SA ILANG araw na pag-aalaga ni Xena sa dalawang bata ay hindi naman siya gaanong nahirapan dahil hindi naman niya inaasahan na mababait ang mga ito. At dahil natuwa siya ay binilihan niya ng treats ang dalawang bata pagtapos nila mag-walking sa katapat na park ng building ng condo na tinitirhan nila. Binilihan niya ng tig-isang chocolate drinks at tig-isang chocolate bar ang dalawang bata. Hindi naman siguro masama na paminsan-minsan ay bigyan niya ng treats ang dalawa. Habang kinakain ng kambal ang binili niya ay bumalik na sila sa condo, pagabi na rin naman at siguradong parating na si Fay. Kailangan na rin niyang maghanda ng pagkain nila. Kagandahan din talaga na natuto siya ng mga gawaing bahay noong nasa Paris siya. “Okay, kids, sit down lang muna kayo riyan, ha, may gag

