamesita. Meroon'g mga customer na naka upo sa sofa na nagkalat sa paligid at meroon silang mga kasamang magagandang babae at lalaki na sa tingin ko ay dito sa brothel nagtra-trabaho. Hindi sila gumagawa ng kababuyan tulad ng sinasabi ni mama. Ang totoo nga niyan ay nagkakape lang sila at nagkwe-kwentuhan. Ganito ba talaga rito? "The stage is empty so might as well use this to entertain our beloved guess..." Ani ng isang poging lalaki na umakyat sa stage habang meroon'g hawak na flute. Natuon sa kaniya ang atensyon ng lahat ng tao at lahat ay na mangha ng simulan na ng lalaki na hipan ang flute na nasa kaniyang mga kamay. Para kaming nakikinig sa kanta ng ibon habang pinakikinggan namin ang kantang nililikha ng flute niya. Meroon'g iilan'g mga babae na tumayo at sumayaw sa saliw ng musika. Lahat sila ay may kani-kaniyang ganda. Maputi, morena at mukhang mga manika. Olympus... Iyon ang bansag ng mga customer sa lugar na ito dahil parang mga diyos at diyosa ang mga taong nandito. Hindi nga sila nagkakamali dahil sa mga oras na ito pakiramdam ko ay nasa Olympus ako, ang kaharian ng mga diyos at diyosa. Akmang ihahakbang ko na ang akin'g mga paa palapit sa lobby ng makarinig ako ng mahinang pag-ubo. "Lara you have a job, right?" Nakangiting paalala sa akin ni Madam na nasa likoran ko na pala. "Sorry po!" Dali-dali akong tumakbo papunta sa hagdanan para makapunta sa second floor kung nasaan ang kwartong lilinisin ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko napansin na meroon pa lang tao na pababa naman ng hagdan. Hindi ko nakita ang dinaraanan ko kaya nagulat na lang ako ng bumangga ako sa matigas na pader. Sobrang lakas ng pwersa ng pagkakabangga ko sa kaniya at nawalan ako ng balanse, namilog ang mga mata ko ng mamalayan kong mahuhulog na ako sa hagdan at magpapagulong-gulong. Unang araw ko sa trabaho pero disgrasya pa ang aabotin ko. Lihim akong napaiyak. Hinintay ko ang pagbagsak ng akin'g katawan sa hagdan pero imbes na magpagulong-gulong at masaktan ay naramdaman ko ang pagpalupot ng matitigas na braso sa akin'g bewang at ang paghila sa akin ng kung sino palapit sa mainit at matigas niyang dibdib. Si-Sino ito? Napasinghap ako ng dumikit ang akin'g mukha sa malapad nitong dibdib at marinig ko ang malalakas na t***k ng puso niya. "Miss watch your steps." Nanginig ang akin'g katawan ng marinig ko ang malalim na boses na iyon. Parang meroon'g kumaliti sa akin'g sikmura dahil sa vibration na likha ng malalim niyang boses. Imbes na kumawala sa bisig ng estranghero ay mas lalo ko lang naisubsob ang mukha ko sa kaniya ng maamoy ko ang nakakaadik na amoy ng Lavander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD