"Kuya, bat ka pumayag?.." reklamo ko dito nang nasa parking na kami. Wala pa si Ace. Naglilinis pa sila. Kaya heto, hinihintay namin.
"Bakit naman hinde?.." balik tanong nito sakin. Pareho na kaming nakasakay sa loob ng kotse.
"Ah alam ko na... Dahil sa kanya?.. Kaya di mo sinagot yung tanong ni Ace sayo kanina dahil kaharap mo sya.."
Di ako nakaimik. Natumbok na naman nya.
"Wag kang mag-alala. Hinde naman makitid utak ni Jayden. Maiintindihan ka nun. Tsaka, lagi naman sya sa bahay ah. Ano pang ayaw mo?."
"E kasi kuya--.."
"Kasi?.." nilingon nya ako. Hinihintay ang paliwanag ko.
"Kasi, mahal mo na sya. Kasi, baka may sabihin sya sayo?. Baka maturn off sya sayo?." anya. Sya ang kusang gumawa ng mga tanong na nasa isip ko rin. Di ko maisatinig dahil nahihiya ako.
"Hindi mangyayari yun little sister.." bakas ang paniniguro nya.
"Dahil ngayon palang nakabantay na ako. Walang pwedeng manakit sayo o magpaiyak sayo.. Hanggat nasa paligid mo ako.." natouch naman ako bigla. Paano kaya kami napunta sa seryosong usapan?. Ang weird!. Su.eryoso ang loko. Taoos sakin pa. Cant control my bluff. Lol!.
"Wala namang mananakit sakin ah. Bakit kailangang bantayan mo pa ako?."
"Para sigurado. Mahirap nang masalisihan. Lalo na kapag kakilala mo.."
Di na sya nagsalita muli ng dumating si Ace. Pinaharurot nito ang sasakyan papuntang bahay nila. Saka mabilis ring kumuha ng gamit si Ace. Tatawag daw kasi si Papa sa Skype. Kaya kami nagmamadali ngayon.
"Hello anak.." bungad nya sakin. Pinaupo ako ni Mama saka tumabi si Kuya Lance.
"Hello Pa.." pareho naming bati ni kuya. Wala pa si Kuya Mark dahil may pasok pa sya.
"I heard about someone.." anya.
"You knew him Pa?.." agad sumagot si kuya na kinilayan lang ni Papa. Yun ang sagot nya.
"Kailan pa?.." nagtatakang tanong ng katabi ko.
"Matagal na. Hahaha.."
"Pa?.." reklamo ko. Masama na ang timpla ng mukha.
"What?. How?..." di talaga sya makapaniwalang alam na ni Papa na si Jaden ang crush ko.
"Matagal na rin. Halata ko lang sa kapatid mo. tuwing andito kasi yung tao na yun, nag-iiba sya. hahaha.." nginisihan na ako ni kuya. Tinulak pa ng kaunti. Tinutukso. Bwiset lang!. 3/4. Si kuya Mark nalng ang di nakakaalam.
"Hahaha.. Ang galing mo talaga Pa. alam ko na kung kanino ako nagmana. hahaha.." hagalpak nya.
Inis akong tumingin sa screen ng desktop. Kaya naman, humagalpak rin sya. Kasabay ni kuya.
"Kaya ba kayo napatawag para tuksuhin lang ako?.." singhal ko dito.
Naputol bigla ang kanyang linya. Mahina ang signal. Maya maya. Bumalik na. "Hahaha.. hindi anak.. Gusto lang kitang kumustahin.." paputol putol nya itong nasabi. Nawawala ang signal nya.
"Whatever.." irap ko sakanya. Kasabay ng pagpasok nina Mama, kuya Mark at Ace.
"Good evening tito.."
"Ace?. O good evening din hijo." gulat sya.
"Kamusta ka na dyan?. Ang sabi ng Mama mo mag-isa ka nalang dyan ngayon?.."
"Ayos lang po ako tito. Kaya nga po andito ako ngayon sa bahay nyo. Nakikiampon. Hahaha.." nagtawanan sila.
"Kayo po. Kamusta dyan?.."
"I'm pretty fine here.. Medyo busy lang dahil inaasikaso ko na yung mga papeles nila papunta dito.."
"What!?."
"Whoaaaa!..."
"Yessss!..." sabay kaming magkakapatid na sinabi ito. Ang bilis naman. Parang di pa ako handa. Iniisip ko palang na di sya makita araw araw. Nawawalam na ako ng gana. Sya pa naman ang tubig ko. Kung di ko sya masilayan kada araw. Laylay mga balikat ko.
"Ace, sa kabila ang kwarto mo.." dumaan si kuya Mark sa aking silid. Pinapaalala na bawal sya sa loob ng kwarto ko. Matapos naming kausapin at kumpirmahin na baka sa mga susunod na buwan ay pupunta na kami duon. Ay bumaba na kami. Nagpalit ako ng damit. Ganun din sila.
"Wuy!. Labas na. Baka pagalitan ka na naman.." suway ko sa kanya. Prente itong nakahiga sa kulay pink kong kama. Yakap ang unan. Nakacross legs pa. Pinapanood ang pag-liligpit ko ng mga kalat.
"Wala naman akong ginagawa ah. Dito na muna ako. Namiss kita e.."
"Tsk.. lagi mo naman akong nakikita. Kaya labas na.."
"Di na kita makikita kapag aalis ka na.."
"E di, magtawagan nalang tayo.."
"Talaga!?.."
"Hmm. pero wala akong cellphone. Kay kuya Lance ka nalang tumawag.."
"Sa dami ng pera nyo, wala ka pang cellphone?.."
"Bawal e.. Hanggang laptop lang ako.."
"Wow!. Iba na talaga kapag mayaman.."
"Tsk.. kayo nga mas mayaman e.. dali na labas na.. papalitan ko pa yang bed cover.." nakatayo na ako sa harapan nya. Nakapamaywang. Tamad syang bumangon suot ang nakakaloka nyang ngisi.
"Mamaya nalang.." hinila ko ang braso nya pero s**t!. Ang bigat nya. Di ko mahila.
"Kwentuhan muna tayo. Tulungan kita mamaya dito.. Namiss kita masyado e...." di na ako kumontra pa. Dahil kapag umayaw pa ako sa gusto nya, mas lalo lang syang di aalis. Baka tuluyan nang mapagalitan. Kawawa sya pag ganun.
"Ano namang pag-uusapan natin?.."
"Wala. Kukumustahin nga lang kita.."
"Ang oa mo ha.."
"Hahaha.. ang cute mo pa rin hanggang ngayon.."
"Alam ko.." sabay irap ko sa kanya na tinawanan nya lang.
Piningot nya ang ilong ko kaya namula na naman.
"Aray!.." tampal ko sa kamay nya.
"Ang arte nito. Haha.."
"Malamang babae ako..."
"Alam ko. Kaya nga maraming may gusto sayo e.."
Natameme ako sa mukha nya. Mahaba ang kanyang nguso. Mapula ang labi. Magulong buhok. At nakangiting mata. Ganyan sya lagi.
"Ano?.." mabilis nangunot ang aking noo.
"Wala. Joke lang yun.. A-araaay!..." dalawang unan ang agad kong hinampas sa kanya. Nantritrip na naman.
"Ahahahahah..." tawa lang sya ng tawa kahit patuloy ang paghampas ko ng unan.
Tok tok tok...
Si kuya Lance. Nakatayo sa b****a ng pintuan.
"Tama na yan Bamby. Baka nasasaktan mo na si Ace.." anya. Saka tumuloy. Umupo sa harap ng salamin. Sa lagayan ng iba ko pang gamit.
"Hindi naman masakit kuya. Mas masakit kapag sya ang nasaktan.." nagtataka ang mukha ng kapatid kong nilingon kami. Magkatabi kasi kaming nakaupo sa kama. Nahihibang na ata sya. Anong meaning ng sinabi nya?.
"Bakit?. Ayaw mo ba syang saktan?.." humarap sya ng tuluyan samin. Ngumiwi na rin ang kaninang maayos kong labi. Nagtataka sa kanilang dalawa.
"Kung pwede lang.." ani Ace. Sakin pa nakatingin. Damn!.
"Woah!.. Bakit may gusto ka ba sa kapatid ko?.." damn him also!. Bakit sa harrapan ko pa sila nag-uusap ng tungkol sakin. Di ba sila nahiya?. O kaya naman, sana lang bigyan nila ako ng space. Di yung ganito na iniipit.
"Kuya. Hindi mahirap gustuhin ang kapatid mo.."
"Kung ganun, gusto mo nga?.." seryoso na ang mukha ni kuya. Si Ace, nakangiti lang.
"Pwede ba?. Tama na yan?.. Gusto ko nang magpahinga. Labas na!.." inis kong suway sa kanilang dalawa. Tinignan lang nila ako pero hindi sila gumalaw.
"Labas tayo minsan Ace.. mag-uusap tayo.." seryoso pa rin sya.
"Pero kuya.." angal ni Ace.
Tumaas agad ang kilay ni kuya. "Bakit?.." beastmode!.
"Wala po kasi akong pera.."
"Bakit?.." galit na to. Puro na sya bakit e.
"May pinag-iipunan po kasi ako.."
"Bakit?.." kita nyo?. Kapag ganyan na. Talagang galit at inis na sya.
"Gusto ko pong bigyan ng regalo ang babaeng gusto ko. Kaya po ako nag-iipon.." natahimik si kuya. Ibig sabihin hindi ako ang gusto nya?. Yehey!. Ayaw ko kasi syang saktan. Mawawalan ako ng kaibigan kapag lumagpas pa sya duon.
Sabay kaming lumabas at bumaba patungong sala. At duon. nakaupo sya. Nakasuot sya ng kullay stripes na blue at khaki shorts. Nasa sandalan ng upuan ang kanang braso habang ang isa ay hawak ang bola. Mas lalo syang gumwapo. Damn!.
What the hell!. Tumingala sya sa may hagdan. Eksakto sakin. Damn!. Kinabahan ako bigla. Naasiwa sa aking itsura.
"Uy Jaden, andyan ka na pala?.." ani Ace. Pababa na rin ng hagdan. Kasunod ko sya. Tapos si Kuya Lance sa likod ko.
"Oo kanina pa bro."
"Pero gabi na. Di na tayo makapaglaro.." kinuha nya ang bola sa kamay ni Jaden saka umupo sa tabi nito.
"Ayos lang. Dumaan lang ako para kunin sana yung note ko kay Bamby.." nangunot ang noo ni Ace na tumingin sakin. Nagtatanong. Nagtataka kung bakit.
"Anong note yun?.." si kuya Lance ang nagsalita. Habang umuupo.
"Hijo, magmeryenda ka muna.." may nilapag si Mama na isang maliit na galon ng ice icream tsaka kutsara at baso sa mesang nasa gitna namin. Prenteng nakaupo si Kuya Lance sa kaliwang bahagi ni Jaden. Dun naman, nakatayo ako. Nakatingin sa kanya. Suot ang ngiting hindi kumukupas. Walang kurapang gingawa makita lang ang bawat galaw nya. Ampusa!. Gagi Bamby!.. Mag-iwas ka nga ng tingin. Mahalata ka ni Ace e. Mahot seat ka na naman.
"Bamby!. Anong note yun?.." kinalabit ako ni kuya. Duon lang nawala ang mata kong natuon sa kanya ng ilang minuto. Ssshhhh!t!..
Napalunok ako dahil sa kaba. Kaba na baka nahuli nya ako o ninuman sa kanilang dalawa.
Tumataas ang kilay sakin ni kuya. Tapos ang kanyang mata lang gumagalaw. Tinuturo ang gawi nya. Hell s**t!. What is he doing!?.
"Ah.. oo pala. Wait. Nasa taas. Kunin ko lang..." kinontrol ko pa ang sarili kong wag mautal. Pero Ampusa!. Hindi nakisama ang malandi kong dila. Nagbuhulan pa kaya di maayos ang salita.
Kumaripas ako ng takbo pabalik sa itaas. Huminto sa huling hagdanan para huminga. Kabado sa bawat hakbang na ginawa ko kanina. Alam ko kasing nakatingin sya. Naiilang ako. Mabuti pa at di ako nadapa. Dahil kung nangyari yun. That's a big off for me to him. Big embarassment.
Mabuti nalang talaga.
"Breathe in. Breathe out.." paalala ko pa. Saka humugot ng malalalim na hininga. Maibalik lang sa normal ang aking paghinga.
"Ehem!.." isang tikhim ang nagpatalon saking diwa. Si kuya Mark.
"Kuya!?.." gulat kong bulyaw sa kanya hawak ang dibdib. Nakapamulsa sya. Suot ang pajamang kulay asul at plain white tee.
"Anong ginagawa mo dyan?.." normal nitong tanong. Yung kapal ng kanyang kilay. Mapulang labi. Matangos na ilong. Mas dumepina pa dahil sa ilaw na tumatama sa kanya galing sa ibaba. Sa side wall. Ibabang bahagi. Mismong sa mga tiles. Pinasadya iyon ni Papa para daw mas malinaw ang bawat sulok. Epektibo naman.
Naglakad ako patungong silid ko ng di sinasagot ang kanyang tanong. Kaya siguro ito sumunod sakin.
"Nasa baba ang bisita mo. Bakit andito ka?.." nakasandal sya sa hamba ng pintuan. Nakahalukipkip pa.
"Hinahanap ko yung notebook nya. Ibabalik ko na sana.." wala sa kanya ang paningin ko. Nasa mga hilera ng notebook na inilabas ko na dahil hindi ko mahagilap ang kanya.
"Anong ginawa mo sa notebook nya?.." para itong reporter kung makatanong. Ang dami.
Kamot na ang ulo. Wala kasi sa mga nilabas ko ang note nya. Asan kaya yun?. Sa tanda ko, nilagay ko pa yun sa bag ko bago lumabas ng room. Bakit nawawala ngayon?.
"Bamby?.."
"Hindi ko mahanap ang note nya kuya. Ang alam ko, nasa bag ko yun e. Pero wala naman dito.." nakatalikod ako sa gawi nya. Kunot na ang noo. Salubong na rin ang kilay. Hindi ko na alam kung saan napunta yun?. Ampusa!. Nawala ko pa ata. Damn!. Nakakahiya..
"Baka andyan lang yan. Namiss place mo.." lumapit sya't umupo sa harapan ko. Isa isang tinitignan ang cover ng notebook.
Yung ngiti kong walang kupas kanina. Mabilis naman itong naglaho na parang bula. Isang ihip lang, burado na. Ganun kabilis mawala ang saya. Kaya hangga't masaya ka, sulitin mo na. Dahil, isang kurap lang, maaari nang magbago ang lahat.