Chapter 8 Reunion

2064 Words
Catrione: NANGINGITI KONG pinagmamasdan ang kambal kong excited na tinutulungan akong magsilid ng ilang gamit namin sa maletang dadalhin namin pabalik ng Pilipinas. Kaarawan kasi ng mga anak nila Kuya Khiranz at Khiro sa susunod na linggo kaya panay ang habilin nilang umuwi na kami. Sabay idadaos ang kaarawan ng mga pamangkin ko dahil nagkasabay nanganak noon si Sam at Danaya kaya magka-birthday ang mga anak nilang ngayo'y limang taon na. Ilang buwan lang ang gap nila sa kambal ko dahil iisang taon lang naman kaming tatlo na ikinasal noon, 'yun nga lang ay wala palang bisa ang kasal namin ni Typhoon dahil nakiusap ito noon kila Mommy na bigyan muna siya ng oras paibigin ako bago kami magpakasal sa simbahan ng 'di ako napipilitan. Mapait akong napangiti nang mapasulyap sa daliri kong kinasusuotan pa rin ng wedding ring namin ni Typhoon. Nakalagay naman sa necklace ko ang singsing nitong nagmistulang pendant ng kwintas ko. Ibinalik niya pala ito kina Mommy noon, akala ko'y itinapon na lang niya basta. Napabalik ang ulirat ko nang umatungal si Tyrone na kinagat pala ni Typhus! Naalarma naman akong lumapit dito at hinipan ang daliri nitong bumakat ang ngipin ng kakambal. "Waaahhhh....Mommyyy!!" Pag-aatungal pa nito na akala mo nama'y naputulan na ng daliri. "Shhh... Enough, sweetie. I'll just kiss it to wipe the pain." Lambing ko at pinaghahalikan ang daliri nito. Napalabi naman si Typhus dahil alam nitong mapapalo ko ito kung hindi magso-sorry sa kakambal. "Typhus, what will you say?" Baling ko dito na seryoso ang tono kaya napahikbi ito na kalauna'y umatungal na rin para maawa ako at makatakas sa atraso. Gan'to sila kapag napapaiyak ang isa't-isa para makaligtas sa palo ko. Dinadaan nila sa pag-iyak para maawa ako sa kanila. "Waaahhhh. ....Mommy...." Sabi na eh, mas malakas pa siyang umatungal kaysa sa Kuya niyang kinagat niya ang daliri. "Je sues désolé, Kuya." ( I'm sorry, Kuya.) French language. Anito na humihikbi at niyakap ang kapatid. Napangiti na ako nang yakapin din ito ni Tyrone habang sinisinok na rin sa pag-iyak. Napahinga na lang ako nang malalim at nakiyakap sa kambal kong kay kukulit at pasaway pero may kalambingan din namang taglay. "Are you guys ready to go home to our country?" Masiglang tanong ko na ikinangiti at tango ng mga ito. "Yes Mommy!!" "Yes Mommy!!" Panabay pa nilang sagot na may papalakpak pang nalalaman. Parang natutunaw ang puso ko sa tuwing napakaaliwas ng kanilang inosenteng mukha at lumilitaw ang malalalim nilang kabilaang dimples na minana kay Typhoon. Kaya kahit saang anggulo ko sila pagmasdan ay mukha ni Typhoon ang nakikita ko sa kanila, mula sa hugis ng noo, mga itim at makakapal na kilay at pilikmata, maging hugis ng matangos nilang ilong at maninipis na mga labing mamula-mula ay kuhang-kuha sa Ama nila. Nakuha rin nila ang mga katangian ni Typhoon katulad ng hilig sa pagluluto dahil madalas akong tinutulungan ng mga ito sa pagbe-bake man o pagluluto. 'Yon ang madalas naming bonding moment na magkasundo sila. Magaling ding mambola ang mga ito sa akin lalo na kung may atraso sila, para hindi ko sila maparusahan. Alam na alam nila kung paano ako aluhin, utohin, pakalmahin at patawanin lalo na sa gabi na nahuhuli nila akong malungkot na umiiyak habang pinagmamasdan ang mukha ng Ama sa laptop. MAPAIT AKONG NAPANGITI habang tinatanaw ang nadaraanan naming dating headquarters ng asawa ko. Muling tumulo ang mga luha ko habang sinasariwa sa isip ko ang tagpo namin sa pangalawang beses kong pagsugod sa headquarters nila. Napahinto ako sa tapat nito nang mabungarang nasa labas ng headquarters nila ang lahat ng kapulisan habang nagpapalakpakan at hiyawan na tila may pinapanood sa gitna ng basketball court na kaharap ng station nila. "Tyrone! Typhus! Wait!!" Sigaw ko sa kambal kong mabilis bumaba at tumakbo sa nagkukumpulang mga pulis! Nataranta at kaagad akong bumaba para sundan ang mga itong lumusot-lusot na sa nagtitilian at palakpakang mga pulis dito sa harap ng headquarters! "Daddy!!" "Daddy!!" Lalo akong natarantang nakipagsiksikan nang marinig sa gitna ang panabay na sigaw ng kambal ko! Palagi ko kasing kinukwento sa kanila ang Ama nila at kahit labag sa loob ko ay sinuportahan ko ang kagustuhan nilang sumunod sa yapak ng kanilang Ama. Maglilimang taon pa lamang ang mga ito pero desidido ng maging alagad ng batas balang araw. Para akong kakapusin nang hininga habang nakikipagsiksikan sa mga pulis dito para makarating sa harap kung saan naririnig ko na ang paghikbi ng kambal ko! Marahil dala ng kasabikan sa Ama ay may napagkamalhan sila o kaya'y umaasang nandidito ang Ama nila dahil sa mga kasuotan ng mga pulisyang nandito. Nanigas ako at parang binuhusan ng nagyeyelong tubig nang sa wakas ay nasa unahan na ako at tumambad sa akin ang pamilyar na bulto ng lalaking hanggang ngayo'y iniibig ko! Nakatalikod ito sa gawi ko habang nakasalampak na sa semento dahil yakap-yakap siya ng kambal ko sa magkabilaang balikat nito. Napalingon ako sa babaeng unipormado ring kaharap nito na nakatakip ang mga palad sa bibig. Althea?! Napapilig ako ng ulo at kaagad nilapitan ang kambal kong sinira yata ang romantic moment nila sa kanilang pag-eksena. "Why are you calling me Daddy, kiddo's? Do I look like your Dad?" Muli akong natigilan at nanigas nang marinig ko ang pamilyar niyang baritonong boses! Nanginginig ang mga tuhod kong unti-unting lumapit pero bigla nitong binuhat ang kambal ko sa magkabilaang braso at humarap sa akin! Parang nag-slow motion ang paligid sa dahan-dahan nitong pagharap sa akin kaya napaluhod ako sa kawalan ng balanse nang masilayan ko na ang mukha nito! Muling nag-alpasan ang mga luha ko at walang kakurap-kurap itong pinagmamasdan habang naglalakad palapit sa akin. Inalalayan din ako ng mga kasamahan nito na makatayo sa pagkakaluhod ko. "Hi! Are you their Mother?" Nakangiting tanong nito. Napatitig ako sa kanya at napapilig ng ulo. Bakit parang normal lang ang kilos at pagbati niya? Hindi na ba niya ako naaalala? Bakit? Paano? Kitang-kita kong wala na siyang buhay nang iwanan ko sa loob ng OR ang katawan nito, limang taon na ang nakakalipas! Pero bakit heto siya nasa harap ko, at buhay na buhay?! Sa sobrang tuwa ko'y napayakap ako dito at napahagulhol nang maramdamang totoo ito! Natigilan naman ito at napapasinghap ang lahat sa amin pero wala na akong pakialam! "I'm sorry, Ms. But....d-do I know you?" Tanong nito na nagpabitaw sa akin. Hindi ito makabitaw dahil kalong pa rin nito ang kambal kong patuloy na umiiyak sa magkabilaang balikat habang yakap-yakap....ang Ama nila. "Sorry, huh? Pero.... itong mga anak mo, pakibantayang maigi. Sinira nila ang proposal ko eh." Saad nito na lalong ikinanigas ko! Proposal?! Napalingon-lingon ako sa paligid at parang matatakasan ng katinuan nang makitang may mga dalang tig-iisang red roses ang lahat at may hawak ang ilang kapulisang nasa harapan na mga letrang binuo ang katagang 'WILL YOU MARRY ME LT. MONTEREAL' Para akong sinasaksak sa puso at muntik mawalang muli ng balanse sa panghihina ng mga tuhod ko pagkalingon ko sa babae sa harap na ngayo'y matiim akong tinititigan at 'di ko mabasaan ng anumang emosyon! Althea! Napakuyom ako ng kamao nang makumpirmang siya ang pinagpo-propasan ni Typhoon! Hindi ito maaari! Hindi ako makakapayag! Ipaglalaban ko ang karapatan naming Mag-iina niya! "Typhoon!!" Napangiti naman ito sa akin na tila kinakabisa ang mukha ko. Humawak ako sa mga braso nito at nagsusumamong tumitig sa kanyang mga mata. "Ako 'to, si Catrione...Hindi mo ba ako natatandaan... D-Daddy?" Napapilig pa ito ng ulo at nanlaki ang mga matang napatitig sa akin! Parang lumukso ang puso ko sa ribcage nito sa sobrang tuwa na makitaan siya nang pagkabigla at pag-aliwalas ng gwapo niyang mukha! Mas trumiple pa ang kagwapuhan at katikasan nito ngayon sa pag-matured ng itsura niya! "Catrione!? Ikaw nga! Long time no see! Kumusta ka na?!" Unti-unting napalis ang pagkakangiti ko sa normal nitong pagbati na tila hindi kami nagsama sa iisang bubong bilang mag-asawa dati. Pilit akong ngumiti kasabay ng pagtulo ng mga luha ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. "Babe, let's go mag-lunch na tayo." Napabitaw ako dito sa biglaang pagsabat ng malambing na boses mula sa likuran nito. Maingat naman nitong ibinaba ang kambal ko at lumuhod pa para mapantayan ang mga ito. Para namang hinaplos nito ang puso ko sa pagpahid niya sa mga luha ng kambal ko at humalik pa sa kanilang noo. Nangingiti itong nakipagtitigan sa dalawa habang napahaplos ang magkabilaang palad nila Tyrone at Typhus sa kanyang magkabilaang pisngi. "Daddy...come home now, we missed you so much.. " Sinisinok na saad ni Typhus habang haplos sa pisngi ang Ama at muli itong niyakap bago pinaghahalikan sa buong mukha. Bakas ang tuwa at gulat sa mga mata ni Typhoon habang hinahayaan lang nito ang kambal kong yumakap at humalik sa kanya. "We're here now Daddy, please come home with us. We need you and we're longing for your presence. We need our Daddy, Mommy need you too." Humihikbing segunda ni Tyrone at ito naman ang yumakap dito bago pinaghahalikan ang buong mukha ng Ama maging sa mga labi nito. Naluluha namang ngumiti si Typhoon sa kanila at pinaghahalikan din ang mga ito bago hinaplos sa kanilang ulo. "I'm sorry, kiddo's but..... I'm not your Dad. Why? Do I look like him?" Nakangiti at maalumanay nitong tanong na ikinadurog ng puso ko. Nagkatinginan naman ang kambal ko at muling nanubig ang mga mata nilang namumugto na. Sabay pang umiling-iling ang mga ito na ikinakunotnoo ni Typhoon. "Let's go, babe. I'm sorry kids but, he is my fiancee and he's not your Daddy. Maybe they're just.....look alike." Sabat ni Althea na ikinapantig ng mga tainga ko. Napakuyom ako ng kamao at pinaningkitan itong nagkibit-balikat at ngumisi sa akin. "Ang kapal naman ng mukha mong sabihan ng ganyan ang mga anak ko? Wala ka ba'ng mata, para makitang kahawig nila ang Ama nila?" Palabang pang-uuyam ko dito na ikinatawa lang nito ng pagak. Naguguluhan namang napatayo si Typhoon na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Althea. Napalunok akong napaiwas ng tingin nang yumakap ito sa tagiliran nito at inakbayan naman ito ni Typhoon. Para akong sinasaksak habang nakikita kung paano niya yakapin ang higad na 'to! "Mommy...." Untag ni Typhus sa akin sabay yugyog sa kamay ko. Lumuluha ang mga itong nakahawak sa magkabilaang kamay ko habang lumuluhang nakatingala sa akin. Tumulo ang mga luha ko sa nakikitang pag-alpasan ng kanilang mga luha at kahit naguguluhan ang mga ito ay nakatitiyak akong nasasaktan din sila ngayon. Mas triple pa pala ang sakit na makitang nasasaktan ang mga anak mo nang wala kang magawa para kunin ang sakit na nararamdaman nila. Kung p'wede ko lang solohin ang kirot sa kanilang puso ngayo'y, ginawa ko na. Lumuhod ako para mapantayan ang mga ito at pinahid ang mga luha nila bago mariing pinaghahalikan sila sa noo at mga labi. " Écoutiz maman, mes chéris. Je ne sais pas que se passe-t-il. Mais Maman trouvera un moyen pour nous ramener ton Papa. D'accord? " (French language) ( Listen to Mommy, my sweethearts. I don't know what's going on. But, Mommy will find a way to take back your Daddy to us, Okay? ) Napalabi ang mga itong napatangu-tango bago muling tumingala kay Typhoon na nakakunotnoo sa pag-uusap naming mag-iina. Tumayo na ako at nagpahid ng mga luha bago hinawakan sa magkabilaang kamay ang kambal ko. "Aalis na kami, humanda ka na, sa pagbabalik ng legal na minamahal." Buong kumpyansang saad ko na kay Althea nakatitig. Namutla naman ito at napaiwas ng tingin sa mga mata ko. Kita ko rin ang paghigpit ng pagkakakapit niya sa braso ni Typhoon na ikinailing ko at tinitigan ito nang mapang-uyam na tingin mula ulo hanggang paa. "Tyrone, Typhus, let's go?" Masiglang saad ko na sinadyang iparinig sa kanila ang pangalan ng mga anak kong nakasunod sa pangalan ni Typhoon. Kita ko sa peripheral vision kong napalunok si Typhoon at muling dumako ang mga mata sa kambal namin. Hinila ko na ang mga ito palayo sa kanila at naglakad na tila walang nararamdamang sakit, kaguluhan at pangungulila. Nang nasa harapan na kami ng kotse may biglang humawak sa braso kong ikinapitlag ko. Para akong nakuryente sa boltaheng dala ng mainit nitong palad na ngayo'y nakahawak sa braso ko. Lumakas din ang pagkabog ng puso ko na dumadagundong sa pandinig ko. Hindi ako makakilos pero sigurado akong si Typhoon ang nasa likuran ko. "Sandali lang, Catrione... A-anong sinasabi ng mga anak mong. ... D-Daddy n-nila a-ako.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD