Chapter 02

1891 Words
“MADAME, we’re glad that you are finally back,” masayang salubong sa kaniya ng mga designer niya sa Haute Couture at may pa-confetti pa ang mga Mayora. “Thank you, guys. Alam niyo bang miss na miss ko kayo,” naiiyak niyang wika sa mga ito pagkatapos ay nag-group hug sila “Madame, na-miss ka rin namin ng bongga! Imbiyerna kami sa sissy mo! Swear!” naiinis pang sabi ni Pola noong magkahiwa-hiwalay sila mula sa group hug. “Sorry, if I had to leave you, kailangan ko lang talagang gawin ‘yon para sa ekonomiya,” paliwanag naman niya sa mga ito. “No worries, Madame! We understand you, pero at least ngayon hinding-hindi mo na kami iiwan,” dagdag pa ni Mamang Dyosa. “Of course, we are working together for our dreams hanggang sa maabot natin ‘yon ng sabay-sabay,” positive na wika rin niya. “Oo, Madame, go for the goal lang tayo,” segunda naman nilang lahat. “Saka, congrats sa degree mo, Madame, we are so proud of you,” wika naman ni Patrish saka inabot sa kaniya ang isang bouquet of roses at may kasama pa iyong maliit na parisukat na kahon. “Uy, salamat!” naiiyak na namang sabi niya. “Hindi ko ine-expect ‘to, ha,” dugtong pa niya. “Siyempre, Madame, di namin makakalimutan ang bawat milestone mo, saka ikaw yung nag-iisang tumulong sa aming lahat para maabot namin yung mga kinalalagyan namin ngayon. Sobrang laki ng utang na loob namin sa ‘yo, Madame, kaya hindi kami nagtataka kung bakit super blessed ka,” mahabang sabi ni Mamang Dyosa. “We love you, Madame,” at doon na nga tuluyang bumagsak ang kaniyang mga luha, naramdaman kasi niya ang sincerity ng mga ito sa kaniya. “Grabe! Speechless ako, pero tatandaan niyo na mahal ko rin kayong lahat at para sa atin bakit din ako nagsisikap ng ganito, kaya yung chance na ibigay ko sa inyo sana i-extend niyo rin sa iba,” umiiyak na speech pa rin niya. “No worries, Madame, ikaw ang inspirasyon naming lahat,” umiiyak ding wika ni Pola. Doon niya niyakap isa-isa ang mga designer niya at buong pusong nagpasalamat sa mga ito. Pagtapos ay sabay-sabay din silang nagkatawanan habang pinupunasan ang nga luha nila. “Para tayong mga tanga!” Natatawa pa ring wika niya habang nagpupunas ng luha. “Ay, anyway guys, hangga’t maari h’wag niyo rin muna sasabihin na nandito na ako. Magiging busy kasi ako sa upcoming wedding namin ni Axel so hindi pa rin ako makakapag-entertain ng mga client,” pakiusap naman niya sa mga ito. “Don’t worry, Madame, kami na ang bahala sa lahat,” wika naman ni Patrish. “Salamat,” sincere na sabi niya. “Pasok muna ako sa opisina ko,” paalam niya kaya nagtanguan naman silang lahat. Pagbaba niya ng bulaklak sa lamesa niya ay kinuha niya ang cellphone niya sa bag at tumawag sa food service para makapagpadeliver ng pagkain para sa mga designer niya. Kabababa lamang niya ng tawag ay biglang mayroon siyang narinig na komosyon sa labas kaya naman napalabas siyang muli ng kaniyang opisina. “AT BAKIT KA NANDITO!? HINDI BA UMALIS KA NA!” galit na galit na sigaw ni Maliyah kay Pola. “Maliyah, ano ba ‘yan?” mahinahong kompronta niya sa kapatid. “Ayan, Ate! ‘Yang magaling na bakla na ‘yan, umalis na ‘yan dito bakit mo pa ‘yan tinanggap!?” galit na bulyaw din nito sa kaniya. “Maliyah, I think it’s none of your business, ako pa rin ang may karapatan sa Haute Couture at ako lang ang may karapatan magpaalis ng kahit na sino sa kanila,” mariing wika niya kay Maliyah kaya nagulat ito. Hindi kasi niya nagustuhan ang paraan ng pakikipag-usap nito sa kaniya o kahit sa mga designer niya. “So, kinakampihan mo ‘tong mga bakla na ‘to, Ate?” Hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya. “Maliyah, wala akong kinakampihan, I am just stating the fact, hindi mo sila kailangang bulyawan ng ganiyan,” pagtatama naman niya sa maling akala nito. “No, Ate. Kinakampihan mo sila, so kung mas gusto mo silang nandito, ako ang aalis!” galit na bulyaw na naman nito sa kaniya saka tumalikod pero bago pa man ito tuluyang nakalabas ay muli itong lumingon sa kaniya. “I will make sure na pagsisisihan mo ‘tong araw na ‘to, Ate,” punong-puno ng galit na dagdag nito “Liyah...” iyon na lang ang tanging lumabas sa bibig niya dahil tuluyan na itong nakalabas ng shop niya. Kakaibang galit ang nakita niya sa mga mata nito kanina. “Madame, I’m sorry, nag-away pa kayong magkapatid ng dahil lang sa ‘kin,” paghingi naman ni Pola ng paumanhin sa kaniya. “Hindi mo ‘yon kasalanan, Pola, ganiyan lang naman talaga ‘yang si Maliyah kapag hindi niya nakukuha yung gusto niya,” naiiling na lang din na wika niya. Di naman nagtagal ay dumating na yung inorder niyang pagkain para sa mga ito. “That’s my treat, guys, so kalimutan ang nangyari and let’s be productive today, okay?” Nakangiting wika na niya sa mga designer niya. “Yes, Madame,” masaya na wika ni Patrish. “Madame, ang layo-layo talaga ng ugali mo sa sister mo na ‘yon. Pinaglihi ba ‘yon sa sama ng loob,” saad naman ni Mamang Dyosa habang kumukuha ng pizza sa box. “Hay, naku, ganoon lang talaga ‘yon dahil sa na-spoiled masyado, pero bukas makalawa naman ay okay na ‘yon. Sanay na sanay na ako sa ugali no’n,” natatawang sabi niya na lang din habang kumukuha rin ng pizza. “Oh, paano, i-enjoy yung food may tatawagan pa kasi akong wedding organizer, eh,” paalam niyang muli sa mga ito. “Sige lang, Madame, asikuhin mo muna ang personal life mo, kami na ang bahala dito,” wika naman ni Pola. “Saan sa pag-ubos niyang pizza?” Biro niya rito kaya naman nagtawanan pa sila. “Grabe sa amin si Madame,” natatawang angal pa ni Pola. “Biro lang naman,” natatawang saad din niya saka tuluyang pumasok ng opisina niya. Maghapon na puro ang tungkol sa kasal ang inasikaso niya at doon lang niya na-realize na masakit pala sa ulo ang mag-asikaso ng kasal. Pauwi na sana siya ng maalala niyang tawagan ang katipan. “Hello, babe? Nasaan ka?” Tanong agad niya rito pagsagot nito. “Nandito pa ko sa office, babe, may inaayos lang kaming problema,” saad naman nito at bakas nga sa tinig niya ang problemang sinasabi nito. “Sino ba kasi ‘yang kausap mo?” anang isang malambing na tinig ng babae sa kabilang linya, nakaramdam siya ng kaba nang marinig iyon. “Sino ‘yon?” ‘di napigilang tanong niya rito. “Ah. ‘Yong ano— ‘yong anak ng boss ko. Oo tama, yung anak nga niya ‘yon,” putol-putol at kinakabahang wika nito kaya mas lalo siyang kinabahan. “Sige na, babe, mag-start na kami ng meeting, tatawagan na lang kita once na nakauwi na ako,” mabilis lang na paalam nito at hindi na nito hinintay na makapagsalita pa siya muli bago man lang patayin ang tawag na iyon. Hindi niya malaman kung saan ba nangagaling ang kabang nararamdaman niya pero umaasa siyang mali ang kung anonang iniisip niya. Oo, tama, Xena, hindi kayang gawin sa ‘yo ni Axel kung anoman ‘yang nasa isip mo. Nasa office siya at may problema lang silang inaayos. Mabilis lang niyang iniligpit ang mga gamit at nag-drive pauwi. Pagpasok na pagpasok pa lang niya ng bahay ay ang galit na galit na Mama niya ang agad na sumalubong sa kaniya. “Xena, ano na naman ‘tong sinusumbong ng kapatid mo na mas kinampihan mo pa raw yung mga tauhan mo sa shop kaysa sa sarili mong kapatid!” Hindi ‘yon tanong kundi confrontation kaya alam na niya na si Maliyah na naman ang kinampihan nito. “Ma, wala akong kinampihan sa kanila, ipinaliwanag ko lang sa kaniya na hindi niya dapat ginagawa ‘yon sa mga designers ko,” pagpapaliwanag naman niya rito habang marahan na ibinaba ang mga gamit na dala niya sa sofa nila. “Aba, Xena! Baka nakakalimutan mo kung sino ang nag-asikaso niyang negosyo mo habang nasa Paris ka!” bulyaw nito sa kaniya. Kahit kailan naman ay hindi talaga ito nakinig sa kahit ano’ng paliwanag niya kaya sanay na siya. “Ma, alam ko naman ‘yon kaya nga nagpapasalamat naman ako kay Maliyah dahil doon sa ginawa niya pero siyempre hindi rin mabubuo at magiging successful ang Haute Couture ko kung wala akong mababait at magagaling na co-designers.” Sa away naman kasi nilang dalawa ni Maliyah, never siyang kinampihan ng ina kahit pa palaging si Maliyah ang may mali sa kanilang dalawa. “Ah, basta, ayusin mo ‘yang problema ninyo ng kapatid mo. Hindi porke’t pag-aari mo ‘yong shop na ‘yon ay babalewalain mo na lang ang mga ginawa at itinulong sa ‘yo ng kapatid mo!” Matigas na utos nito sa kaniya. Siya naman kasi talaga ang palaging unang himingi ng tawad dito at nauunang makipag-ayos. “Tigilan mo na nga, Brenda, ‘yang kakadaldal mo!” sigaw naman ni Papa sa Mama niya. “Tama naman itong si Xena, at saka kaya ganiyan ‘yang anak mo na ‘yan dahil lagi mong kinakampihan kaya nga wala na ‘yang narating sa buhay, eh dahil lagi mong kinukunsinti. Kahit mali na ang ginagawa niyan hinahayaan mo lang kaya lumaki nang lumaki ang ulo niyan! Hindi siya tumulad dito sa Ate niya. Siya, pur—” “Puro sakit ng ulo lang ang dala ko sa pamilyang ‘to! Oo na, ‘Pa, tanggap ko naman ‘yon!” Mabilis na putol ni Maliyah sa kung anomang sasabihin ng kanilang ama. “Mula bata naman ako wala nang ibang magaling sa inyo kundi ‘yang si Ate Xena!” sigaw nito saka siya dinuro. “Maliyah, huwag mong sinisigawan ng ganiyan si Papa,” mahinahon na awat niya sa kapatid. “Ayan, diyan ka kasi magaling, Ate! Akala mo kasi kung sino kang mabait!” Bulyaw na rin nito sa kaniya ngunit sanay na siya sa ugali nitong iyon at sa walang katapusang litanya nito kapag nag-aaway sila. “Hay, ewan ko sa inyo!” Saka sila padabog na tinalikuran nito at umakyat ng silid. “Tingnan mo nga ‘yang ginawa mo, Xena, pati ang pamilya na ‘to nagugulo dahil sa maling desisyon mo diyan sa shop na ‘yan,” paninisi pa sa kaniya ng ina bago rin siya talikuran nito. Ang ama niya ay naiiling na lamang sa mga nangyari. Wala na rin siyang ibang nagawa kundi ang umakyat na rin sa silid niya. Kakaibang sama ng loob ang dinaramdam niya ng mga oras na ‘yon. Na kahit ano’ng gawin niyang pagsisikap para sa pamilya nila ay hindi iyon sapat sa paningin ng kaniyang ina kapag si Maliyah na ang nasa usapan. Lahat ng pinaghirapan at ginawa niya ay nababalewala na lang ng ganoon kadali. Masakit kasi parang palagi na lang may kulang sa ‘kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD