“TANGINÂ, Zev, huwag mong sabihing nagseselos ka?” mura sa kaniya ni Jax mula sa kabilang linya. Nabubwisit kasi siya sa nararamdaman niya kaya naisipang niyang tawagan ang pinsan. At kahit nasa emergency room siya hindi mawala sa isip niya ‘yong nangyari ng lunch. “Gágo! Bakit naman ako magseselos, mukhang tukmol ‘yong kinukuwento ko sa ‘yo!” bulyaw niya rin dito habang hinuhubad niya ‘yong suot niyang lab coat at naglalakad pabalik sa clinic niya. Pasado alas otso na ng gabi kaya sigurado siyang wala na roon si Xena. “‘Yon ang sinasabi ko sa ‘yo! Chavez tayo kaya dapat hindi tayo nagseselos!” mayabang na sabi nito. “Bakit ba kasi hindi mo pa aminin sa sarili mo na tinamaan ka naman talaga sa kaniya? Kaya nga all out ka kung magbigay ng tulong sa kaniya.” “Dapat talaga hindi ikaw ang t

