GINA'S P.O.V
Patuloy si Gina sa paghampas nang papel sa kay Zoey, dahil sa gigil ay nakalimutan na nito na amo na pala ang kanyang sinasaktan. Ngunit naiwan sa ere ang kanyang mga kamay nang sumigaw si Zoey ng malakas.
"Stop..." Malakas niyang sigaw at hinablot ang mga papel na pinaghahampas ko sa kanya. Napatigil naman ako sa kanyang ginawa. Matalim niya akong tiningnan na para bang ako pa ang may kasalanan.
"Luh! Anong problema nang damuhong ito? Siya pa may ganang magalit sa akin, samantalang siya nga itong bastos.
"Ano ba ang problema mo ha?" nakapamaywang kong tanong.
"Ikaw anong problema mo?" balik niyang tanong sa akin. Baka nakalimutan mo, ako ang amo mo tapos sasaktan mo ng ganito.
"Ang bastos mo naman kasi sa dinami-daming pwedeng iutos sa akin ay iyong ipadukot mo sa akin ang iyong ew!" nakangiwi kong tugon.
"Ito ba? Ito ba?" sigaw niya habang dinudukot sa bulsa ang isang maliit na spray at itinapat sa mukha ko.
Natulala naman ako sa aking nakita. Isang maliit na spray at hindi ko maunawaan ang ibig niyang sabihin. Ano naman ang kinalaman nang bagay na iyan.
"A-Ano naman 'yan?" tanong ko sa kanya na hindi alam kung anong gagawin sa spray na pinakita niya.
'Di ano pa eh' spray mo diyan sa butiki na nasa pader. Takot ako sa mga iyan kaya bilisan mo na at baka makatago pa yan kung saan-saan," utos niya.
Napalingon naman ako sa tinuturo niya. Meron ngang butiki sa pader. Para akong sinabuyan nang malamig na tubig sa hiya nang maalala ang maling akala na naiisip ko.
Nahimasmasan na lang siya nang maitapon ko sa labas ang butiki. Ako naman ay hindi magawang tingnan siya. Umiiral na naman ang pagkaboba ko.
"S-Sorry!" nahihiya kong sabi.
"Tsk... Kahit kelan tan-g-a ka talaga!" maktol niyang sabi palabas ng opisina.
"Saan ka pupunta?" bigla kong tanong sa kanya. Kaagad naman niya akong nilingon.
"Sa langit! Bakit sasama ka?" mataray niyang sagot. Finish your work at ihahatid na kita," sabi niya at isinara ang pinto.
Ang damuho na ito kala mo may buwanang dalaw ang sungit. Binilisan ko na lang ang mga binilin niyang gawain para mkauwi na ako. Makalipas ang kalahating oras ay hinatid nga niya ako pauwi ngunit hanggang kanto lang. Hindi na kasi makapasok ang sasakyan sa looban. Mabuti at hindi na siya nagtaray muli sa loob ng sasakyan.
Dumating muli ang araw ng lunes at tapos na naman ang weekend. Mabuti na lang at hindi na kami magkakasama ng damuho na iyon para naman makapagtrabaho ako nang maayos. Naabutan ko ang limang nag-uusap.
"Hi girls! Anong meron at seryoso kayo sa pinag-uusapan niyo?" pagtataka kong tanong.
"Ma'am pinapatawag tayong anim ni Mr. Hermenez," ani Cristine.
"Hala! Ma'am baka ma-firing squad tayo nito," sabat naman ni Pam.
"Relax lang girls masyado kayong over thinking, tara na nga at ating alamin.
Kaagad naming tinungo ang opisina ni Mr. Hermenez. Aliw na aliw akong binibiro ang lima na kinakabahan. Tahimik kaming nakaupo sa harap ni Mr. Hermenez. Seryoso itong nakatingin sa amin.
"Handa na ba kayong anim sa pagbabagong mangyayari?" tanong nito.
"Sir naman sabihin mo na huwag mo nang patagalin dahil naiihi na itong lima sa kaba," pagbibiro kong sagot. Agad naman akong kinurot ni Cristine sa tagiliran. Lalo tuloy akong natawa sa ginawa niya.
"Kayong anim ay lilipat na sa ZM MOTORS CORPORATION at doon na kayo magtatrabaho simula ngayon," saad nito sa amin.
Bigla akong natigilan sa sinabi niya at paulit-ulit kong binabanggit ang kompanyang sinabi niya. Kanina lamang ay pangiti-ngiti ako ngunit biglang umasim ang mukha ko. What the f*ck," pabulong kong sambit.
"Oh ayan tanggal tuloy ang ngiti mo!" tudyo naman ni Cristine.
"But Why?" baling tanong ko kay Mr. Hermenez.
"That's an order from the head at wala na tayong magagawa.
Lumabas kami ng opisina na bali ang mga pakpak. Ngayon hindi namin alam kung may kalayaan pa ba kami sa bagong trabaho na kakaharapin.
Nang marating namin ang ZM MOTORS ay kagad sumalubong sa amin ang model ng boysen. Magtutuos talaga kami ng damuho niyang amo este magiging amo ko na rin pala.
"Ms. Capinpin, Mr. Morales order a two cup of coffee," kaagad nitong utos. Kakarating lang namin coffee na agad ang pinapagawa. Sinunod ko na lang ang sinabi niya. Naiwan muna ang lima sa lobby at itinuro naman ni Bilasa ang pantry para gumawa ng coffee.
Dala-dala ko na ang tray na naglalaman nang dalawang tasa ng kape. Kaagad naman kinuha ni Bilasa sa akin at dinala sa opisina ni Mr. Morales. Sinundan ko siya ng tingin. Huminto siya sa 'di kalayuan at parang may nilagay na bagay mula sa kanyang bulsa.
"Ms. Capinpin sumama ka na rin sa akin sa loob nakalimutan kong sabihin sayo," wika nito.
Sumunod na lang ako sa kanya. Pagkapasok namin sa loob ng opisina ay nakita kong nag-uusap si damuho at ang isang matandang lalaki. Umupo na lang ako sa isang tabi para hintayin si damuho na matapos sa pakikipag-usap sa matanda.
Nilapag naman ni Bilasa ang kape na tinimpla ko. Nakita kong kaagad ininom ng matanda ang kape. Hm.. Taste good. Ito ang narinig ko mula sa kausap ni damuho. Napasinghap naman si Bilasa nang marinig na gusto pa nitong uminon ng kape. Ibinigay naman ni Zoey ang para dapat sa kanya at sumenyas sa akin na magpagawa nang isa pang tasa ng kape.
Nang maihatid ko ang kape ni Zoey ay nagtataka ako sa kinikilos ng matanda. Panay ang lingon nito kay Bilasa. Tiningnan ko naman itong si Bilasa na balisa sa kinauupuan.
"Anyare sa babaeng ito?"
Nang matapos ang pag-uusap ng dalawa ay agad siyang nilapitan ng matanda. Ang akala ko ay may nakalimutang sabihin kay Zoey dahil nasa loob na ito ng toilet.
Ngunit ako ay nabigla sa narinig mula sa matanda. Lumuhod pa ito sa harap ni Bilasa. Mukhang aakyat ng ligaw si tatang ah! Tahimik lamang akong nakikinig sa kanila.
"Oh my dear you are my destiny," wika ng matanda. Namula naman ang pisngi ni Sheryl at binalingan ang matanda.
"Mr. Tan ano ba ang pinagsasabi mo riyan?" may tonong inis na tanong niya sa matanda.
"Oh! Sheryl kong sinisinta, puso ko'y iyong inasinta. Nang ika'y aking makita buhay ko'y sumigla. Ang nais ko sa ngayon ay ipawalang bisa ang kasal sa aking asawa para lamang ika'y aking makasama. Wag kang mag-alala kung ako'y matanda na, bibili na lang ako ng maraming bayagra para ako'y tumagal sa kama ay este mali pala, para tumagal ang ating pagsasama.
Pinipigilan kong matawa sa tula ng matanda para kay Bilasa. Hinawakan pa siya nito sa kamay. Agad naman niyang iwinakli at nagmamadaling lumabas ng opisina.
"My dear! Wait! Please wait!" sigaw ng matanda habang hinahabol niya si Bilasa.
"Anyare sa mga iyon?"