THIS time natagpuan na naman ni Xena ang sarili na sumusuko sa kakaibang init na hatid ng bawat haplos ni Zev sa kaniyang katawan. Mula sa living room ay dinala siya ng binata sa silid nito, pagpasok pa lang nila ng pinto ay ibinaba na siya nito at isinandal sa likuran niyon. Para siyang matutunaw sa init ng mga titig nito sa kaniya, hindi rin naman niya magawang iiwas ang mata dahil gustung-gusto niya ang pagnanasang nakikita sa mga mata nito. A lust that's full of love and affection. She knew this time even she wasn’t prepared but she was willing to give in. Handa na siyang itaya ang lahat para lang makasama ang lalaking kaharap. Kinabig siya ng binata para muling magtagpo ang kanilang mga labi. Sa halik pa lang na ‘yon para na siyang nawawala sa katinuan. Nang pagapangin nito ang kam

