Typhoon: 'DI KO MAPIGILANG MALUHA HABANG hinahaplos ang mukha ng kambal kong ngayo'y napakahimbing ng tulog. Naalala kong nangako nga pala ako sa kanila na dadalaw ako pagkatapos ng duty ko sa trabaho at nagpabili pa sila ng pasalubong sa akin. Kaagad akong nagbihis at kahit kumikirot ang kanang kamao ko ay 'di ko na inintindi. Problema ko pa kung anong bibilhin ko para sa kanila dahil nasa kanila naman na ang lahat. At kayang-kaya ibigay ng kanilang ina ang mga gusto at kailangan nila na higit pa sa hinihingi nila. Napadaan ako sa isang botique ng mga police uniform for kids. Napangiti akong napatingin sa mga display at naiisip ang mga kambal ko kung ano kayang itsura nila kapag naka-police uniform din sila? Mas na-excite tuloy ako. Kaagad akong pumasok ng shop at pumili ng ilang par

