HIMBING na himbing pa ang tulog ni Xena nang magkakasunod na katok sa pintuan ng kuwarto niya roon sa penthouse ni Zev ang gumambala sa masarap niyang tulog. “Xena, wake up!” mahina pero alam niyang pasigaw na ‘yong sinabi ni Zev mula sa labas ng silid niya kaya naman naiinis na bumangon siya at tinungo ang pintuan para buksan iyon. “Bakit ba?” reklamo niya rito habang inaayos ang kaniyang buhok. “Sabado ngayon, ah, wala naman akong pasok kung makakatok ka naman parang may nasusunugan!” “Tinawagan kasi ako ni Mama and she wanted to talk to you personally about the competition,” paliwanag naman nito. “Ano? Ayaw mo ba? Sasabihin ko kay Mama na ayaw mo at natutulog ka pa,” sabi naman nito at akma siyang tatalikuran. “Wait!” mabilis na pigil naman niya sa braso nito nang mahimasmasan na s

