CHAPTER 2

1306 Words
GINA'S P.O.V Early Monday morning pinatawag ako ng manager. “Ano kaya ang kailangan niya?” Kumatok ako at binuksan ang pinto. Kaagad ko naman binati si Mr Herminez at tumugon naman ito sa akin. "Dederetsahin na kita gusto ko bumuo ka ng isang team iyong mgagaling. Meron kayong limang araw na seminar sa DCL Hotel at bukas na bukas kayo mag-uumpisa. Makakaharap niyo si Mr. Morales. Siya mismo ang magseseminar sa inyo. Ikaw ang inaasahan ko sa team na bubuuin mo dahil ikaw ang mavocal sa lahat," mahaba niyang paliwanag. "Para saan po ba itong semina na gagawin namin?" tanong ko. "Para ito sa promotion na darating at isa si Mr. Zoey Morales sa mga top investors ng ating kompanya. "Ok noted sir," sagot ko. Magkakaroon yata pagbabago ang kompanya bali-balita na kasi na may bagong nagmamay-ari ng kompanyang ito. Pagkalabas ko ng opisina ay tinawag ko kaagad si Cristine. “Tin, kailangan ko ng limang girls na makakasama at iyong mga magagaling na kasama natin,” nakangiti kong sabi. "Bakit? At para saan naman? Ano gagawin natin?" gulat niyang tanong. "Magladlad daw tayo doon sa DCL Hotel," pagbibiro ko. "Ha! Anong ladlad ang sinasabi mo?" tanong niya na nakataas ang kilay. Ang aga-aga mo na naman may sapi. Ikaw lang talaga ang HR na puro kalokohan ang naiisip," napapailing niyang tugon. "Atleast masayang kasama," sagot ko. Meron daw tayong limang araw na seminar para sa darating na promotion. Kaya tulungan mo ako pumili ng apat na makakasama mo. "Okay! right away ma'am,” sagot naman nito. "Kaagad kami umikot ni Cristine at napili namin sina, Claire, Kat, Berna at Pamela. Sila yung magagaling sa debate at magaganda pa. "Guys prepare yourself for tomorrow we need to be there at 9am ladlaran na ito," pagbibiro kong muli at tumawa naman sila sa sinabi ko. Kilala na nila ako kaya sanay na sila sa'kin. The next morning we arrive there at exact time. Habang naghihintay sa lobby ng hotel nakikipagbiruan pa ako sa mga kasama ko at aliw na aliw naman sila. May dumating na isang babaeng puno ng kolorete ang mukha. Akala mo naman model ng boysen sa kapal ng make-up nito. Parang bahaghari ang mukha sa dami ng kulay na nilagay. Narinig naman ng lima kong kasamahan ang sinabi ko at nagtawanan sila. Tumaas naman ang kilay ng babaeng makapal ang make-up sa mukha. “Payaso ba ito?” Palingon-lingon pa ako baka nagkamali kami ng pasok. "Sino ang HR sa inyong grupo?" mataray niyang tanong nang makalapit sa amin. Aba kay aga-aga ito kaagad ang ibubungad sa amin. "Ako. Ako ang Incharge sa kanila," mataray kong sagot. Bakit siya lang ba ang marunong magtaray. Nakatulala naman ang mga kasama ko. "Ako ang sekretarya ni Mr. Morales. Meron lang ako paalala sa inyo. Ayaw kong magpapakita kayo ng motibo kay Mr. Morales sa loob ng conference room dahil siya mismo ang maglelecture sa inyo," naka-irap niyang turan. "Aba! tumaas yata ang presyon ng dugo ko sa sinabi niya. Ano akala niya sa amin p*k p*k at ladlad ang pinunta namin. Kaya tuloy nagkatotoo ang mga biro ko. Ano kaya kung isubsob ko sa tae ng kalabaw ang koloreteng mukha nito?" para malaman niya kung sino ang matapang sa amin. "Well I excuse me Miss B-Boysen. Oh! what's your name please?" tudyong tanong ko. “I'm Sheryl Bilasa," sagot niya. “Ay! ang bantot naman," pabulong kong sabi. Narinig ko nagsipag-ubuhan ang mga kasama ko. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng lima kong kasama. "We are here because of work and besides this place is not a night club. Right? So don't worry about that. We were not seduce your boss," I replied glaring at her. "Yeah I know. I'm just reminding you all dahil walang Eva ang hindi nagkakagusto sa boss ko. Kahit sa unang kita palang ng sinuman ay mahuhumaling sa kanya. "Wow! Isang greek God ba ang iyong boss? So means may gusto ka rin sa boss mo? Hindi ba’t isa ka ring Eva? pang-aasar kong tanong sa kanya. "None of your business Miss. May I know your name?" irita niyang tanong. "I'm Gina Capinpin," I replied. "Sumunod kayo sa akin," nakangiwi niyang sabi habang nakataas ang kilay. Nasa loob kami ng conference room at naghihintay sa iba pa na dadating. “Ma'am totoo kaya ang sinabi ni Ms. Bilasa sa atin?” tanong ni Cristine “Baka nga sobrang guwapo niya?” sabat ni Berna. Oo nga ma'am," dugtong naman ng tatlo. “Ma'am natawa ako do’n sa apelydo ng sekretarya niya kasing bantot nang pag-uugali niya ano?” wika naman ni Cristine. “Nagtawan kaming lahat at mukhang masaya itong seminar namin ah!” Nachachalenge tuloy ako sa sekretarya na iyon. “Kung guwapo ang boss niya paniguradong babaero iyon!" Let's see how is he,” sabi naman ni Claire “Girl's stop gossip about him baka may makarinig sa'tin," awat ko sa limang nag-uusap. Halos mapuno na ang conference room at madami-dami din pala ang makakasama namin sa seminar na ito. Nakapuwesto na ang lima sa kanilang mga mesa at ako naman ay nasa sulok malapit sa kinauupuan ni Mr. Morales katabi ang sekretarya niya. “Nanlaki ang mga mata ko pagbukas nang pinto ng makita kung sino ang taong pumasok. Pakiramdam ko nanigas ang buo kong katawan sa kinauupuan. “Siya ang-?” nakaawang lang ang bibig ko at 'di maituloy ang sasabihin. Dali-dali naman sumalubong ang sekretarya niya. “Good morning everyone.” Bati nito na papalapit sa kinaroroonan ko. Nagsitayuan naman ang lahat at binati ito pabalik. Hindi ko alam kung nakatayo ba ako o nanatiling nakaupo dahil sa pagkatulala. Bakit pinagtagpo na naman ang landas naming dalawa?" tanong ko sa sarili. Hindi ko akalain na mayaman pala ito. Ibang iba ang porma niya ng huli naming pagkikita sa Mall. Gusto ko magtago dahil sa hiya na nararamdaman. “Oh my gulay ano ang gagawin ko?” Patay na ako nito baka ipapahiya ako nito sa mga kasama. Sana hindi niya ako makilala. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko noon. Laking pasalamat ko at hindi man lang ito sumulyap sa akin. “Ms. Bilasa, make a coffee for me,” utos niya sa sekretarya. Kaagad naman tumalima ang kanyang sekretarya at parang nataranta pa. Seryosong nakikinig ang lahat habang nagsasalita si Mr. Morales. Zoey Morales pala ang pangalan ng mokong ito. No wonder kung makaasta sa Mall eh' parang pagmamay-ari niya. Hndi na ako magtaka ganyan talaga ang mga mayayaman mapagmataas. Pero hindi pa rin nagbago ang pagtingin ko sa kanya. Kahit guwapo pa siya at nakakaangat ang antas ng buhay ay hindi pa rin nababawasan ang pagkainis ko sa kanya. Dahil sa inis ko na naman ang nagingibabaw, napahawak ako ng mahigpit sa ballpen at napadiin ko sa mesa. It was, as if the day curse every time we meet. Sa sobrang pagdiin ko sa ballpen nasira ko ito at tumalsik ang spring at ulo ng ballpen. Nakita kong tumalsik ito at na shoot sa tasa ng kape ni Mr. Morales. “Three points," bulong ko sa sarili. Ngunit napasinghap ako. Patay kang Gina ka! Ano na namn ito?" kinakabahan kong tanong sa sarili. Hindi niya ito napansin ngunit nang tingnan ko ang kape niya ay nag-iba na ito ng kulay. Ang dating kulay brown naging kulay itim na. Dahil sa transparent ang ginamit na tasa kaya kitang-kita ang pagbabago nang kulay. Lumingon ito sa amin ng sekretarya niya na madilim ang mukha. Bigla kong itinago ang ballpen na nasira dahil wala naman nakapansin nito. “Ms. Bilasa, what coffee you made for me? galit niyang tanong. Why suddenly change the colour and turned into black?” Sa pagkakataong ito ay napansin niya ako at napatitig siya sa akin na para bang nakakita ng multo. “Y-you?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD