PAGKAGISING ni Xena ay naligo ay nagbihis lang siya saka siya bumaba sa kitchen at dala na niya ang mga gamit niya sa pagbuo ng concept. Nagsalubong ang kilay niya nang makita si Zev na nakaprente pa rin ng higa sa couch. Matapos nang nagyari kagabi ay feeling niya naging okay na naman ito. “Zev, bakit hindi ka pa nakagayak?” nagtatakang tanong niya sa binata nang tuluyan na siyang makababa ng hagdan. “I am on leave,” maikling tugon nito habang nakatingin sa buhay na television, na wala namang ginawa kundi ang ilipat-lipat iyon. “Naka-leave ka rin, ah,” sabi nito nang pasadahan siya ng tingin. “Seryoso ka ba?” napipikon na sabi niya sa binata. “Bakit hindi mo sinabi kaagad sa ‘kin para hindi na ako nag-effort na nagbihis?” “Pagod na rin kasi ako kagabi kaya hindi na kita nagawang katu

