Chapter 04

2124 Words
ISANG linggo nang busy si Xena para sa upcoming wedding nila ni Axel, 3 weeks from now ay magaganap na ang most awaited day of her life. At ngayong araw ang schedule nila para sa Family Planning Seminar na isa sa mga requirements nila sa simbahan pati na rin sa pagkuha nila ng marriage license. “Hello, babe, narito na ‘ko sa simbahan, any minute mag-start na, nasaan ka na ba?” usal niya rito, nakailang tawag pa siya bago ito sumagot. Hindi niya mapigilang hindi mainis rito dahil 10 AM ang schedule nila sa simbahan at ang usapan nila ay 9 AM siya susunduin nito para hindi sila ma-late. Pero at exactly 9 AM ay tumawag ito sa kaniya dahil may biglaan daw itong meeting kaya mauna na raw siya. “I-I’m sorry, babe, pipilitin kong humabol hindi pa kasi ako makaalis, eh,” hinihingal namang sabi nito na hindi niya malaman kung bakit. “Sabihin mo nga sa ‘kin, Axel, kung gusto mo pa bang ituloy itong kasal na ‘to? Sa almost one week na tinatawagan kita para makipag-meeting sa mga supplier kahit isang beses hindi mo ‘ko sinamahan. I accomplished that without your help pero pinalampas ko ‘yon, but itong seminar na napaka-importante para sa pagpapakasal natin tapos hindi mo pupuntahan!” Hindi na niya maiwasang ilabas ang sama ng loob niya rito. Dahil totoo naman ‘yong sinabi niya, hindi niya makita ‘yong interest nito sa pagpapakasal nilang dalawa. Magmula nung umuwi siya wala itong ibang idinahilan sa kaniya kundi busy ito samantalang ito rin naman ang nagmamadaling maikasal silang dalawa. “I’m sorry, Xena, promise this will be the last, by tomorrow mag-file na ako ng leave para masamahan na kita sa lahat ng mga kailangan nating ayusin,” paliwanag naman nito sa kaniya. Hindi na niya ito sinagot at pinatay na niya ang tawag na ‘yon. Naiinis siya rito at hindi niya kayang palampasin na lang ang ginawa nito ngayon. That was too much! Nakailang tawag pa ito sa kaniya pero hindi na niya ito sinagot. Gusto niyang iparamdam rito na seryoso na talaga siya sa sama ng loob na nararamdaman niya. Pumasok siya sa loob para itanong kung okay lang ba na um-attend ng seminar kahit wala ang groom niya. “Ay, naku, Ma’am, pasensiya na po, kailangan po kasi dalawa kayong nandito. Hindi naman po kapag nagpakasal kayo, eh, kayong mag-isa lang ang narito. The groom has to be there also.” “Sige, Miss, naiintindihan ko.” Bagsak balikat niya itong tinalikuran. Parang nadagdagan pa ang inis na nararamdaman niya sa kasintahan dahil hindi naman sila makakakuha ng marriage license kung hindi kompleto ang requirements nila. Nagpasya siyang bumalik na lang muna sa Boutique niya dahil wala naman siyang na-schedule na ibang lakad ngayon. Pagdating niya sa Boutique niya ay sinalubong siya kaagad ng mga designers niya. “Madam!” pasigaw na tawag sa kaniya ni Pola pagpasok na pagpasok pa lang niya. “Oh, bakit?” gulat na tanong naman niya rito. “Grabe, Madam! Hindi na talaga kita ma-reached!” Kinikilig na wika nito kaya nagsalubong naman ang kilay niya. “Bakit? Ano ba ‘yon?” naguguluhang tanong niya kaya iniabot nito sa kaniya ang isang malaking envelope. “Ano ‘to?” “Buksan mo, Madam!” patili na wika ni Mamang Diyosa. Binasa muna niya ang nasa labas ng envelope na ‘yon at ang tanging nakalagay lang ay ‘You are Invited!’ kaya naman nagsalubong ang kilay niya. “Madam, ano daw ‘yan, eh, ‘yong Fashion Show Competition! At in-invite ka raw nila para maging isa sa mga Jury nila for the event!” saad ni Patrish habang binabasa niya ang laman ng envelope at tama nga ang sinabi nito. “But the problem is…” hindi niya mapigilang maging disappointed. “The date was exactly on our wedding day,” malungkot na sabi niya. “Ay…” halos sabay-sabay rin na sabi ng mga designers niya. “Eh di, try niyong i-adjust kahit na one or two days, Madam! Sayang din ‘yan!” sabi naman ni Pola kaya napaisip siya sa sinabi nito. “Oo nga, Madam, sayang ‘yan, balita ko kasi ang event na ‘yan ay sponsored by Chavez Empire daw at once na makadaupang-palad mo sila may chance na makapasok ka sa business venture nila! Ang ganda-gandang opportunity no’n, Madam!” “Chavez Empire?” nagsalubong ang kilay niya dahil parang narinig na nga niya ang tungkol doon. “Oo, Madam! Sila ang pinakasikat at pinakaprominenteng pamilya rito sa Pilipinas. Hay! Alam mo bang no’ng nasa Paris ka ay isang beses nagkaroon ako ng pagkakataon na gumawa ng gown ng isa sa pamilya ng mga Chavez na ‘yon. Ikaw nga ang gusto nila ang kaso wala ka kaya ako na lang ang pinadala ng sissy mo!” pagbabalik-tanaw ni Mamang Diyosa. “At ‘yong bahay nila, eh, mansyon talaga! Matagal ka na nilang gustong ma-meet, eh, kaso nga dahil wala ka hindi sila magkaroon ng pagkakataon kaya hindi ako magtataka kung bakit ikaw ang una nilang inimbitahan para maging Judge niyang fashion competition na ‘yan!” “If I were you, Madam, i-go mo na, it’s your only chance, malalaking isda ang pwede mong makilala niyan at sa laki ng connection ng mga Chavez hinding-hindi ka mawawalan ng client. Kaya push mo na ‘yan, Madam, once in a lifetime opportunity lang ‘yan,” segunda pa ni Patrish. “Sige, kakausapin ko na muna si Axel, to be honest, hindi pa rin naman final ‘yong date ng kasal kasi nga hindi pa naman kami nabibigyan ng schedule sa simbahan dahil kailangan muna naming um-attend ng seminar tapos hindi pa siya nakarating ngayon kaya re-schedule na naman kami ng seminar nito.” “Iyon naman pala, Madam, eh, sabihin mo na lang kay Sir Axel na na-adjust ‘yong date dahil hindi pa kayo tapos sa seminar na ‘yon, Madam!” suggestion naman ni Pola kaya napatango siya dahil hindi niya ‘yon naisip. “Oo nga, Madam, tapos magpaalam ka na lang sa kaniya na may last business trip ka. For sure naman papayag pa rin ‘yon si Sir Axel dahil pagtapos naman ng kasal ninyo nasa kaniya na ang buong atensyon mo,” pamimilit pa rin sa kaniya ni Patrish. Napabungtog-hininga siya dahil nahihirapan siyang mamili, ayaw talaga niya sayangin ‘yong opportunity na dumating sa kaniya dahil totoo naman ang sinabi sa kaniya ng mga designer niya na once in a lifetime opportunity lang din ‘yon. At isa pa pagkakataon na rin niya ‘yon para mas lalong makilala ang Haute Couture sa buong mundo. She was torn between her dream and the promise she had made to her fiancé. Kaya hirap na hirap talaga ang loob niya dahil sigurado siyang magagalit sa kaniya si Axel at hindi rin siya papayagan nito kung aalis na naman siya ng bansa dahil sa Seoul, Korea gaganapin ang Fashion Show Competition. “WHERE are you now, son?” tanong sa kaniya ng ina mula sa kabilang linya. “Narito na ‘ko sa Manila International Airport. Hindi ka ba talaga nagsasawang sa match making na ‘yan, Ma?” Ayaw niya ng ideya na ‘yon pero hindi rin naman niya kayang tanggihan ang ina dahil hindi niya kayang sumama ang loob nito. “Hangga’t hindi ka nakakapag-asawa, son, hinding-hindi ako magsasawa. Besides, ito na lang ang libangan ko sa buhay ngayon. Kung ayaw mong maghanap ng asawa, ako ang gagawa no’n para sa ‘yo. Masyado mo na kasing isinusubsob ang sarili mo riyan sa ospital. Aba! It’s about time para sarili mo naman ang intindihin mo!” mahabang litanya nito na halos kabisadong-kabisado na rin niya. “At talagang pinaluwas niyo pa ako ng Maynila para lang i-meet ‘yang anak ng amiga niyo. Sa isang daang babaeng pinakilala niyo sa ‘kin, ni isa wala akong nagustuhan sa mga ‘yon,” he explained para tigilan na nito ang match making na ‘yon. “Kaya nga hindi ako napapagod na maghanap ng babaeng para sa ‘yo. Kapag may ipinakilala ka nang girlfriend sa ‘kin, sige, titigilan ko na ‘yang match making and blind date mo na ‘yan.” Napabuntong-hininga na lang siya dahil mukhang matatagalan pa nga ‘yang match making ng Mama niya. “Saan ko ba imi-meet ‘yang babaeng sinasabi ninyo?” “We reserved a table and room for both of you in Manhattan Garden Hotel,” tila kinikilig pang usal nito at nagsalubong naman ang kilay niya sa huling sinabi nito. “Bakit may room na kasama?” “Hindi ka na bumabata, Zev, you are 29 years old this year at gustung-gusto ko ng magkaapo kaya lahat gagawin ko para lang ma-trap ka sa isang marriage.” “This is the last time na pagbibigyan kita, Ma, ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil mahal kita pero may mga importante rin akong lakad na naka-cancel ko because of this matter.” “Okay, fine, just meet Maliyah, and if you don’t like her, then leave. Huwag mo lang akong ipahiya sa amiga ko. Her mother was my long-time friend,” paalala pa nito sa kaniya. “I understand. Ma. I’ll hang up,” paalam na niya rito then he turned off the call. Pumara siya ng taxi papuntang Manhattan Garden. Good thing because it was only 30 minutes away from the airport. Pagdating niya roon ay pumasok siya sa restaurant ng Hotel. “Hi, good afternoon! I have a reservation here?” usal niya sa receptionist pagpasok niya. “What’s your name, sir?” tanong nito habang nakatingin sa monitor ng computer nito. “Dr. Guiller Zevren Chavez.” Hinahanap naman nito ang pangalan niya sa system. “This way, sir.” She then guided him to a table for two. “O-order na po ba kayo, sir?” “No! Hihintayin ko muna ‘yong kasama ko,” tanggi naman niya. Pag-alis nito ay napatingin siya sa wrist watch na suot niya. It was already pass 2 PM pero hindi pa rin dumarating ang blind date niya. Inaasahan pa naman niya na pagdating niya roon ay nandoon na ito. Pinakaayaw pa naman niya ay ang hindi marunong mag-commit sa usapan. Para kasi sa kaniya importante ang bawat oras and to think na lumipad siya mula Davao para lang i-meet ang babaeng sinasabi ng Mama niya, hindi birong effort ang ginawa niya. Mabuti na nga lang din ay may sadya siya rito sa Maynila kahit paano hindi rin masasayang ang lakad niya na ‘yon. “Hi!” napatingin siya sa babaeng bumati sa kaniya. “Are you Doc Guiller Zevren Chavez?” taas kilay na tanong nito sa kaniya muli siyang napatingin sa relo niya bago niya ‘to sagutin. Exactly 2:49 PM. She was 49 minutes late. “Yes, and you are?” sagot niya pagtapos ay tumayo siya para bigyan daan ang pag-upo nito. “I’m Maliyah Vergara. But I want to be honest with you, okay?” saad nito na ikinakunot naman ng noo niya. Naupo muna ito sa upuang hinila niya para dito saka siya bumalik sa upuan niya para pakinggan ang sinasabi nito. Tiningnan muna siya nito at parang pinag-aaralan ang bawat sulok n kaniyang mukha. “Well, naroon na ako sa guwapo ka nga,” napapatango pang sabi nito “Pero pumunta lang naman ako rito dahil sa pakiusap ng Mama ko but it doesn’t mean that I am interested with you, Doctor Chavez.” “Well, same feeling, I think,” kibit-balikat na tugon niya rito. “Good then, I like someone else, and ayoko naman na umasa ka na magugustuhan kita, ‘di ba? So maganda na umpisa pa lang alam mo na saka ayoko rin talaga ng mga ganito. Mas interesado pa nga ako sa mga one-night stand kaysa sa mga blind date na ganito.” Napakunot ulit ang noo niya sa sinabi nito. “Okay, look, Miss Vergara, you don’t have to explain yourself because it is also not my thing. And first thing first, you are also not my type. Based on my observation, you are an irresponsible person. You came late, and if you really honor your mother, you can make it on time even if you don’t want this set up and turn it down nicely,” nakangiting wika niya rito. “Anyway, I have to go! Sa tingin ko naman nagkaintindihan na tayo.” Pagkasabi niya noon ay tumayo na siya at tinalikuran ito, hindi na niya hinintay ang kung ano pa mang kayabangang sasabihin nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD