HABANG naglalakad si Xena sa palabas ng airport ay hindi pa rin nawawala sa isip niya si Zevren. She saw a pain in his eyes nang sabihin niya ritong ikakasal na siya or guniguni lang ba niya ‘yon? Marahan niyang ipinilig ang ulo para tanggalin ito sa isip niya. This is not the right time para isipin pa si Zev. “Oh, shocks!” gulat niyang sabi nang maalala ang coat at fountain pen nito. Sa sobrang gulat niya nang makita ito ay hindi na niya naalala pang ibalik ang mga gamit nito. “Oh, yeah, mukhang kailangan ko talaga siyang mahanap dito sa bansa,” naiiling na lang na bulong niya sa sarili. Pumara siya ng taxi papunta sa condo ni Axel, habang nasa biyahe siya ay sinubukan niya pa rin itong kontakin pero mukhang nakapatay talaga ang cellphone nito. Natatakot siya na hindi niya maintindihan

