ILANG beses pang sinubukang tawagan ni Xena ang fiancé pero hindi pa rin ito sumasagot sa kaniya. Hanggang sa makauwi siya sa bahay nila ay tinawagan niya ito pero puro busy tone lang ang sumasalubong sa kaniya. Hindi niya alam kung naka-block ba ang number niya rito o talagang naka-turned off lang iyon.
Pasado alas diyes ng gabi ay bumaba siya para pumunta ng kusina dahil magtitimpla sana siya ng gatas dahil hindi siya dinadalaw ng antok nang saktong pagbaba niya ay ang pagbukas din ng main door nila at iniluwa noon si Maliyah.
“Oh, ngayon ka lang?” nagtatakang tanong niya sa kapatid, sa pagkakaalam niya kasi ay hanggang alas otso lang ng gabi ang oras ng gala nito. O sadya lang talaga na marami nang nagbago sa loob ng dalawang taong nawala siya.
“Obviously,” walang ganang tugon nito sa kaniya. Magmula nang magkasagutan sila ay hindi pa rin sila nag-uusap ng maayos nito.
“‘Liyah, gusto mong sumama sa ‘kin sa Korea, it’s my treat, don’t worry,” nakangiting aya niya sa kapatid. It was her way to reconcile with her. Hindi naman kasi niya kayang magalit ng matagal dito, ito lang naman kasi ang nakakatiis sa kaniya pero siya hindi niya kayang tiisin ang kapatid niya.
Salubong ang kilay nitong tumingin sa kaniya at hindi niya alam kung bakit parang hindi pa yata nito nagustuhan ang sinabi niya.
“No, thanks. Saka may pera din naman ako, hindi mo ‘ko kailangan i-treat,” may pagkainsultong tugon nito pagtapos ay saka ito lumakad papuntang hagdanan at nilagpasan siya.
“Maliyah, masama pa rin ba ang loob mo sa ‘kin dahil sa naging pagkampi ko sa designer ko?” pigil niya rito. “Tingin ko pwede naman tayong mag-usap ng maayos, ‘di ba?”
“Naka-move on na ‘ko, Ate, baka ikaw ang hindi pa nakaka-move on.”
“Then why are you acting like that?” Hindi mapigil na tanong niya sa kapatid kahit in the end alam niyang baka pag-awayan na naman nilang dalawa ‘yon.
“Eh, ano bang gusto mong sabihin ko sa ‘yo, Ate Xena.” Muli itong humarap sa kaniya.
“Look, pagod ako ngayon.” Nakita pa niya kung paano umikot ang mata nito. “Sabagay wala ka naman talagang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao, hindi ba?” Doon na nagsalubong ang kilay niya dahil alam niyang may iba itong ibig sabihin doon.
“Ano bang gusto mong sabihin, Maliyah?”
“Hindi ba nagawa mo ngang piliin ‘yang Korea mo na ‘yan kaysa sa kasal ninyo ni Axel,” sumbat nito sa kaniya kaya lalo siyang nagtaka dahil wala pa naman siyang nababanggit dito.
“Paano mo naman nalaman? At saka anong Axel?”
“Oh, well, marami ka pang hindi alam, Ate Xena. Bakit hindi ba pwedeng magsumbong sa ‘kin ang soon to be brother-in-law ko? Com’on, its already 2022, hindi mo pa rin kayang piliin ang mapapangasawa mo. Mas gusto mo ring unahin ‘yang walang katapusang pangarap mo.”
Naiiling na lang na tinalikuran siya nito at naiwan siya roong nakatulala sa kawalan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang biglang nag-iba ang pakiramdam niya sa sinabi na ‘yon ng kapatid. Kailan pa naging sobrang close si Maliyah at Axel? To the point na hindi na nito tinatawag na Kuya ang kasintahan niya.
Nawalan na siya ng gana na magtimpla ng gatas at mas lalong hindi siya nakatulog dahil sa huling sinabi sa kaniya ng kapatid. Hindi maalis sa isip niya na may laman ang bawat sinabi sa kaniya ni Maliyah. Pero ayaw rin naman niyang pag-isipan ng masama ang kasintahan at ang kapatid dahil alam niya na kahit gaano kasama ang loob sa kaniya ni Maliyah ay hindi pa rin nito magagawa ang iniisip niya.
Tama! Kaya alam mo, Xena, matulog ka na dahil kung anu-ano pa ang pumapasok diyan sa isip mo.
Mula roon ay pinilig niya ang ulo para iwaksi ang lahat ng tumatakbo sa isip niya at pinilit na lang niyang ituon ang sarili sa paparating na kompetisyon at pinilit na lang din niyang matulog.
Kahit na late na siya nakatulog ay maaga pa rin siyang nagising, pagtapos niyang maligo at magbihis at bumaba na siya sa kusina nila para kumain.
“How was your plan, Xena?” nakangiting bati sa kaniya ng ama, lumapit naman siya rito at hinalikan ito sa pisngi bilang pagbati niya.
“Actually, ‘Pa, I have decided na i-postpone muna ng one-week ang kasal namin ni Axel,” nagsalubong naman ang kilay nito sa sinabi niya at pati ang Mama niya ay nakakunot ang noo na napatingin sa kaniya.
“Bakit? Ano na namang iniisip mong gawin, Xena?” hindi mapigil na tanong sa kaniya ng ina.
“Eh, kasi, Ma, naka-received po ako ng invitation from Seoul Fashion Week, plano po kasi nila akong kunin as one of their Jury, nanghihinayang naman po akong i-turned down ‘yong opportunity. Para rin po kasi sana ‘yon sa balak kong pag-expand ng Haute Couture,” paliwanag naman niya sa mga ito.
“That was a good idea, saka isang linggo lang naman palang mauusog, ang mahalaga naman ay tuloy pa rin ang kasal ninyo sa March,” pagkampi naman sa kaniya ng ama kaya napangiti siya rito.
“Hay, naku, Alexena, pinatagal-tagal mo na naman ‘yang pagpapakasal ninyo ni Axel, kaya hindi rin naman ako magtataka kung naiinip na ‘yan,” naiiling namang wika ng Mama niya habang umiinom ito ng kape.
Anyway, sanay na rin naman siya kasi none of her plan was supported by her mother. Magmula kasi nang hindi niya matupad ang pangarap nitong maging isang doctor siya ay nagbago na ang pakikitungo nito sa kaniya.
“Hayaan mo na lang muna si Xena, sa mga plano niyang gawin saka bata pa rin naman siya sa edad na bente-siyete para magpakasal,” pagtatanggol sa kaniya ng ama. “Iyang si Maliyah ang pagsabihan mo dahil parang wala namang plano sa buhay ‘yang anak mo.”
“Oh, eh, bakit napasok na naman sa usapan si Maliyah?” parang naiinis na sabi ng Mama niya. “Ang topic natin dito ay ang pagpapakasal niyang si Xena.”
“Ang sinasabi ko lang naman, Brenda. Mabuti pa nga itong panganay mo ay may pangarap sa buhay, eh iyang bunso mo, aba kundi sakit ng ulo ay problema lang ang hatid sa atin.”
“‘Pa, kung wala kang bagong lines, huwag mo na lang sabihin dahil kabisado ko na ‘yan saka hindi na ‘ko affected,” natigilan silang lahat sa sinabing iyon ni Maliyah. Padabog itong naupo sa harap ng hapag at inis na inis na tumingin sa kaniya.
Ayaw rin naman niya na ikinukompara siya sa kapatid pero wala naman siyang magawa dahil iyon ang laging ginagawa ng Papa nila. Ang Mama naman niya walang ginawa kundi ipagtanggol si Maliyah. Pero alam din naman niyang may kasalanan ang kapatid dahil sa halos lahat na yata ng kurso ay na-take na nito pero ni isa sa mga iyon wala naman itong natapos.
“Sige, ‘Pa, ‘Ma, aalis na po ako, may ilan pa kasi akong aasikasuhin para sa kasal namin ni Axel,” paalam na lang niya pagtapos ay tumayo na siya para umalis.
Alam niya kasing lalala lang ang usapan kung mananatili pa siya roon. Ayaw naman niyang mas lumalim ang sama ng loob sa kaniya ni Maliyah.
Saka dahil nga aalis siya papuntang Korea kaya kailangan niyang ma-accomplished ang lahat bago ang flight niya para pagdating niya ay ‘yong mismong araw na lang ng kasal ang problema niya. Marami pa siyang dapat na ayusin in that short period of time.
Hanggang ngayon ay hindi pa nga rin niya natatapos ang wedding gown niya dahil siya mismo talaga ang hands-on na gumagawa noon at hindi siya nagpatulong kahit kanino. Gusto kasi niya maging memorable talaga ang kasal nila ni Axel, sa gown lang ng entourage niya siya nagpatulong sa mga designers niya.
Habang nasa biyahe papuntang Boutique ay tinawagan niya ulit ang numero ng kasintahan. Nakailang-ring din ‘yon bago may sumagot.
“What is it now?” walang ganang tanong nito sa kaniya na halatang kakagising lang.
“May meeting kasi ako sa invitation supplier natin, baka lang gusto mong sumama para sa final decision na gagawin?” tanong niya rito.
“No, kaya mo na ‘yan. Kung itutuloy mo lang din naman ‘yong Korea mo, asikasuhin mo ‘yan lahat na mag-isa. Sawang-sawa na ako maging second option lang sa buhay mo, Xena. Kung hindi mo ‘ko kayang piliin, wala na rin naman akong balak na habulin ka pa.”
“So, ang ibig mo bang sabihin huwag na natin ituloy ang kasal?” hamon niya rito at ilang saglit naman itong hindi nakasagot.
“Talaga bang mas gusto mong huwag ituloy ang kasal para lang sa fashion show na ‘yan?”
“Wala naman akong sinabi na hindi natin itutuloy ang kasal, Axel, ang sinabi ko lang sa ‘yo, postponed pero one-week lang ‘yon, ni hindi mo nga ‘yon mararamdaman kung sasamahan mo ako sa lahat ng lakad ko para sa kasal natin, eh,” sumbat naman niya rito.
“Okay, just go on with your plan, March 11, will be the final date of our wedding kapag ‘yan ay nausog pa. Then I must say, na ayoko na talaga.” Pagtapos ay muli na naman niyang narinig ang busy tone, tanda na pinatay na nito ang tawag.
Napabungtong-hininga na lang siya dahil parang habang tumatagal ay parang mas lumalabo ang lahat sa pagitan nila ni Axel pero alam naman niya sa sarili kung gaano niya ito kamahal.