"I-share ito ng 1000 na beses at magkakajowa ka na! Popogi o gaganda ka sa paningin ng crush mo. Mamalasin sa love life ang hindi mag-share nito." "Isang libong beses?" tanong ko sa aking sarili. "Hindi totoo 'yan. Utu-uto lang ang maniniwala riyan." Tinago ko na sa ilalim ng unan ang cellphone na pinadala sa akin ni Ate Barachiel. Niregaluhan niya ako, si Annie at Watty ng mamahaling mobile phones. Tinanggihan ko siya ngunit nagalit siya at pinagbantaan na ikikidnap ako muli kung hindi ako papayag sa nais niya. Maya't-maya pa ay narinig ko ang mahinang pagkatok sa bintana ng aking kwarto. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang inaantok na ekspresyon ni Benjie at ang alaga niyang tupa. Pumanhik siya, pinahiga si Chippy, The Sheep sa isang sulok at nagtungo sa aking kama. Umupo siya at

