NAGISING si Xena dahil sa silaw ng liwanag sa mata niya. Marahan siyang gumalaw at doon niya naramdaman ang sakit ng pribadong parte ng katawan niya. Pinilit niyang dumilat at ang makisig na mukha lang naman ni Zev ang bumungad sa kaniya. Himbing na himbing pa rin ang tulog nito sa katunayan ay rinig na rinig niya ang mahinang paghilik nito. Nang mapagmasdan niya ang mukha nito ay unti-unting nag-flashback sa kaniya ang lahat nang nangyari ng nagdaang gabi. Hindi iyon isang panaginip at hindi isang pantasya lang. She had séx with this hunk guy beside her. Aabutin sana ng kamay niya ang mukha nito nang mahagip ng mata niya ang orasan nito na nasa ibabaw ng bedside table. “Shít!” hindi mapigil na mura niya dahil mag-aalas siete y media na ng umaga at dahil alas otso ang call time nila, dah

