Dos: NAPALINGA-LINGA AKO sa paligid namin na ngayo'y nagbubulungan at pasimple na rin kaming kinukunan ng videos kaya sinuot ko na ang shades ko at hinila sa kamay ang dilag na napagkamalhang ako si Bagyo. Ang bagong kaibigan kong kapangalan at kamukha ko. Nagpatianod lang naman ito hanggang sa sumakay kami ng private elevator kung saan pamilya lang namin ang may access na gumamit dito sa mall. Lihim akong napapangiti na hinayaan lang naman ako nitong naka-intertwined ang mga daliri namin. Hindi man gaanong malambot ang kamay nito na mas malambot pa ang kamay ko'y may puwang pa rin sa puso kong kinikilig at nagugustuhan ang pagkakahawak ko sa kamay nito. Pipi akong nagdarasal na sana...sana hindi ito kasintahan ni Bagyo. Sayang naman kasi, ngayon lang ako naka-encounter ng katulad niya

