HAWAK lang ni Zev ang kamay niya hanggang sa makapasok sila ng elevator ng ospital. Pagpasok roon saka lang nito binitiwan ang kamay niya. At pinundot ang pinaka-last floor sa button indicator ng elevator. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito pero hindi na rin naman siya umangal. Hindi niya talaga maintindihan ang sarili kung bakit parang gusto niya rin ang makasama ito kahit saglit lang, her heart was at ease when she was with him. Parang hindi niya kailangang magkunwari na masaya siya kapag ito ang kasama niya. Siguro ay dahil nasabi na rin naman niya rito ang lahat ng pinagdaanan niya at bukod kay Gabbi ay dito panatag ang loob niya. Muli naman nitong hinawakan ang kamay niya nang magbukas na ang elevator. Paglabas nila mula sa elevator ay may isa pang pintuan silang pinasok k

