Chapter 9 The Kiss

1965 Words
Catrione: NAPAHINGA AKO ng malalim bago dahan-dahang humarap dito. Gustung-gusto ko na siyang yakapin pero pilit kong pinipigilan ang sarili. Puno nang kaguluhan pa rin ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa aking mga nanunubig na mata. "Paanong ako ang Ama nila? Catrione, ano ba talagang totoo?" Tuluyang tumulo ang mga luha ko at 'di ko na napigilang yakapin ito nang mahigpit. Napahagulhol akong sumubsob sa dibdib nito ng yumakap din sa akin habang hinahaplos ako sa likod. Maging ang kambal nami'y nakiyakap sa amin kaya binuhat ito ni Typhoon sa magkabilaang braso kaya lalo akong naiyak na niyakap ang mag-aama ko. Para akong nananaginip sa mga sandaling ito habang yakap sila sa bisig ko. "Arrête de pleurer, Maman. Papa est lá maintenant, avec nous. Notre famille est enfin compléte maintenant. " ( French language ) ( Stop crying, Mom. Daddy's here now, with us. Our family is completed now. ) Humihikbing saad ni Tyrone at pinahid ang pisngi ko. Napangiti akong napatango-tango dito habang salubong naman ang mga kilay ni Typhoon na nagpapalipat-lipat nang tingin sa aming mag-ina sa pagsasalita ni Tyrone ng french. "N'êtes-vous pas heureux, Maman?" (French language) ( Aren't you happy, Mom?" Malungkot namang saad ni Typhus habang nakasandal sa balikat ng Ama. Kaagad akong umiling at ngumiti dito. "Non mon fils, Maman si heureuse en ce moment." ( French language ) (No my son, Mommy's so happy right now.) "Teka, nandito rin ako. Magtagalog naman kayo, wala akong maintindihan." Reklamo ni Typhoon kaya napatingin kami dito at nagkatawanang mag-iina na ikinapula ng mukha nito at naiiling na ring nakitawa. Ang sarap lang nilang pagmasdang mag-aama habang kalong nito sa magkabilaang braso ang kambal namin na nagtatawanan at litaw na litaw ang malalalim at kabilaan nilang mga dimples. Nahiya naman ang pisngi ko sa kanilang mga biloy na kay lalalim! 'Di ko tuloy maiwasang makaramdam ng inggit. "Sorry, hindi kasi sila marunong eh... English p'wede pa." Nakangiwing sagot ko na ikinatango-tango nito at bahagya pang itinaas ang kambal para pumantay sa kanya at nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawang nakangiting nakatitig din sa kanya. "Totoo ba 'to? Paano ako nagkaanak sayo? I mean. Don't get me wrong, huh? Tanda ko lang kasi ang unang pagkikita natin mahigit isang dekada na ang nakakalipas, sa palengke noong hindi pa ako pulis." Nagtatakang saad nito habang namamangha ang mga matang pinakatititigan ang kambal namin. Bakas sa kinang ng kanyang mga mata ang galak at mangha na may matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi. Napalunok akong napatango-tango. Tanda niya ako, pero ang unang tagpo lang namin. Hindi kasali ang pangalawa kung saan nagkasama kami sa kasal nila Kuya Khiranz at doon nagsimulang naging impy*rno ang buhay niya, sa piling ko. Hindi kaya, dahil sa aksidente five years ago kaya nabura ako sa memorya niya? Pero bakit walang nagsabi sa aking buhay pa pala siya. Imposibleng hindi alam ng pamilya kong buhay ito. Mapait akong napangiti at muling tumulo ang luha kong kaagad kong pinalis. Nagkakatitigan pa rin silang tatlo na tila namamangha sa isa't-isa. Mas lalong lumapad ang ngiti nito nang sabay humalik ang kambal namin sa kanyang kabilaang pisngi ng paulit-ulit at may tunog! Napahalakhak pa ito na lalo niyang ikinagwapo! "We miss you, Daddy!" "We miss you, Daddy!" Panabay pa nilang saad na lalong ikinakinang ng mga mata ni Typhoon. Parang hinahaplos ang puso ko nang pinaghahalikan niya rin ang mga ito na nagpahagikhik sa kambal. Nainggit tuloy ako. "Fils, commande Papa pour embrasser Maman aussi." ( French language ) ( Son, command Daddy to kissed Mommy too. ) Nangingiting saad ko sa kambal na ikinangiti at apir nila bago bumaling sa Ama na napakunotnoo na naman. "Daddy, kissed Mommy too. Please." Panabay pa nilang pakiusap na ikinapula ng mukha ni Typhoon. "Ah, hehe....o-okay lang ba?" Oo naman kahit more than a kiss Daddy! Tili ng utak ko na ikinailing at ngiti ko. "Aheem!! Kissed Mommy daw eh. Ako na." Kunwari nahihiyang sagot ko pero ang totoo'y diwang na diwang ang kalooban ko na mahalikan ito! Humakbang ako at mas inilapit ang mukha dito. Napatakip naman ng mga palad sa mata ang kambal na ikinatawa namin ni Typhoon nang mahina. Nagniningning ang mga mata nitong nangingiting nakatitig sa akin. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko dito at inawang bahagya ang mga labi kong tinititigan nito kaya sunod-sunod na napalunok. Tumingkayad ako at mariing humalik sa mga labi nitong ikinanigas nito. Makailang beses din itong napalunok at 'di makatugon kaya mas pinalalim ko pa hanggang sa tumugon din ito! "Enough, Mom." Natatawa akong napabitaw dito nang awatin na ako ni Tyrone. Maging si Typhoon ay natatawa na ring pinaningkitan ang anak namin sa pag-istorbo nito. Napahagikhik naman ang mga itong yumakap sa leeg ng Ama na ikinangiting muli ni Typhoon. "Ang swerte ko namang maging anak sila. Kahit hindi ko maalala kung paano natin sila nabuo, ramdam at kita kong.....anak ko nga sila." Naluluhang saad nito na nakangiting nakatitig sa kambal at pinaghahalikan din sa ulo. Maya pa'y nag-ring ang cellphone nito kaya maingat na nitong ibinaba ang kambal at inalalayang sumakay sa kotse. Dumukwang din ito sa loob at ikinabit ang seatbelt ng kambal bago muling pinaghahalikan ang mga ito na ginantihan rin ng kambal bago maingat na isinarado ang pinto. Kumaway pa ito na ginantihan rin nila Typhus at Tyrone. "Paano? Kita na lang tayo nexttime para sa mga bagay-bagay. Gusto ko pa sana kayong makasama pero, kailangan ko nang bumalik ng trabaho." Nakangiting saad nito na ikinatango-tango ko. Muli akong yumakap dito at ninakawan ng halik sa pisngi na ikinapula ng mukha nito. Nangingiti naman akong bumitaw dito at inayos bahagya ang nagusot nitong uniporme. "Sige, salamat. Pinagaan mo ang loob nila. Aalamin ko rin ang totoo, ang alam ko kasi patay ka na kaya ngayon lang ulit kami bumalik ng bansa." Napatango-tango naman itong muling nilingon ang kambal sa loob na ngayo'y magkasundo nang naghaharutan. "Sino ang panganay sa kanila?" Naluluhang tanong nito na sa kambal pa rin nakatingin dahil nakababa ang bintana sa kinaroroonan ng mga ito. "Si Tyrone ang panganay, 'yang nasa tabi ng bintana. Si Typhus naman ang nando'n sa kabila. Pag nakasama mo sila nang matagal-tagal hindi ka na malilito sa pagiging identical nila." Saad ko na ikinatango-tango nito. Maya pa'y binuksan na nito ang pinto sa driver side dahil panay pa rin ang ring ng cellphone nito. Pilit akong ngumiti at humawak sa kamay nitong nakalahad para alalayan akong pumasok. "Drive safe..... M-Mommy..." Nangingiting saad nito at 'di makatingin sa mga mata ko nang diretso. Natatawa naman akong napailing dito dahil pinamulahan ng mga pisngi sa pagtawag sa akin ng....Mommy. "Yeah, I will. Thanks...My handsome, Daddy." Aniko sabay kindat dito. Lalo itong pinamulaan at bakas sa kanyang mukha na kinikilig ito! Alam na alam ko ang itsura nito sa tuwing napapakilig ko dati kaya 'di ako p'wedeng magkamali, kahit hindi nito sabihi'y alam kong napakilig ko ito. "Ahemm! Sige, ingat. Bye kiddo's!" Paalam pa nito sa kambal na nginitian siya at kumaway. Tumango naman ito nang ini-start ko na ang engine. Hinintay pa nitong nakaalis kami bago tumawid ng highway pabalik ng headquarters nila. 'Di ko mapigilang mapangiti habang nagmamaneho at inaalala ito. PAGKARATING NAMIN NG mansion nila Mommy ay kaagad kaming sinalubong ng buong pamilya ko sa bakuran. Excited naman ang kambal kong bumaba patakbo sa Mamala at Papalo nila. Maaarte kasi sila Mommy at Daddy na h'wag daw silang tawaging Lolo at Lola dahil hindi nila keri. Kung sabagay wala nga naman sa itsura nila na may mga apo na sila sa amin. Para nga kaming magkakapatid kung itsura ang pagbabasehan. "Buenvenue á la maison mes petits-fils!" (French language ) ( Welcome home my grandsons! ) Bati ng mga ito at tag-isang lumuhod para salubungin ng yakap ang kambal na nakadipa nang tumakbo sa kanila. "Welcome back! Sis!" Ani Cathleen na kaagad yumakap sa akin. Natatawa na rin akong yumakap dito bago sumunod sina Sam at Danaya na mga sister-in-laws ko. "Welcome home, Ate Catrione." Pagbati pa nang mga ito bago yumakap sa akin. "Maligayang pagbabalik sa isang pusang nagtatago sa lungga!" Pabirong bati ni Kuya Khiranz na ikinangiwi ko. "Asar ka talaga!" Maktol ko na ikinatawa lang nito bago ako niyakap nang napakahigpit! "Mabuti naman bumalik na ang isa pang pusang pasaway sa pamilya!" Natatawang saad din ni Kuya Khiro bago ako niyakap nang napakahigpit na tila plano yata akong balian ng spinal! " Kuya! 'Di ako makahinga!" Angil ko na ikinatawa lang nito bago ako binitawan at ginulo pa ang buhok ko. "Welcome home, Sa pinakamagandang pusa ng pamilya Montereal." Nangingiting saad ni Collins bago yumakap sa akin kaya nabatukan ito ni Cathleen na ikinatawa namin. "Magkamukha lang kami!" Apila nito na muli naming ikinatawa. Kakamot-kamot naman si Collins na bumitaw sa akin. Maging si Charrie ay nandito ring masayang binati ako bago yumakap. "Welcome home, Ate Catrione. Namis ka namin." "Salamat, namis ko rin naman kayo." Aniko bago bumitaw. Napataas kilay ako kina Mommy at Daddy na tag-isang kalong sina Tyrone at Typhus na nangingiti lang tinanguhan ako. "Wala ba akong yakap d'yan?" Kunwari'y tampo ko sa kanila na ikinailing lang nila. "Malaki ka na sweetie." Ani Mommy at muling pinupog ng halik si Tyrone na buhat-buhat. Maging si Daddy ay nakabaling na kay Typhus ang attention at pinaghahalikan din ito na ikinahagikhik nila. Napapailing na lang akong pinanood ang mga ito. Tinapik naman ako nila Kuya sa magkabilaang balikat. "Masanay ka na, kitty. May anak ka na eh, sa mga anak mo na ang attention nila. Kami nga ni Khiro kulang na lang maging hangin na kami sa harapan nila dahil sa mga anak na lang namin nakatuon ang attention nila." Natatawang bulong ni Kuya Khiranz na sinang-ayunan ni Kuya Khiro. "Kaya ayo'ko pang magka-anak eh, mababalewala na ako kina Mommy at Daddy pagnagkataon." Naiiling saad ni Cathleen na ikinahalakhak namin. " 'Yun ba talaga, kitten? O baka walang may gustong anakan ka?" Natatawang tukso ni Kuya Khiranz na nakatikim ng sabunot kay Cathleen. Natatawa lang naman nitong binaklas ang pagkakasabunot ng mga daliri ni Cathleen sa buhok nito at nagtago sa likuran ng asawa. "Magkaiba 'yong may hinihintay sa walang gustong mang-anak noh!" Pairap nitong depensa na umani nang kant'yawan sa amin. "H'wag ka nang umasang babalik pa siya. Limang taon na ang nakalipas oh, nag-asawa na 'yon sa Europa." Panunukso pa ni Collins kaya nasipa ni Cathleen ito. "Babalik siya! Sigurado ako." Buong kumpyansang saad nito at nakahalukipkip pa amin. NAPUNO NANG KANT'YAWAN at tawanan ang buong mansion sa pasaring naming magkakapatid sa pangunguna nila Kuya Khiranz at Collins kay Cathleen. Sina Mommy at Daddy nama'y busy sa sala sa kanilang mga apo! Pinasadya pa nilang pinagawan ng playground dito sa loob ng mansion kaya nakalahati ang malawak naming sala ng playground para sa mga apo nilang kay kukulit. Nasa anim na ang mga apo nila dahil kambal din ang panganay nila Kuya Khiro at Danaya habang single birth naman ang dalawang anak nila Kuya Khiranz at Sam. ***** "You okay, sis?" Napalingon ako kay Cathleen ng bigla itong sumulpot dito sa may veranda ng silid ko. Mapait akong napangiti dito bago tinungga ang glass wine ko. Matiim lang naman itong nakatitig sa aking mga mata. "Oo naman, mukha bang hindi?" Balik tanong ko na ikinailing nito. Sinalinan din nito ang baso ko bago tumungga ng direkta sa bote ng wine na iniinom ko. Napahinga ito nang malalim bago muling bumaling sa akin. Sumandal ito sa railings paharap sa akin na ikinaiwas ko nang tingin dito. "Kambal kita, ramdam kong may problema ka. Com'on sis, paano natin mareresolba kung hindi ka magsabi." Nangilid ang mga luha ko sa sinaad nito na kalauna'y nagsi-alpasan. Napahagulhol ako kaya kaagad ako nitong niyakap habang hinihimas sa likod. "B-Buhay siya sis, n-nakita ko siya...p-pero hawak na siya ng iba."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD