Malayo pa ay natatanaw ko na si Ate Barachiel na nakapamaywang sa may bungad ng bakuran nina Watty. Nakasimangot siya at alam ko na siguradong masesermonan ako ng sangkatutak dahil hindi ako nakasipot sa napag-usapang oras. Nang ako ay nasa harapan na niya ay binuka na niya ang kanyang bibig upang pagalitan ako. Kaagad kong iniabot ang isang puting rosas sa kanya bago pa man lumabas ang kahindik-hindik na mga salita mula sa kanyang mga labi. "Happy New Year, Ate..." masuyo kong pagbati. "Sorry na at nahuli ako." Pigil na ngiti ang lumitaw sa kanyang ekspresyon habang inaabot ang pasalubong ko sa kanya. Paborito kasi namin na mga anghel ang samyo ng ganoong bulaklak kaya naisipan ko na isuhol iyon upang lumamig ang ulo niya at umaasa pa rin ako na mapagbigyan. Kahit na siya ay natuwa sa

