Typhoon: NAPAINAT-INAT ako ng magising na ang diwa ko. Namimigat pa ang mga mata ko at kumikirot ang ulo dala ng matinding hangover. Ni hindi ko na matandaan kung anong oras natapos ang inuman naming mga lalake kasama ang mga kapatid ni Catrione. Napamulat ako ng may makapa akong katabi ko at sa nanlalabo kong paningin ay bumungad ang pigura ng isang babae sa aking tabi habang nakasuksok ito sa dibdib ko. Napakusot-kusot ako ng mga mata at kusang sumilay ang matamis kong ngiti ng makilalang nasa silid ako ni Catrione na ngayo'y.....nakayakap sa akin. Dahan-dahan ko itong iniangat at pinaunan sa braso ko paharap sa akin. 'Di ko mapigilang haplusin ang maamo niyang mukha na ngayo'y nahihimbing. tulog naman siya, isa lang mommy. Piping usal ko at masuyong pinaghahalikan ito sa buong mu

