Chapter 05

1849 Words
BUONG gabing nag-isip si Xena kung ano ba ang magiging desisyon niya bago niya tawagan ang kasintahan. Alam na alam na agad niya kung anong magiging reaksyon nito pero dahil buo na ang kaniyang desisyon ay alam din niyang hindi na rin naman siya mapipigilan nito. Ngayon ay nasa opisina na siya, nakaupo sa harapan ng laptop niya. Nandoon na rin siya sa site kung saan iko-confirm niya ang attendance niya for the Fashion Show Week in Seoul, Korea. At kanina pa rin niya hawak ang smart phone niya dahil tinitimbang talaga niya ang sarili sa desisyon na napili niya. It was a once in a lifetime opportunity at ayaw niyang palampasin ang bagay na ‘yon bagaman matagal na rin niyang gustong makasal kay Axel ay hindi rin naman talaga madali ang pumili. Pero kasi naniniwala naman siya na kahit anong mangyari at alam niyang nariyan lang ang kasintahan saka hindi naman porket pumunta siya ng Korea ay hindi na sila magpapakasal nito. Huminga muna siya nang malalim bago pindutin ang call button sa tapat ng numero ng kasintahang si Axel. “Hello, babe, galit ka pa ba sa ‘kin?” nag-aalalang tanong nito ng sagutin ang tawag niya. Mariin siyang napapikit dahil nakalimutan na rin niya ang sama ng loob dito dahil sa nilamon na ng competition ang utak niya. Pero ngayon parang mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa dahil parang pagkatapos niyang sabihin ang pakay niya ay siya na ang susuyo rito. “Hello, Xena?” tawag nito muli sa kaniya kaya napabuntong-hininga siya. “Hindi naman na ‘ko galit, Axel, saka hindi naman ako tumawag sa ‘yo para pag-usapan ang tungkol diyan,” hindi talaga niya maiwasan ang kabahan. “What do you mean, Xena?” parang kinakabahan ding tanong nito. “Ang gusto ko kasi huwag na muna nating ituloy ang kasal sa March 3—” “Babe, ‘di ba nag-sorry naman na ‘ko sa ‘yo? Huwag naman ganiyan, matagal ko na rin namang hinihintay ‘yang kasal natin. Kung ano man ‘yong nagawa ko kaya pumasok sa isip mo na huwag na lang ituloy ang kasal. I’m sorry, please…” naiiyak na putol agad nito sa sasabihin niya kaya parang may bara siya sa lalamunan dahil sa mga sinabi nito. “No, Axel, hindi naman kasi iyon ‘yong ibig kong sabihin, eh,” huminga muna siya ulit ng malalim bago nagpatuloy. “I was invited to be a Jury in a Fashion Show Week Competition in Seoul, Korea, and it was an once lifetime opportunity kaya ayoko sanang sayangin. Saka isa na rin ‘yon sa chance para mas makilala pa ang Haute Couture, worldwide, I was planning for expansion after wedding and I think it was a great opportunity para makakuha ako ng malalaking sponsor from that event.” “So, ang ibig mong sabihin, Xena, gusto mong i-postpone ang kasal dahil na naman sa Fashion?” biglang nagbago ang tono ng boses nito at inaasahan na rin naman niya iyon. “It’s for our future naman, Axel, never ko namang ginawa ang isang bagay na hindi ka kasama sa mga plano ko,” paliwanag naman niya rito. “Ayoko lang kasi talagang sayangin ‘yong pagkakataon, saka it’s really an honor to be invited as one of their Jury.” “Nang makakuha ka ng scholarship sa Paris ‘yan din naman ang sinabi mo sa ‘kin. Hanggang kailan ba ‘yan ang idadahilan mo? Sa pitong taon nating relasyon, lahat naman ng gusto mong gawin pinagbigyan kita, ‘di ba? Itong kasal na nga lang ang hinihiling ko sa ‘yo, Xena.” “Axel, tuloy pa rin naman ang kasal, it was just kailangan lang natin i-reschedule a week after the original date. The competition was held from March 3 to 9 then March 11 na rin naman ang schedule ng kasal natin. ‘Di ba halos isang linggo lang naman?” “Are there any changes, Xena, kung hindi man ako papayag sa gusto mong mangyari? Does my opinion really matters to you?” sa tono nito ay alam niyang masama ang loob nito pero kung iintindihin niya pa ang sama ng loob ng kasintahan ay mapipigilan lang siya noon sa gusto niyang mangyari. “‘Di ba, hindi naman? So, kung talaga gusto mo munang pumunta ng competition na ‘yan bago ang kasal then go ahead. Wala naman akong magagawa para pigilin ka dahil alam kong buo na rin ang desisyon mo.” Pagtapos ay narinig na lang niya ang end call sound. Okay, kapit lang, Xena, hindi ka pwedeng bumitaw. Kapag nagpadala ka sa mga sinabi niya, hindi mo matutupad ang business expansion na pangarap mo. Para sa kaniya rin naman ‘yon at para sa future ninyong dalawa. Kastigo niya sa sarili kaya naman muli siyang tumingin sa laptop niya at nag-confirm na siya. Ilang sandali lang ay nag-email na ito ng link sa kaniya kung saan mag-fill up siya para sa plane ticket at hotel reservation. Iyon talaga ang kagandahan doon dahil sagot lahat ng event ang expenses niya. Matapos niyang mag-fill up ay lumabas siya sa opisina niya para kausapin ang mga designers niya. “Okay, guys, so dahil nakapag-decide na ‘kong pumunta sa competition. Gusto ko na kasama ko rin kayo roon.” Nakita niyang nanlaki ang mata ng mga ito. “Seryoso ka ba, Madam, sa sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Pola. “Yes naman, kaya ako narito kasi hihingin ko ‘yong full name niyong lahat para mai-book ko kayo ng ticket saka for hotel reservation na rin,” nakangiting tugon niya pagtapos ay naglabas ang mga ito ng kani-kaniya nilang identification card at ibinigay sa kaniya. “Treat ko na rin sa inyo ‘to dahil 5 years na ang Haute Couture at 5 years na rin kayong lahat sa ‘kin. Saka alam ko marami rin kayong matututunan sa competition na ‘yon at marami rin kayong makukuhang mga fresh new ideas. I’ve been once discovered in a fashion competition kaya sobrang laking achievements sa ‘kin na ngayon ay isa na ako sa mga Jury. And that is the success I wanted to share to all of you.” “Well said, Madam! And honestly, sobrang deserve mo talaga ‘yan kaya support kaming mga kapederasyon sa talent mo!” usal naman ni Mamang Diyosa. “You were all talented at naniniwala ako na malayo pa ang mararating ninyong lahat sa karera na kinabibilangan natin. All you have to do is to trust in yourself. Malaki ang nagagawa ng tiwala sa sariling kakayahan kasi kung ikaw hindi ka nagtitiwala sa sarili mo paano magtitiwala ang ibang tao sa kakayahan mo. Kaya laging mahalaga ang self-care ‘yan ang lagi ninyong tatandaan.” “Noted ‘yan, Madam, at hindi namin talaga kakalimutan ang lahat ng itinuro mo sa amin,” wika naman ni Patrish kaya tumango siya rito. “Anyway, ipagbo-book ko muna kayo para iisang flight number lang sana tayo,” paalam niya sa mga ito at pumasok siya ulit sa opisina niya. Pagpasok niya sa loob ay nahagip ng paningin niya ang picture nila ni Axel na nasa ibabaw ng desk niya. Hindi pa rin niya maiwasan ang makonsensiya pero alam niyang kailangan niyang labanan. Muli nag-focus na lang siya sa competition na pupuntahan. SIMULA ng umuwi ang Ate Xena niya ay halos araw-araw na rin niyang pinupuntahan si Axel dahil ang totoo ay ayaw niyang matuloy ang kasal nang dalawa kaya naman gumagawa siya ng paraan para magkasira ang mga ito. Pero ang isang problema niya ay parang hindi man lang naghihinala o nagtataka ang Ate niya kung bakit hindi nakakasama rito si Axel. Pagpasok niya sa loob ng condo nito ay agad niyang hinanap ang binata, nakita niya ang mga damit nitong nakakalat lang sa sahig kaya isa-isa niyang pinulot ang mga iyon. It was already 6:30 in the evening at pumunta talaga siya roon ng ganoong oras dahil baka sakaling pumunta ang Ate niya ay maganda na rin na magkahulihan sila. Saka gusto rin kasi niyang patunayan sa lalaki na mas better siya sa Ate niya at siya lang ang dapat na piliin nito. Nakita niya ang binata sa balconahe at naka-robe lang ito, halatang galing sa paliligo. Nang makalapit siya rito ay agad niyang inagaw ang subo nitong sigarilyo. Marahas naman itong napatingin sa kaniya at bago pa ito makaangal ay naisubo na rin niya agad ang sigarilyong nakuha niya rito. “What’s with the long face?” taas-kilay na tanong niya. “Bakit kaya hindi mo tanungin ang Ate mo!” mainit ang ulo na tugon nito sa kaniya. “Oh, hindi ba’t kahapon siya ang galit sa ‘yo, eh, bakit ngayon nabaligtad na yata ang mundo?” “Again, she wanted to postpone our wedding,” inis na inis na sumbong nito sa kaniya at hindi naman niya maiwasang mapangiti sa sinabi nito. “What is the reason this time?” tanong niya habang patuloy lang siya sa paghithit ng sigarilyo nito. “Dahil naimbitahan daw siyang maging Judge ng isang fashion competition sa Korea, gusto niyang i-postpone ng isang linggo.” “Postpone lang naman, ibig sabihin tuloy pa rin. Okay lang ‘yan at least may time ka pang mag-isip kung sino ba talaga sa amin ang gusto mong piliin,” pang-aasar pa niya rito. “‘Yan ka na naman, eh, hindi ba’t sinabi ko na sa ‘yo wala naman akong balak na iwanan ang Ate mo saka kahit ganoon ‘yon mahal na mahal ko pa rin ‘yon.” “Alam mo, ang cheesy mo kay Ate samantalang ni minsan nga hindi ka naman niya pinili. Samantalang ako ito, ikaw ang laging pinipili ko. Handa nga akong talikuran ang pagiging magkapatid namin para sa ‘yo tapos ayaw mo pa,” naiiling na usal niya sa binata. “Kung ano man ‘yong namamagitan sa atin, Maliyah, that was purely lust, ni hindi ko inisip na ikaw ang magiging Nanay ng mga anak ko. And you are not a wife material nor a mother material.” “Ouch, ha! Medyo masakit ka ring magsalita, bakit ba lahat na lang kayong nakapaligid sa ‘kin walang ibang ginawa kundi maliitin ‘yong kakayahan ko. Sa ngayon, hindi mo pa ako nakikitang ganoon pero sooner I am sure hahanap-hanapin mo rin ako!” “Sa kama, oo, hahanap-hanapin kita,” pag-amin naman nito sa kaniya at kahit ‘yon lang hindi niya maiwasang mapangiti. “Do you want to try me now?” mapanuksong hamon niya rito. “Huwag mo ‘kong hinahamon ganitong badtrip ako,” tugon naman nito. Hindi na siya nagsalita at ikinapit na niya ang braso sa batok nito saka ito siniil ng halik sa labi. Ang rough ng bawat halik sa kaniya ng binata na halatang ibinubuhos sa kaniya ang galit na nararamdaman nito sa kapatid niya. Pero again wala siyang pakialam. She wanted him as much as she wanted to ruined her sister.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD