Mag-aalas nuebe na ng gabi. Gayunpaman ay naisipan ko pa rin na gamitin ang natitirang mga oras bago magmadaling-araw upang maisagawa ang hamon ni Ate Barachiel. Dumalaw siya ngayon upang makisama sa selebrasyon at para maka-bonding daw ang future sister- in-law niya. Habang abala na nagkukuwentuhan si Annie at ang aking kapatid, tumakas na ako upang magtungo sa Simbahan. Nagsisimula ng maging maingay ang paligid dahil sa mga paputok at kabilaang pagkanta ng mga tao sa videoke. Pakalat-kalat ang mga bata na tuwang-tuwa na nakikipaglaro sa isa't-isa kahit madilim na ang paligid. Lahat ng makasalubong ko ay may ngiti sa kanilang mga labi. Binati ako ni Mang Berting at ng kasama niyang mga tanod, at inaya na makipag-inuman. Tumanggi ako dahil hindi naman ako umiinom ng alak at hinahabol

