ANG LAHAT ng kailangan ni Xena papuntang Davao ay okay na. At tingin niya ay okay rin naman ang lahat ng kasama niya. She maintains her silence while she was in the plane with the team. Marami sila, palagay niya hindi bababa sa benteng tao ang mga kasama niya sa educational mission na ‘yon. At dahil ‘yong maletang galing ding Korea ang dala niya ay kailangan niyang mamili ng mga bagong damit pagdating ng Davao, because those clothes were not suitable in the Philippines. Well, may iba naman doon na magagamit niya, katulad ng mga pantulog na nadala niya. “Hi! What’s your name?” nakangiting tanong sa kaniya ng isang lalaking kasama rin nila as volunteer. “Ang sabi kasi nila first time mo rin ‘to.” “I’m Xena,” maikling tugon niya kasabay ng isang matipid na ngiti, wala siyang balak na makip

