Chapter 4

1290 Words
GINA'S P.O.V Katulad ng mga nagdaang araw ay maaga kaming pumapasok sa trabaho. Ito ang huling araw ng aming seminar. Nagpapasalamat din ako at sa mga nagdaang araw ay walang nangyaring kababalaghan. Bumukas ang pinto ng conference room at niluwa nito ang babaeng kolorete ang mukha. Nakanguso itong nakatingin sa amin. Hm... Kulang na lang malaglag ang nguso nito sa kapal ng lipstick. Dinaig pa ang mga babaeng nagtatrabaho sa kabaret. Bakit kaya dito nagtrabaho iyan?" "Mas bagay siya sa nightclub para naman may silbi ang mga binibili niyang beauty products. "Hoy!" untag sa akin ni Cristine. Nakatulala ka na naman diyan. Ako'y natatakot sayo kapag nananahimik ka," deretsahan niyang turan habang nakatitig sa akin. "Naku! Ma'am masyado pa po'ng maaga para gumawa ng kalokohan," sabat ng apat na halos iisa lang ang kanilang naiisip. Nagtawanan pa silang apat dahil makasabay nilang nabigkas. Siya naman napalingon si Bilasa sa aming kinaroroonan. "Ewan ko ba hindi ko naman ugaling manlait ng tao sadya lang na hindi kami magkasundo. Kung makatingin sa amin E'h nakakamatay. Bagay na hindi ko nagustuhan. "Guys nagdasal ba kayo kanina bago pumasok ngayon?" tanong ko sa mga kasama. Pusang gala!" anas ko. Mapapalaban tayo sa gyera nito. "Naku! Naku! Naman sambit nilang lahat. Natataranta silang lima sa sinabi ko. Binalingan ako ni Cristine at hinawakan sa braso. "Ma'am kalma lang ang puso natin huwag biyakin. Baka ika'y hindi abutin sa araw ng mga pusong nabibitin. Huwag mo ng dibdibin ang kasintahang si Jayden baka ika'y dalhin sa isang gabing madilim na puno ng lagim.. Humagalpak naman sa tawa ang apat sa tula ni Cristene. "Ahrggg..." Kayo talaga! Nawala tuloy ako sa emosyon ko. Napasapo ako ng noo dahil sa kalokohan ng mga kasama ko. "Ma'am pinapatawa ka lang namin baka kasi ma piring squad tayo ni Mr. Morales e'h," ani Cristine. Sinang-ayunan naman ng apat ang sinabi niya. "Hm..." Firing squad ba kamo? Naku kung si Rizal pinatalikod gusto ko magkasama kaming ng babaeng iyan," sabi ko at inginuso ang babaeng nasa sulok nitong hall. Kapag nangyari iyon tutuwad ako at ipaasinta ang puwet ko dahil makapal na ang kalyo nito sa kakaupo sa trabaho," dugtong ko pa. Tingnan niyo ang makakasama ko sa firing squad na magaganap hindi pa binabaril wasak na ang mukha. Napatingin naman silang lima kay Bilasa na abala sa pagliligpit ng mga dokumento. Sakto naman siyang napalingon sa amin. "What? Pinagchichismisan niyo ba ako ha?" mataray niyang tanong. "Masama bang tingnan ka? Ang ganda mo nga eh! Pwedeng-pwede ka magmodel sa kompanyang boysen," pang-aasar kong tugon. Napuno naman nang buyo ng mga kaibigan ko ang buong hall bagay na ikinagalit ni Ms. Bilasa. "Ano? Anong sabi mo ulitin mo nga?" tanong niya na akmang papalapit sa amin. "Naku po!" sigaw ng mga kasama ko. "Tumawag kayo ng punerarya," utos ni Cristine sa apat na hindi alam kung ano ang sinasabi. "Patay! Patay! Sigaw nilang apat na nag-uusok sa galit si Ms. Bilasa na papalalit sa kinaroroonan namin. "What the hell is happening here? Sinong patay at bakit may patay dito?" bungad na tanong ni Mr. Morales pagkabukas niya ng pinto. "Ikaw! Ikaw! Ang pataaay este ikaw nga ang patay," nalilito kong tugon at pakamot-kamot pa sa ulo, dahil sa gulat ko ay nagkadabulol-bulol ako sa pagsasalita. Sorry I mean Good morning. "He smirked at me. At hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. Humalukipkip itong humarap sa amin pagkatapos niyang mailapag ang kaniyang gamit sa mesa. Biglang tumayo si Cristine at hinarap siya. Binati niya muna ito bago nagpaliwanag. Napapangiti pa ako sa galing nito magpalusot. Nakaismid naman si Ms. Bilasa na nakikinig. Sa labas ng Hotel kami nananghaliang anim. Sa isang maliit na karinderya ang madalas naming tambayan kapag tanghali. Pinasalamatan ko si Cristine sa kanyang pagligtas sa akin kay damuho. ZOEY'S P.O.V Please prepare their documents and ask them to report in my office by monday," mariin kong utos kay Mr. Hermenez. Tinawagan ko ito para sa transfer ng anim doon sa ZM MOTORS. Nagustuhan ko ang kanilang performance at simula sa lunes ay doon na sila magtatrabaho. Tanging ang manager lamang ang nakakaalam na ako na ang nagmamay-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan nila. Matapos ang pakikipag-usap ko kay Mr. Herminez ay nakita ko ang anim na papasok ng hotel. Naghaharutan pa ang mga ito. Hmm.... Mukhang may mapaglalaruan na naman ako nito," bulong ko ng aking isipan. Napapangiti akong nakatanaw sa kanila lalong-lalo na kay Ms. Capinpin. Isa siya mga magiging koleksiyon ko. Naisipan kong bumalik sa conference room at doon na lang magpalipas ng oras. GINA'S P.O.V Sa wakas natapos din ang limang araw naming seminar. Maaga kaming makakauwi ngayon at pupunta ako salon ni Dyesebel. Make-over naman ng kaunti at magrelax dahil weekend na. Nakatingin ako kay damuho habang nagsasalita ito para magpasalamat at pagpapaalam sa lahat na nandito. "I would like to thank everyone who attend this seminar. I enjoy your unity and hope that all of you will be the same for our success. Ang lahat ay maaari ng umuwi. Happy weekend sa inyong lahat," saad niya at umupo siyang muli. Nagpalakpakan naman ang lahat na nandito. Nagligpit na kaming anim at sa wakas ay makakabalik na rin kami sa normal naming trabaho. Iyong malayo sa kababalaghan ahm... Kababalaghan talaga. Napangiti na naman ako sa mga kalokohan namin. "Ano? Nakatulala ka na naman diyan, tara na! Gusto mo yata magpaiwan dito ah!" untag ni Cristine sa akin. Kaagad naman ako kumilos para sumunod sa kanila. "Wait!" Napalingon kaming anim. "Ano naman kaya ang kailangan ng damuhong ito? Nagkatitigan kaming anim kung sino ba ang tinutukoy niya. "Ms. Capinpin, you will stay with me until 7pm. I need your help me! Mag-oovertime ako at ikaw ang gusto kong kasama," seryoso niyang turan at nakahalukipkip pa itong nasandal sa pader. "Anak ka ng tokwa! Pagminamalas ka naman talaga oh! Why me?" naiinis kong tanong. Nandiyan naman ang sekretarya mo ah!" "Because I need your coffee. May reklamo ka ba?" nakataas kilay niyang tanong. "Ah e'h wala ho!" matamlay kong sagot. Nagpaalam na lang sa akin ang mga kasama ko. Punyemas talaga itong damaho sa dinami-dami namin ako pa ang napili. Pagpasok namin sa opisina niya ay kaagad itong nagbihis naiwan ako sa isang mesa katabi ng mesa niya. Nagpatulong ito na ayusin ang pagsalansan ng mga petsa ng dokumento. Naipagtimpla ko na rin siya ng kape at pinatong sa kanyang mesa. Napatigin naman ako ng pumasok siya. Nakasuot siya ng puting t-shirt at maong na short. Hm..." Well not bad gwapo din pala itong damuho. Napapailing na lang ako at itinuon ang paningin sa mga papeles. Biglang tumunog ang phone niya at hindi ko na lang pinansin. Patuloy lang ako sa ginagawa ko habang nakikinig sa usapan nila. Halatang babae ang kausap niya at ang landi ng boses niya ha!. Umuungol pa ito sa kausap niya at para bang nanadya. Ang landi-landi nitong damuho. Sana may butiking malandi dito sa opisina niya at kapitan ang malandi niyang b*y*g. Nagulat naman ako at bigla siyang nanigas sa kinatatayuan. Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. Tinuturo niya ang kanyang harapan at halos hindi makapagsalita. Ako naman ay nababastusan sa kanyang inasal. "Ang landi mo talaga! Ano tumayo ba ang manoy mo?" nakakaloko kong tanong. "Umiling lamang siya at hindi pa rin ito gumagalaw. Ako naman ay nawiwirduhan sa kanya. Napapakagat labi pa ito. Ako namay gusto na siyang hampasin ka kalaswaan na pinapakita. "D-Dukutin mo! Ang butik-" Please... "Hala! Ano raw ang dukutin ko? G*g* talaga to pinapadukot sa akin ang eww! Yak kadiri ka naman! Tumayo ako at bitbit ang ilang pahina na dokumento at nilapitan siya. Sa inis ko ay pinaghahampas ko siya ng papel. Ang bastos mo porket tayo lang dalawa sa opisina mo. "Stop! Stop! Stop!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD