“MALIYAH!” Galit na galit na sigaw ng Papa niya sa kaniya. “Paano mo nagawang sabihin ‘yon sa interview!? Samantalang alam na alam mo kung bakit umalis ang Ate mo!” “Yeah, ‘Pa! I just did it para isalba ang Haute Couture,” walang emosyon na sabi niya habang nakaharap siya sa laptop niya. She was having her snacks on their veranda when her father came just to confront her. “Kung hindi ko ‘yon gagawin mawawala lang din ang matagal na pinaghirapan ni Ate at alam kong ayaw niyo rin naman na mangyari ‘yon dahil alam kong malaki ang pakinabang mo sa negosyo na ‘yon.” She was busy doing her design on her laptop. May nabasa kasi siyang upcoming fashion competition at pinaghahandaan niya ‘yon. She was planning to introduce herself as the new owner of Haute Couture at para i-acknowledge siya ng m

