Malamig ang simoy ng hangin. Bumaling ako sa aking kanan at kinapa kung nasaan ang aking kumot. May nahawakan ako na malambot at mabalahibo. Pagbukas ng aking mga mata ay tumambad sa akin ang isang kulay berde na kuneho. "Kuneho?" nagtaka ako. "Wala naman akong stuffed toy na rabbit." Kumurap-kurap ang mga mata nito at inamoy ang aking kamay. Nakiliti pa ako nang dumampi ang mamasa-masa nitong ilong. Hinaplos ko ang ulo nito dahil natuwa ako sa kakyutan niya. "Ang cute-cute mo naman." masaya ko siyang binati. Bumukas ang munti nitong bibig na tila ba ay ngumiti pa ito. Nagulat ako at napatili nang bigla-bigla ay kinagat ako ng nasabing hayop na inakala ko ay napakaamo. Naramdaman ko ang pagbaon ng nga pangil nito at napabalikwas ako dahil sa sakit. Kumaripas ito ng takbo at naitago ng

