Chapter 10 Lies

2432 Words
Typhoon: NAPAKALAPAD NANG PAGKAKANGITI kong pumasok ng headquarters namin. Pasipol-sipol pa ako na naglalakad kaya nangingiting napapailing naman sa akin ang mga kasamahan ko. Sumalubong naman sa akin si Kelvin Altamero na bestfriend ko. Hinila ako nito sa kitchen namin at tila nasisilaban sa pw*t na excited akong hinila paupo sa silya. Kakaiba ang ningning ng mga mata nito habang napakalapad ng ngiti sa mga labi. "Sabi na eh! Kita mo na?! Kasasabi ko lang pero may biglang sumulpot kang mag-iina! Ang swerte mo naman buddy! Hindi ba't si Catrione Montereal 'yon?! Paano mo naging jowa 'yon?! Ang swerte mo naanakan mo ang isang bilyonaryang tulad niya! Saksakan pa ng ganda at kaseksihak! Walastik ka talaga buddy!" Sunod-sunod nitong bulalas na napapa-apir pa sa sariling mga palad habang bakas ang saya, mangha at excitement sa kanyang mukha. Napailing naman ako dito at mahinang binatukan nang matauhan! "Sira! Malay ko, ang naaalala ko lang ay ang unang tagpo naming isang dekada na ang nakakalipas. Kaya nga hinabol ko para malinawan ako pero, hindi naman niya nasabi dahil nawala ako sa focus sa kanilang mag-iina. Pero buddy?! Alam mo 'yon? Para akong nahihipnotismo sa kanila! Ang gaan-gaan nang loob ko at kahit hindi ko pa napapatunayang akin 'yong kambal, ibang-iba ang nararamdaman ko sa kanila! Napakagaan sa puso ko bawat ngiti, halik, yakap at pagkausap nila sa akin!" Mahabang litanya ko na napatayo pa sa sobrang tuwang 'di ko mapangalanan! Basta napakasaya ko na mapag-alamang may anak kami ng first love ko! Pero bakit walang binanggit sa akin ang pamilya ko maging ang pamilya ni Catrione na nakakasalamuha ko pa rin naman dahil sa connection namin sa pamilya nila sa pamamagitan ni Sam na kinakapatid namin na napangasawa ng isa sa quadro, si Khiranz Montereal na kakambal din ni Catrione. Naiiling naman ito at napakalapad nang pagkakangiti habang pinagmamasdan ako. "Alam mo ang tawag d'yan, buddy? Lukso ng dugo. Maging kami nagulat na may biglang sumulpot na mga little Typhoon Del Mundo buddy! Pero....hindi kaya parte ng mga nabura sa ala-ala mo ang naging past niyo ni Ms. Catrione? Eh kahit hindi mo na maanakan si Lieutenant solve pa rin ang angkan mo sa pagkakaroon mo ng mga anak kay Ms. Catrione!" Masiglang saad din nito na ikinatango-tango ko. Parang gumaan bigla ang dibdib ko at hindi mawagli-waglit sa isip ko ang mukha ng mag-iina ko! Parang gusto ko nang hilahin ang oras para matapos na ang duty ko at mapuntahan ang mga ito! Marami akong gustong malaman, at gustung-gusto kong mas makilala pa ang kambal namin na kung hindi ako nagkakamali ay maglilimang taon na ang mga ito. Napakasarap sa pakiramdam na maging anak ko sila at kuhang-kuha talaga nila ang bawat anggulo ng mukha ko maging mga dimples ko! Pero ang abong kulay ng mga mata ni Catrione ang nakuha nila at hindi ang akin na tsokolate ang kulay. Bumagay naman sa kanila, napakagwapo nga nilang bata lalo't namumula pa ang mga kutis ng mga ito dala nang init ng panahon dito sa Pinas. Napakabibo rin nila at kahit hindi ko naiintindihan ang lenggwaheng ginagamit nila na frances ay napapangiti pa rin akong nakikinig sa mga ito lalo't napakaganda sa pandinig ko ang american accent ng pagsasalita nila. Gustong-gusto ko na silang makasama muli para mas makilala pa! Ngayon pa lang ay na-e-excite na akong makipag-bonding sa mga anak ko! Parang biglang nagliwanag ang puso ko at hindi na maka-focus sa trabaho sa sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko habang iniisip ang mga ito. "Tyrone...Typhus....Ang sarap sa pakiramdam kahit binabanggit ko pa lang ang mga pangalan nila, buddy. Gan'to pala ang pakiramdam maging isang Ama! Hindi ko mapangalanan ang labis-labis na tuwang nag-uumapaw sa puso ko, buddy!" Parang lulukso na nga palabas ng ribcage ko ang puso ko! Nangingiti naman ito na mababakasan ng suporta sa akin sa mga nalaman namin ngayong araw. Tumayo na rin ito at pinagtatapik pa ako sa balikat. "Masaya ako para sayo, buddy. Kita ko nga kung gaano ka kasaya, ngayon ko lang nakita ang labis na pagkinang ng mga mata mo." Nangingiti rin akong tinapik ito sa balikat. "Salamat buddy." PAGKALABAS NAMIN sa kusina ay tumuloy na ako sa opisina ko. Napalunok ako nang mabungaran dito ang girlfriend kong prenteng nakaupo sa swivel chair ko habang kuyom ang mga kamaong nakalapat sa mesa ko. Bakas ang galit sa mukha nitong napakaseryoso. Kinabahan naman ako bigla sa aura nitong ngayon ko lang nakita. Sanay akong napaka-sweet at lambing nito. Ni minsan nga ay 'di ko pa nakitang nagtaray o nagalit ito. "Babe..." Aniko at tumungo sa likuran nito bago niyakap. Humawak din ako sa dalawang kamay nitong nakakuyom pa rin. Pinaghahalikan ko rin ito sa ulo at sumiksik sa leeg nito. Pinaghahalikan ko rin ito sa pisngi at leeg na ikinatawa na nito. Nakipag-intertwined na rin ang mga daliri nito sa akin at nakangusong lumingon sa gawi ko habang nakatapat ako sa balikat nito. Ngumiti ako at humalik sa noo nito bago sa kanyang mga labi na kaagad nitong tinugon at yumapos pa sa batok ko. "Baka akala mo nakalimutan ko na ang atraso mo, huh?" Ingos nito sa pagitan ng mga labi namin habang pareho kaming naghahabol nang hininga. Paulit-ulit naman akong nag-smack-kiss sa mga labi nito na ikinapula at ngiti na nito. Mahigpit ko itong niyakap mula sa likod at pinatong ang baba sa balikat nito. Napahaplos ang hinlalaki ko sa bato ng singsing na bigay kong nakasuot na dito. "Hinanap mo?" Ngumuso naman itong tumango. "Syempre, ito ang patunay na fiancee na kita kaya dapat lang na suot-suot ko 'to." Parang batang maktol nito na ikinangiti ko. "Nakita ko 'yong pagyakap at halik mo sa kanya." Napalunok ako sa lungkot ng tono nito at humigpit rin ang pagkakahawak sa kamay ko. " 'Di ba na-kwento ko na sayo ang tungkol sa pagsagip ko noon sa buhay mo nang magkaibigan pa lang tayo?" Anito na ikinatango ko. Napahinga pa ito nang malalim bago nagpatuloy habang nakayakap pa rin ako dito. Ramdam ko pa rin ang pagtatampo nito kaya hindi ko siya tatantanan hanggang masuyo ko at nang makausap tungkol sa mga anak ko. "May utang ka sa akin noon at sabi ko sayo, balang araw na lang kitang sisingilin." "Tanda ko nga." Aniko na ikinangiti na nito. "Eto ang hihingin ko sayong pabor, babe. Sabihin na nating kabayaran mo ito sa akin sa pagkakautang mo noon." "Anything, babe." Nilingon naman ako nito at pinaghahalikan ako sa pisngi na ikinangiti ko lalo. Tumitig ito sa mga mata ko at bakas doon ang lungkot at takot na ikinabahala ko. "H'wag ka na ulit lalapit sa kanya. Siya ang dahilan kaya lagi tayong nag-aaway noon. Siya ang dahilan nang bawat pag-iyak ko noon gabi-gabi dahil nilalandi ka niya. Hindi ko alam na nagbunga ang pagtataksil mo sa akin noon, na nakipag-one-night stand ka sa kanya. At ngayon bumalik na naman siya. Tell me, Ty? May nararamdaman ka pa rin ba sa kanya? Uulitin mo na naman bang durugin at pagtaksilan ako na fiancee mo na?" Parang dinudurog ang puso ko habang lumuluha itong matiim akong tinititigan. Bawat katagang sinaad nito'y tila mga karayom na tumutusok sa puso ko. Hindi ko lubos akalaing pinagtaksilan ko siya kaya naman pala nagkaanak ako sa iba. 'Di ko tuloy mapigilang sisihin ang sarili at makaramdam nang guilt dahil kahit dayain ko ang isip at puso ko'y alam kong natutuwa akong nagkaanak kami ni Catrione, ang babaeng unang inibig ko. Pero ngayo'y iba na ang landas namin. May fiancee na akong inalukan ng kasal at umaasang tutupad ako. Wala na akong mahihiling pa kay Althea dahil complete package na ito kung tutuusin. At mahal ko. Napahinga ako nang malalim at mariing humalik sa noo nito bago pinahid ang kanyang mga luha. "I'm sorry, babe. H'wag kang mag-alala, hindi na mauulit ang nakaraan na magtataksil ako sa pagmamahalan natin." Napalabi naman itong hinaplos ako sa pisngi. "Promised?" Napangiti akong humalik sa mga labi nito at pinagbunggo-bunggo din ang mga tongki ng ilong namin. "Yeah, I promise. Mga anak lang namin ang magiging connection ko sa kanya. Please babe, try to understand my situation. Gustung-gusto ko nang magkaanak, at ngayo'y nandito na sila. Gusto ko silang makasama at mas makilala pa." Pagsusumamo ko at piping nagdarasal na pumayag ito. Napatalon-talon pa ako sa sobrang tuwa at nabuhat ito na inikot-ikot ko sa sobrang tuwa kong napangiti itong tumango-tango sa akin! Napahalakhak naman ito at mas kumapit sa batok ko. Mariin akong humalik sa noo nito at nakahinga nang maluwag na pumayag itong magpaka-ama ako sa mga anak ko. Napaka-understanding talaga niya! Wala na akong ibang mahihiling pa! "Basta, sa mga anak mo lang ako pumapayag makipaglapit ka, huh?" Ungot nito na ikinangiti at tango ko. "Opo, Lieutenant ko. Hinding-hindi ko na uulitin ang pagkakamali ko sa nakaraan. Salamat sa pagbibigay mo pa rin sa akin ng pagkakataon at hindi pag-iwan sa akin kahit pa sa bingit ng kamatayan at sa ilang buwan kong pagkakaratay sa kama ay nand'yan ka parati para sa akin." "Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita Typhoon. At hindi ko kakayaning maagaw ka sa akin ng iba." Nakangusong saad nito at bakas ang sinseridad sa mga nangungusap niyang mata na tumagos sa puso ko. "At mahal na mahal din kita, oo nga't first love ko si Catrione pero....Ikaw naman ang true love ko, ang babaeng gusto kong makasama habang nabubuhay ako. Habang tumitibok ito." Saad ko at dinala ang kanang kamay nito sa tapat ng puso ko. "Ramdam mo ba? Ang lakas nang t***k niya, dahil kaharap ko ang babaeng pinakamamahal ko. You maybe too late to play the role of being my first love Althea, but. You came at the right time to play the role of my true love. To be my leading lady in my entire life." Madamdaming saad ko na ikinaaliwas na nang magandang mukha nito. Naluluha itong niyakap ako nang napakahigpit na ginantihan ko rin. Nakahinga ako nang maluwag na nasuyo ko na rin ito sa wakas at pumayag na makipaglapit ako sa mga anak ko. "Pangako, hindi ka na ulit luluha sa piling ko babe. Hindi ko na ulit hahayaang magkasira tayong muli dahil kay Catrione." Pagpapatatag ko sa loob nito. Naramdaman ko naman ang pagtango-tango nito habang nakayakap sa akin na lalong ikinangiti ko. "I trust you babe. Basta h'wag kang maniniwala sa kanya, huh? Baka mamaya gamitin niyang dahilan ang pagkabura nang ilang ala-ala mo para kunin ka na niya sa akin nang tuluyan lalo na't may mga anak na kayong magagamit niya." Ungot pa nito sa malungkot na tono. Kumalas ako dito at nagtaas nang kanang kamay na nanunumpa sa harap nito. "Opo, Lieutenant ko. Sayo lang ako maniniwala. Pangako." Lalo namang lumapad ang pagkakangiti nito at yumapos sa baywang ko. Muli din ako nitong pinaghahalikan sa buong mukha habang nakatingkayad sa akin. HALOS PALIPARIN KO na ang motor ko papunta sa subdivision village ng mga Montereal. Napakabilis nang t***k ng puso ko sa sobrang excitement na makitang muli ang kambal ko. Mabuti na lang pumayag si Althea na sumilip ako sa mga kambal ko ngayon kaya heto ako at sobrang tuwang muli silang makita! Kaagad din naman akong pinagbuksan ng mga guard dahil unipormado pa rin ako at nakikilala nila akong konektado sa pamilya ng mga Montereal. Sumaludo pa ang mga ito sa akin na ginantihan ko rin dahil hindi ko naman ugaling mangmaliit o snob sa mga taong nagbibigay galang at tingala sa posisyon ko. Pinaharurot ko na ang motor ko at tinungo ang mansion nila Tita Liezel. Nasa tapat pa lang ako ng napakataas nilang gate ay nasilip ko na dito sa labas na may pa-welcome-party sila sa mag-iina. Nakikisaya din sa kanila ang mga guardia, bodyguards, drivers at mga katulong nila. Napaka-down-to-earth talaga nilang pamilya kahit pa sila ang tinaguriang pinakamayamang pamilya ng buong bansa! Kaagad din akong pinagbuksan ng mga guard na nakabantay dito sa gate at nakangiti pa ang mga itong bumati at sumaludo sa akin na ginantihan ko rin. Kabado ako at pinatulin ang takbo habang papalapit sa garahe ng mga ito. May mga ini-arrange pa silang mga mesa dito sa harapan ng mansion at mga baloons na decoration sa paligid. Marami ring nakahaing pagkain at inumin sa bawat mesa habang nagkakasiyahan na ang iba sa mga palarong kasalukuyang pinagkaka-busy-han na nila. Natigilan pa ang mga ito nang bumaba ako at magtanggal ng helmet. Nanlaki naman ang mga mata ng magkakapatid pagkakita sa akin. Kimi akong ngumiti at lumapit na sa mga itong natutulala sa prehens'ya ko. Nailang tuloy ako dahil hindi naman ako imbitado pero dahil sa kasabikan ko sa mga anak ko'y 'di na ako nakapaghintay pang alukin ako ng mga ito. Unang nakabawi sina Tita Liezel at Tito Cedric na nakangiting sinalubong ako. Bumeso pa ang mga ito at inakay ako palapit sa magkakapatid. Napakurap-kurap pa si Cathleen sa akin na ikinangiti ko at ginulo ang buhok nito. Para namang lumukso sa tuwa ang puso ko nang madako ang paningin sa katabi nitong kamukhang-kamukha rin. Si Catrione, na ngayo'y naluluha pero nakangiting nakatitig sa akin. Tinapik naman ako sa balikat nila Khiranz, Khiro at Collins nang makabawi ang mga ito. "Daddy!!" "Daddy!!" Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko pagkarinig sa boses ng kambal kong ngayo'y tumatakbo na palapit sa akin. Kaagad akong lumuhod at ibinuka ang mga braso sa mga ito na agad ring nagpakulong sa bisig ko! Napapikit ako at napangiti na sa wakas nayakap ko na ang mga ito. Napasinghap pa ang lahat sa amin lalo na nang tiningala ako ng kambal ko at pinupog ako nang halik sa buong mukha! Pati adams apple ko'y hindi nakawala sa mga ito na ikinahalakhak ko. Humaplos din ang maliliit pa nilang palad sa magkabilaang pisngi ko na lalo kong ikinangiti sa kanila bago pinaghahalikan din sila sa buong mukha. Napahagikhik naman ang mga itong muling nagpayakap sa akin. Binuhat ko na ang mga ito sa magkabilaang braso nang akayin na kami ni Catrione sa bakanteng table na nandito sa harap. Nahihiya man ay nagpatianod na ako dahil taimtim namang nakamasid sa amin ang buong pamilya nito. Marami pa akong katanungan sa mga ito katulad nang paglilihim nila sa aking nagkaanak ako kay Catrione. Dahil maging si Catrione ay walang alam na nabuhay ako at 'di maalala ang nakaraan namin. Marahil nakokonsensiya lang ang mga ito sa muntikang pagkasira ni Catrione sa pagsasama namin dati ni Althea na pamangkin din nila Tita Liezel at Tito Cedric. Pero kahit gano'n may karapatan pa rin naman siguro kami ni Catrione malaman ang lahat, lalo na para sa mga anak naming nangungulila sa kalinga ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD