CHAPTER 3

1287 Words
GINA'S P.O.V “Y-you? What is your name?" galit niyang tanong. “Gina Capinpin,” mahina kong sagot. “Make a coffee for me and make sure magugustuhan ko. If not you are fired," mariin niyang utos. Lakas ng loob nitong makautos sa akin. Hindi naman ako ang sekretarya niya," bulong ko sa sarili. At ano raw kapag hindi niya magugustuhan ang kape na gagawin ko. Tatanggalin niya ako sa trabaho? “Aba! talaga ang yabang niya. Porket ba mayaman siya ganoon na lang siya umasta sa katulad kong mahirap. Lalong sumidhi ang inis ko sa kanya. Nagtungo ako sa pantry ng conference room na ito para ipagtimpla ng lason ay este kape pala. Napansin ko na nanlilisik ang mga mata ng kanyang sekretarya. I'm sure nagseselos ito sa akin dahil ako ang inutusang magtimpla ng kape. “Inilapag ko ang kape sa kanyang harapan. Your honor here's your coffee!" paiba kong tawag sa kanya. Tumitig ito sa tasa ng kape. Nagtataka naman ako sa kanyang reaksyon na para bang may inuusisa siya sa ginawa kong kape. “Taste it!” utos niya. “Huh!” gulat kong sambit. “Bingi ka ba? tikman mo," muli niyang utos. “Wala po'ng lason iyan," inis kong sagot. “Wala akong sinabi kong may lason ba iyan. Gusto ko lang tikman mo, dahil kapag hindi ko nagustuhan iyan totohanin ko ang sinabi ko sayo," seryoso niyang tugon. “Gusto kong umusok sa galit. Ako ba talaga pinagtitripan ng damuhong ito. At ano ba gusto nitong palabasin? ipapahiya ako sa harapan ng lahat na nandito?" Nilingon ko ang lima kong kasama at nagpapahiwatig naman sila na sundin ko na lang ang utos ng damuho. Kaagad ko naman tinikman ang kape. Hmm... lasang kape po," malakas kong sabi. Infairness masarap pala ako magtimpla ng kape," puri ko naman sa sarili. Napansin kong nagbulong-bulungan ang lahat na nandito sa conference room. Nakaramdam naman ako ng hiya dahil masangkot na naman sa issue ang pangalan ko. “Wow ha! parang showbiz ang dating," bulong ng aking isipan. “Okay! Good, go back to your sit," sabi niya at hindi na muli ako tinapunan nang tingin. Napaisip naman ako sa habang pabalik sa aking upuan. Iinumin niya ang kape na ginawa ko eh’ lumapat ang labi ko sa tasang iyan. Para na rin kaming naghalikan sa iisang tasa. Ano naman ang trip ng mokong ito? Hindi man lang ito nandiri. Nakaraan sa mall kung makalait sa akin akala mo malinis. Narinig kong napasinghap ang kanyang sekretarya at laking gulat kong makita na ang damuho ay sarap na sarap sa iniinom na kape. “What the f**k?” mahina kong sambit. “Hmm...... Well not bad,” he said. Tumango-tango pa ito matapos niyang lumagok ng kape. Ako naman nakahinga ng maluwag. Dahil mahal ko ang trabahong ito. Nilingon ko ang kanyang mabantot na sekretarya na halos magtransform na ang mukha sa galit at gusto ng lumapa ng tao. “Now let's proceed to our topic," he said at patuloy ito sa pagsasalita. Matapos ang buong araw ng aming seminar ay hindi maiwasan ang tuksuhin ako ng mga kasama. “Ma'am unang araw pa lang natin sa seminar patindi na ang laban," ani Pamela. “Anong laban iyan Pam," tanong ko na nakakunot ang noo. “Kasi po mukhang galit sayo si Bilasa baka natakot siya na papalitan mo sa kanyang pwesto,” sagot ni Pam. “Maiba naman ako ma’am ang taray ha! ininom ni Mr. Morales ang kape na tinimpla mo,” sabat naman ni Berna. “Akala ko talaga mawawalan ka na ng trabaho. Ngunit ang guwapo nga niya ma’am kaya lang medyo strikto at nakakatakot magsalita," napapailing na sabi ni Kat. “Naku! nilawayan ko iyong kape niya para tumahimik siya kapag makalunok ng laway ko,” pagbibiro kong sabi. “Eww! Kadiri naman sigaw nilang lima. Totoo ba iyon ma’am?" sabay nilang tanong. “Tinawanan ko na lang silang lahat. Saan tayo ngayon?” tanong ko sa kanila para maiba ang usapan dahil maaga pa naman umuwi. “Ice cream tayo ma’am para pampalamig ng bungo,” nakangiting sagot ni Claire. Natatawa naman ako dito sa mga kasama ko dahil game na game naman sila sa company ko. Palabas na kami ng hotel nang humabol sa amin ang sekretarya ni damuho. “Wait! A-ah! Mr. Morales request you to make a coffee for him tomorrow morning,” sabi niya at inirapan pa ako. “Huh! pagtataka kong sambit. Hindi ba trabaho mo iyon? Bakit ako na ba ang sekretarya niya?” mataray kong tanong. "Ikaw ang gusto niyang gumawa kaya sundin mo na lang. And let me remind you Ms. Capinpin, he just want a coffee not you!" gigil niyang tugon. “Eh! 'di sana ako na lang ang sekretarya niya para hindi ka na niya kailangang utusan para sabihin sa’kin," gigil ko ring sabi. “Be careful with your step Ms. Capinpin. At huwag na huwag mo akong babanggain because you don’t know me at all," pagbabanta niya. “Are you threatening me? galit kong tanong. At kelan pa kita binangga Ms. Bilasa? Hindi pa nga kita nasagi o nahawakan man lang bangga pa kaya?” pilya kong tanong. Narinig kong humagikhik ang mga kasama ko. Alam nila na hahaluan ko ng kalokohan ang usapang namin. Tiningnan niya ng masama ang mga kasama ko at tumalikod na lang silang lahat. “Ano bang problema mo ha?” mataray kong tanong. “Pinapaalalahanan lang kita Ms. Capinpin. Hindi kita binabantaan sinasabi ko lang ang totoo at makakaalis na kayo.” pataboy nitong turan. "Tsk.. tara na girls nonsense issue," sabi ko sabay irap sa kanya. Nakita ko ang reaksiyon niya at kung nakakamatay lang ang tingin ay tsugi na kaming anim. Habang kumakain kami ng icream ang ingay naming anim dahil sa nangyari kanina. "Ang lupit friend talagang palaban ka sa mabantot na sekretarya ni Mr. Morales ha!" ani Cristine. "Naku! Nagseselos lang iyon. Halata naman na malaki ang pagkagusto niya sa damuho niyang amo. Hindi ito ang unang pagkakataon ng pagkikita namin," sabi ko. “Ha! Anong ibig mong sabihin ma'am?” tanong ni Kat. Nagkita na kami sa mall nakaraang linggo at sa una naming pagkikita ay nagkaroon kami ng konting hindi pagkakaunawaan," sagot ko. Sinabi ko sa kanila ang lahat na nangyari ng araw na iyon. Nagtawanan naman silang lahat. Hindi ko akalain na ang lalaking kinaiinisan ko ay makikita kong muli at naging parte pa ng trabaho ko. “Mukhang nagugustuhan niya ang kape mo ma'am. Nagpa-especial request pa talaga," sabat naman ni Berna. "Nakakainis nga eh’ mauubos ang laway ko nito kapag palaging magrerequest ng kape," pagbibiro kong muli. "Baka nasarapan sa laway mo ma'am," udyok naman ni Claire at nakikisakay naman sa mga biro ko. "Bilasa na siguro ang lasa ng kape niya ma'am kaya hindi nagustuhan ng amo niya," sabat naman ni Pam at nagtawan na lang kaming lahat. Naghiwa-hiwalay na kaming anim pagkatapos naming kumain ng ice cream. Dumeretso naman ako pauwi para makapagluto dahil ako palagi ang nauunang umuwi sa amin ni Ate Grace. Nagulat ako nang makita ang nakaparadang motor sa harap ng bahay. Anong masamang hangin ang nagpadpad sa lalaking ito? Ano nga ba?” tanong ko sa sarili. Wala naman masamang hangin kundi masamang amoy ng hangin. Ewan! naloloka na itong isip ko at hindi na makapag-isip nang matino. Ang pagkaalala ko ay nagtampo ako sa kanya. Pagkatapos ng anniversary namin ay hindi man lang ito nagparamdam. Tapos ngayon lakas loob siyang magpapakita na parang walang nangyari. Paano kaya kong isilid ko ito sa sako at alugin para matauhan?” bulong ng isip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD