Dos: PALINGA-LINGA AKO SA paligid pagkababa namin ni Rose sa bungaran ng kanilang nayon. Tahimik na ang paligid at may mga ilaw pa rin naman sa mga kabahayan ditong magkakatabi-tabi lang. May mga iilang tao pa sa paligid pero normal lang naman ang kilos nila kung saan nagkukwentuhan habang nag-iinuman sa balkonahe ng bahay. Wala rin akong makitang may mga dalang baril kung kuta man ito ng mga teroristang pinamumunuan ni Suprimo. "Dito nakatira si Bagyo kasama ang ama niya" mahinang bulong nito pagkatapat namin sa pinakagitnang bahay. Napatango-tango naman akong patuloy na nagmamasid sa paligid. "May hinahanap ka?" bulong pa nitong kaagad kong ikinailing at matamis itong nginitian dahil nanunuri ang ginagawad nitong tingin. "Ang tahimik naman dito" nakitabi na ako sa pag-upo nito sa

