Catrione: NANGHIHINA ANG BUONG katawan ko sa paggising ko at kaagad yumakap ang humihikbing kambal ko sa akin. Naalarma naman ako at napamulat kaya bumungad sa akin ang silid namin pero naka-swero na ang kanang kamay ko. Nandito rin ang buong pamilya ko na bakas ang lungkot, awa at pag-aalala sa kanilang mukha. Pilit akong ngumiti sa mga ito bago pinaghahalikan sa ulo ang dalawang anak ko na ngayo'y humihikbing nakasuksok sa magkabilaang balikat ko. " Maman, tu vas bien maintenant?" (French language) (Mommy, are you okay now?) Humihikbing saad ni Tyrone at tumunghay na sila sa akin. Para naman akong sinasaksak sa dibdib na makita silang umiiyak at napakakulimlim ng kanilang mukha. Ngumiti akong tumango-tango sa mga ito at pinahid ang kanilang luha. " Chuut...Arrêtez de pleurer mes c

