Chapter 01

2024 Words
“I’M SORRY, if I can’t make it yesterday. I know it’s your birthday but the only reason why I can be with you is because of this,” he sincerely said to her at nanglaki ang mga mata niya nung bigla itong maglabas ng isang singsing at tumingin sa lahat ng taong nandoon sa lugar na ‘yon. “I’d like everyone here to be a witness.” Pagtapos ay bigla itong lumuhod sa harapan niya. “Xena, will you marry me? For the seven years with you, I already know that you are the one that I want to spend my whole life with and you are the only one I wanted to be with forever.” Umiiyak na tanong nito sa kaniya at sa pagkakataong iyon ay hindi na rin niya napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadya. “Please be my lifetime partner, can you please be a wife and spend the rest of your life with me. You already know that I can’t live a day without you! Will you please let me?” Tumango siya bilang tugon sa katanungan nito habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya sa kaniyang mata. Inabot niya dito ang kaliwa niyang kamay kaya naman marahan nitong isinuot doon ang mga singing na kanina pa nito hawak. “I love you, Alexena Claudette Vergara, thanks for making me the happiest man!” Pagtapos ay tumayo na ito at mahigpit na yumakap sa kaniya. “I love you, Axel! Hindi mo rin alam kung gaano ako kasaya ngayon,” naiiyak pa ring wika niya rito. “HOY, XENA, gumising ka na diyan!” malakas na sigaw sa kaniya ni Gabbi at marahas pa siyang tinapik sa mukha niya. “Pambihira naman, Gabriella!” Naiinis na bulyaw niya rito. “Ang ganda-ganda ng panaginip ko, eh,” pagtapos ay pinilit ulit niyang matulog para balikan ang panaginip niya. “Ayaw mo pa bang umuwi ng Pilipinas? Jusko, tatanghaliin tayo sa flight natin!” Doon siya bumalik sa ulirat at mabilis na napabalikawas ng bangon. “Tingnan mo! Ano ka ba naman, Alexena!?” nagagalit nang sigaw nito sa kaniya. “Oo nga, ito na, oh,” wika naman niya at nagmamadalaing lumabas ng silid niya para makaligo. After two years, makakauwi na rin siya sa bayang sinilangan. Natapos na kasi niya ang degree niya sa Fashion Designing dito sa Paris, France. At yung nangyari sa panaginip niya ay hindi talaga iyon panaginip lang dahil totoong nag-propose sa kaniya ang long-time boyfriend niyang si Axel bago pa man siya makalipad papuntang Paris. Noong una ay ayaw talaga siyang payagan nitong umalis dahil nga naman two years din siyang mawawala pero nang dahil na rin sa pakiusap niya ay kalaunan ay napapayag niya rin ito. Ang kapalit nga lang ay pag-uwing pag-uwi niya ng Pilipinas ay tanging ang kasal na ang aasikasuhin niya. Ang gusto pa nito noong una ay magpakasal muna sila bago siya umalis pero dahil na rin sa biglaang business conference nito ay hindi natuloy ang plano nitong iyon. Long distance relationship for two years is not a joke, pareho silang nahirapan sa bagong pagsubok na iyon sa kanilang relasyon dahil mula high school ay magkasama na sila at hindi sila sanay ng ganoon kalayo sa isa’t-isa. Pero masaya siya dahil napagtagumpayan naman nila ang dalawang taong relasyon nila kahit na milya-milya ang naging layo nila sa isa’t-isa. “HOY ALEXENA ANG TAGAL MO NAMAN DIYAN!” naiinip ng sigaw ni Gabbi. Kaibigan na rin niya ito magmula pa noong high school sila at sumabay itong mag-enroll sa kaniya noong malaman nito ang plano niya, yun nga lamang Professional Makeup Artistry ang kinuha nito. “Oo nga, ito na nga, palabas na!” Naiiritang sigaw na rin niya rito. Paglabas niya ng CR ay mabilis na rin siyang nagbihis kasi nga baka ma-late pa silang dalawa sa flight nila at isumpa pa siya nitong kaibigan niya. “Tara na, bilis!” nagmamadaling aya nito sa kaniya. “Bakit ba kasi gigisingin mo ako kung kailan nakabihis ka na?” natatarantang kompronta naman niya rito. “Hay naku, Alexena, kanina pa kita ginigising mukhang nagpapantasya ka na naman dahil ngumunguso ka pa habang tulog!” Bulyaw na naman nito sa kaniya. “Alam mo kaya hindi ka magka-jowa dahil diyan sa pagkabungangera mo!” Pang-aasar pa niya rito. “Hay naku, Xena, hindi ko kailangan ng lalaki ngayon, ang kailangan ko yung magbibigay ng pera sa ‘kin. Saka alam mo tiwalang-tiwala ka riyan kay Axel, eh, itsura pa lang noon di na gagawa ng mabuti,” ganting pang-aasar nito sa kaniya. “Oy, excuse me, hindi ‘yon kayang gawin ni Axel ‘no,” pagtatanggol naman niya sa fiancé niya. “Oh siya, tara na nga,” pagtapos ay pumara na ito ng taxi. Philippines Manila International Airport HINDI na ito panaginip narito na talaga siya sa Pilipinas. “Ate!” Napalingon siya dahil kilalang-kilala niya ang may-ari ng tinig na iyon. “Maliyah!” Patakbo siyang lumapit at mahigpit itong niyakap. “Ay, grabe na-miss talaga kita!” mangiyak-ngiyak na wika niya rito. “Ate, na-miss din kita!” ganting tugon naman nito sa kaniya saka bumitiw ng yakap. Napatingin siya sa lalaking katabi nito. Mas na-miss niya ang lalaking ito pero he was just staring at her. Hindi niya rin mabasa ang nasa mga mata nito. Hindi ba ito natutuwa na nakauwi na siya? “Hello, babe,” siya na ang naunang bumati at lumapit dito upang yakapin ng mahigpit. He is not saying any words and it felt so awkward, hindi siya sanay. Humiwalay siya sa pagkakayakap dito at tumingin sa kaniyang mga magulang. “Pa, Ma,” masayang tawag niya sa mga ito at mahigpit din siyang yumakap sa mga ito. “My God, hija, I miss you so much!” Umiiyak na wika ng kaniyang ina. “Ano ka ba naman, Ma, nandito na ko saka ka pa umiyak,” natatawang saad naman niya kaya nagtawanan din sila. “Sorry, I can’t help it!” Natatawa pa ring tugon nito saka pinunasan ang mga luha. “So, let’s go?” Aya naman ng Papa niya sa kanila. Tumango naman siya kaya lumakad na sila palabas ng airport. Kumapit siya sa braso ng fiancé at halatang nagulat pa ito sa ginawa niyang iyon pero ngiti lang ang iginanti niya rito. Sabagay, two years din na hindi kami magkasama kaya siguro medyo naninibago rin siya. Yun ang pilit niyang isinisiksik sa utak niya. Pagkasakay nila ng sasakyan ay nagsimula siyang magkuwento sa mga ito. “Alam niyo po ba si Gabbi, halos masuka-suka no’ng una naming sakay ng eroplano papuntang Paris noon. Grabe! Hiyang-hiya talaga ako,” natatawang kuwento niya sa mga ito. “Eh, kumusta naman ang Paris, anak?” tanong naman ng Mama niya. “Okay naman, Ma, at sobrang ganda roon, ang sarap balik-balikan ng lugar na ‘yon!” Pagbibida naman niya sa mga ito. “Balak ko nga, doon na lang kami mag-honeymoon ni Axel after the wedding para naman less gastos na kami sa tour guide, I can tour him around the Paris!” Excited pang wika niya pero napansin niyang biglang tumahimik ang lahat. “What do you think, Ma?” tanong niya sa kaniyang ina at halatang nagulat ito. Bakit ba pakiwari’y niya ay may kakaiba sa mga ito? “Ay, oo naman, hija. S-Siguradong magugustuhan niyan ni Axel doon,” she almost stuttering. “Babe, what do you think?” tanong naman niya rito. “Yes, of course, as you wish,” maikling tugon nito sa wakas. They are all acting different, pero mas pinili na lamang niyang huwag iyon pansinin at i-enjoy na lang niya ang unang araw na kasama niya ulit ang mga ito. Pagdating nila sa kanilang bahay ay nakahanda ang lahat ng paborito niyang pagkain sa lamesa. “Wow! Isa rin ‘to sa mga na-miss ko talaga, eh,” masayang wika niya saka nagmamadaling umupo sa upuan niya. “Sige lang. Kain ka lang nang kain diyan, at siguradong na-miss ka rin niyang mga ‘yan,” natatawang sabi rin ng kaniyang ina. “Kumusta po pala ang Haute Couture?” biglang tanong niya sa mga ito dahil bigla niyang naalala ang first baby niya. Baby kung tawagin niya ang Haute Couture dahil iyon ang una niyang pinaghirapan at iyon ang nagdala sa kaniya kung nasaan man siya ngayon. “Okay naman, Ate, sobrang daming client lang na ang aarte at ang gusto nila ay ikaw pa mismo ang magsukat at gumawa ng mga gowns nila,” naiinis na tugon naman ni Maliyah. “Marami rin sa mga designers mo ang nagsialisan na rin, ang aarte nila,” dagdag pa nito. Hay, sinabi ko naman sa kanila na tiisin na lang si Maliyah, eh. “Sige na, hayaan mo na at ako na lang ang kakausap sa kanila,” pagpapalubag niya sa masamang loob nito. “Hay, naku, Ate, huwag na. Ang lagay ba na ‘yon ikaw pa ang makikiusap sa kanila, they’re not worth it,” naiinis pa ring wika nito. Dalawa lang silang magkapatid at ito ang bunso kaya naiintindihan din niya kung bakit spoiled brat ito. Bukod kasi sa ito ang paboritong anak ng kanila ina ay madalas siya rin mismo ang umii-spoiled sa nag-iisang kapatid dahil limang taon ang agwat ng edad nila. Si Maliyah yung tipo ng madali magsawa at maburyo sa isang bagay dahil nga mabilis at walang kahirap-hirap lang nitong nakukuha ang anomang gustuhin nito. Kung siya ay sa tanang buhay niya ay si Axel pa lang ang nagiging nobyo, ibahin ninyo si Maliyah dahil hindi yata kayang bilangin sa daliri nito o kahit isama pa ang daliri niya sap aa sa dami ng naging kasintahan nito. Kaya madalas din itong mag-away at ang Papa nila ay dahil wala raw direksiyon ang buhay nito. Pagtapos nila kumain ay inaya niya si Axel. Nakaupo na sila sa veranda kahit naman paano ay gusto niyang makausap ng sarilinan ang nobyo. “Babe, bakit ba kanina ka pa tahimik?” malungkot na tanong niya rito dahil may limang minuto na silang nakaupo roon at wala man lang itong kahit ano’ng sinasabi sa kaniya. “Ha, wala naman, ang dami kasing problema sa office kaya siguro ganito. Pasensiya ka na dapat nag-e-enjoy akong kasama ka, eh,” mabilis na paghingi nito ng despensa sa kaniya. “Please, babe, kahit na ano’ng mangyari tuloy ang kasal, ha,” nakikiusap ang tono nito kaya napatingin siya rito. “Bakit, babe, may problema ba?” di niya maiwasang itanong dito dahil iyon ang nararamdaman niya sa sinabi nitong iyon. “Ha? Hindi, wala siyempre, noong umalis ka mas na-realize ko lang na hindi ko pala kaya ng wala ka. At totoong natatakot akong mawala ka,” naramdaman naman niya ang sincerity sa sinasabi nitong iyon. “Ano ka ba? Ikakasal na nga tayo hindi ba?” natatawang paalala pa niya rito pero nagulat siya ng bigla naman itong lumuhod sa harap niya. “Xena, let’s get married as soonest as possible, next month o kahit next week!” Pakiusap nito kaya hindi niya maiwang mapangiti, kitang-kita kasi niya sa mga kilos nito na natatakot talaga itong mawala siya. “Tumayo ka nga riyan,” wika niya rito at pilit itong hinihila patayo. “Sige, next month, kaya bukas na bukas din aayusin ko ang lahat para maging possible yung kasal natin sa susunod na buwan,” excited na ring tugon niya sa sinabi nito. “Thank you, Xena!” naiiyak pa na wika nito at mahigpit siyang niyakap. Hindi man niya maintindihan kung bakit biglang ganoon na lang ang kinikilos nito. Pinagpalagay na lamang niya na malaking impact talaga rito ang dalawang taong pagkakalayo nila. “Mahal na mahal kita, Xena, tandaan mo ‘yan, kahit ano’ng mangyari ikaw lang talaga ang totoong minahal ko, wala ng iba!” dagdag pa nito habang mahigpit pa ring nakayakap sa kaniya. Feeling yata niya maghihiwalay pa kami. Hell no! Kaya next month na next month itutuloy namin ang kasal. Mga salitang tumatako sa isip niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD