"Heto na ang Antiox." Marahan kong hinawakan ang kamay niya at nilagay ang puting tableta. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa binigay ko na gamot. "Hala, Terrence, ma-all-bulate-go ako riyan! Kaso, baka magwala sila sa tiyan ko at magtae pa ako. Hindi na kaya ng powers ko. Kailangan ko ng paracetamol." pagtutol niya. Maging sa pagrereklamo niya ay hindi ko pa rin maiwasan na maaliw. "Biro lang. Paracetamol nga iyan." maligaya kong tugon habang iniaabot ang isang baso ng maligamgam na gatas. "Inumin mo na para mawala na ang lagnat mo." "Bakit ba kasi ako biglang nilagnat? Maayos naman ang pakiramdam ko kagabi e." pagtataka niya. Nanginginig ang mga kamay niya na sinubukang uminom mula sa baso. Sinalo ko na iyon bago pa man niya mabitawan. Batid ko na naubos ang lakas niya dahil sa pang

