Catrione: 'DI MAPALIS-PALIS ANG matamis kong ngiti sa mga labi kahit kanina pa tapos ang party at nagsiuwian na rin ang mga bisita. Sobrang saya ng puso kong malamang hindi pala itinuloy ni Typhoon ang pagpapakasal nila ni Althea at higit sa lahat ay.,.... naaalala na niya ako. Ang pinagsamahan namin. Ang lahat sa amin. At laking pasalamat kong hindi ito nagalit o nasuklam sa akin kundi humingi siya ng tawad dahil sa hindi niya paguunawa noon sa sitwasyon ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang mga pinagdaanan ko noong inakala kong wala na siya pero nagpapasalamat ako dahil sa pagkakaalam niya ng lahat, ngayon ay siya na mismo ang nagbabalik....sa piling ko. "Are you okay sis?" Napalingon ako sa biglaang pagsulpot ng kakambal ko. Nangingiti na lamang akong napailing dito. Pin

