“FVCK!” malakas na mura ni Zev at napabaligwas siya ng bangon nang makitang wala si Xena sa tabi niya. Agad siyang tumayo sa kama at kinuha ang robe na nakasabit sa built-in cabinet niya. Sinilip niya ang silid ng dalaga pero wala ito roon kaya mas lalo siyang kinabahan, mabilis siyang bumaba sa kitchen at nakahinga naman siya ng maluwag nang maamoy ang niluluto mula roon. “Oh, bakit ganiyan ang itsura mo?” nagtatakang tanong sa kaniya ni Xena. Doon lang niya napasadahan ng tingin ang sarili sa sobrang kamamadali kasi niya ay isang pares lang ng tsinelas ang naisuot niya at ni hindi man lang niya naiayos ang pagkakatali ng robe niya. Napakamot naman siya sa batok niya. “Akala ko kasi umalis ka na naman,” tugon naman niya. Aaminin niyang tila nagka-phobia siya sa biglaang pag-alis nito n

