Chapter 27: How I wish

1676 Words
"Hoy gurl para ka ng baliw.. Magtigil ka nga.." kinurot pa ang ilong ko dahilan para samaan ko sya ng tingin. Sarap na nga view ko e. Sinisira pa nya. Palibhasa walang lablyp!. Inggit lang!. "Wag mo masyadong titigan. Baka matunaw.. hahaha.." kahit puro pang-aasar nalang ang ginagawa ng bakla sakin. Mas pinili ko pa ring umupo sa shed. Mismong daanan namin papuntang room. Nilagyan nila ng bubong at upuan ang daraanan para kahit umulan man o maaraw. Safe pa ring dumaan dito. "Whatever.." irap ko dito. Nakatayo sila ni Karen sa harapan ko. Mga nagtatawanan. Hindi ininda kung pagpawisan o mainitan. Yung irap ko sa kanya. Sinuklian nya ng isang nakakaputol leeg irap. Mas lalong humagalpak si Karen. Di malaman kung uupo ba o tatayo ang gagawing pagtawa. Damn!. "Try mo kayang sabihin sa harapan nya yang whatever mo. Tignan natin.." hinablot ko ang kanyang notebook pero mabilis syang umilag. "Not me. Little Bamby..." Di ko sya pinansin. Hanggang sa matigil nalang rin ito sa pang-aasar. Kinakawayan ang bawat taong nakikita. Ultimo guro. Ang kulit lang. "Di pa ba kayo pupunta ng room nyo?. Mainit dito.." isa sa mga guro namin. Napadaan. Nakatayo sa gitna nilang dalawa. "Tara na Bamby.." alok sakin ni Karen. Inilingan ko sya. Di ko pa kumpleto yung current events ko. Lima lang to. Dapat sampu. Baka pagalitan ako ng masungit naming guro. "Mauna na kayo. Di pa kumpleto yung akin.." kako. Nauna nang nagpaalam ang aming guro. Mainit pero mahangin naman. Kaya medyo kaya ko pa. "Ha?. Akala ko ba kanina ka pa natapos?. Kung makatitig ka sa dyaryong hawak mo kulang nalang kainin mo e tapos di ka pa pala tapos. Anyare gurl?.."  "Ay wala Karen. Lutang to kanina. May ibang iniisip.." turo nya sakin habang na kay Karen ang tingin. "Di lang lutang gurl. Lumilipad pa.." humagalpak na naman sila. Kapag silang dalawa talaga ang nagsama, talagang rinig hanggang kabilang kanto pa ang kanilang tawa. Ang lakas.  "Ang iingay nyo. Umalis na nga kayo.." inis na singhal ko sa kanila. "Bakit naman kami ang aalis?. Ikaw nalang kung gusto mo.." yung biro ni Winly, tinotoo ko. Tumayo ako't nag-umpisa nang maglakad papalayo. Pero mabilis rin naman nilang hinigit ang magkabila kong braso pabalik. "Joke lang te. Ang seryoso mo naman.." ani Winly. Pinaupo akong muli sa dati kong pwesto kanina. "Aalis na ako. Bakit nyo pa ako hinatak pabalik?.." "Teka lang gurl. Wag kang atat.." nasa kamay na nya ang cellphone. Pumipindot. May tinatawagan ata. "Hello..." maarte nya pang bungad sa kausap. Di ko alam kung sino. "Huy Jaden. Si Dyosang Winly to.." yung normal kong mata na nakatingin sa kanya kanina. Lumaki ng bahagya. Gulat sa taong kausap nya. Damn him!. Alam na alam talaga nya ang kahinaan ko. "Ah. May ipapakiusap lang sana ako. Pwede bang kumuha ka ng current events dyan. Kulang pa kasi yung kay Bamby e.." kumindat sya sakin. Kagat pa ang labi. Nagpipigil tumili. "Sige. Salamat Jaden." binaba nya ang telepomo saka siniksik sa kanyang bag. "Problem solved with the prince charming..." huminga sya ng maarte. "Aray ko naman gurl!.." pinalo ko sya sa braso. "Ano yun?.." reklamo ko. "Diba sabi mo kulang pa yung nakuha mo kanina. Kaya tinulungan na kita para di ka na mahirapan pa. Lalo na't ban tayo ngayong araw na to sa library.." "E bat sa kanya ka pa humingi ng tulong?.." inis na insi ako. Bakit sa kanya pa. Nakakahiya. "Why not ba?.." matalim ko syang tinignan dahil sa sinabi. "Alam mo gurl. Di ka magkakalablyp kung di ka gagawa ng paraan. Tinutulungan ka na nga namin e. Nagrereklamo ka pa.." "Sino bang nagsabing kailangan ko ng tulong nyo ha?.." si Karen. Nakangiti lang samin. Si Winly, di talaga nagpapatalo. "Wala ka ngang sinasabi. Pero yang mata mo, ang daldal. Ang ingay. Sumasayaw sila tuwing andyan sya.." Grabe!. Pati ba naman yun nakikita nya. Ang astig nyang observer. Nakakabilib. Ang sabi ni Winly, antayin na lang raw namin si Jaden para diretsong bigay nya sakin yung pinagawa nya. Ang sabi ko naman, sila nalang magantay dahil naiinitan na ako. Gusto ko nang pumasok ng room. Pero ang nangyari. Pinigilan nila ako. "Mag-antay pa tayong konti. Palabas na yun. Nararamdaman ko.." paniniguro nya. Nakatingin sa gawi ng library. Duon kasi pumunta si Jaden kanina. May assignment daw kasi sila. Di nya nagawa kagabi dahil nag-alaga sya ng kapatid. "Pero kasi mainit na. Kayo nalang.." "Hindi gurl. Tayo nalang ha.. tayo nalang.." pilosopong sambit pa nya. Nakapamaywang pa sakin. Hawak ang pamaypay. Di mabitawan. Kaming tatlo ang nag-abang sa kanya. Habang nakaupo. Nagsimula silang nagtanong. "Gurl kung, kung ha. Kung sakaling may gusto rin sya sayo. Anong gagawin mo?.." si Karen ang unang nagtanong. Na di ko alam kung anong isasagot. Swear. Kapag sya ang topic. I'm off words. Napipi na naman. "Ganito nalang. Kung ikaw ang tatanungin?.." "Nagtatanong ka na.." binara ko sya agad. Inirapan akong inirapan. "Patapusin mo naman ako. Masyado kang excited. Halatang love mo na nga sya.." "Tsss.. Magtanong ka na nga lang.. Dami pang satsat e.." "E sa ang dami momg commercial e.." nagtawanan kami. Nakisali ako dahil natawa rin naman ako. "Crush mo ba sya o mahal na?.." unti unting naglaho ang maganda kong ngiti. Di makapaniwala. Crush ko nga ba sya o mahal na?. Seriously?. What Bamby?. Answer... Naglinis ako ng lalamunan. Lumunok at huminga ng napakalalim. Nalilito ako e. Gusto ko sya na parang mahal na. Ano ba?. Nahihibang ka na Bamby!. Umayos ka nga!.. "Ah.. Mukhang alam ko na ang sagot. Wag mo nang sagutin." pigil sakin ni Winly. Tumayo syat hinla si Karen. "Dyan ka muna ha. Bili lang kaming tubig. Uhaw na kasi ang dyosa.." anya. Tatango palang ako pero papalayo na silang dalawa. Mga bwiset!.Iniwan nila akong mag-isa. Talaga lang?. Bakit kaya?.. Duon lang nasagot ang tanong ko ng may nagsalita. "Bamby?.." nagtataka ang kanyang boses. Si Jaden. Nakatayo na saking likuran. "Ah.. hehe. ikaw pala.." peke ang ngiting ginawa ko. Eto pala. Kaya kumaripas sila ng takbo dahil paparating na sya. Astig nila!. Mga ninja. Ampusa!. "Sinong kasama mo dito?.." hinahanap kung sinong kasama ko. "Sila Karen. bumiling tubig daw.." "Bat di ka nila sinama?.." natulala ako. Yun nga rin gusto kong itanong sa kanila. Na ikaw rin ang sagot. Nagkibit lang ako ng balikat. "O.." sabay abot ng plain black nyang notebook. "Ano yan?.." "Yung current events..Kunin mo na muna yang note ko. Balik mo nalang pagkatapos.." O my God!. What a good day.. "Salamat.." ampusa!. Nautal ang dila. Di man lang nakisama. "Sabay na tayong pumasok. Late na tayo.." di agad ako nakagalaw. Nauna pa syang naglakad bago ako sumunod. Makaksabay ko sya!!. Hell s**t!. This is so ugh!. i'm happy. Waaaa.... Habang naglalakad... "Huy bro!.." salubong ng taga ibang section sakanya. Tapos sulyap sakin sabay ngiti. "Hoy! Jaden!. Ano yan!!?.." sigaw ng isa pang taga ibang section.. nilingon nya ako sabay kibit balikat sa nagtanong. Marami pang kumaway sa kanya, maging sakin habang kaming naglalakad. Hanggang sa room.. "Salamat.." nahihiya ako. Ampusa!. Nagkamot ito ng ulo sabay tango at ngiti. "Balik ko nalang to mamaya.. sige bye.." putik!.. Di ko sya kayang tingnan sa mata. Nababaliw ako. Mabilis ako pumasok sa loob at umupo ng mabilis ang takbo ng puso. O juice ko!. Ano ba naman ito?. Di ba walang hiya!. Lols.. Kahit nasa loob ng klase. Kinakabahan pa rin ako. Yung malawak na ngiti ko, hindi mapawi. Kahit may quiz, naglelecture ang guro, kahit may nagrerecite at hanggang matapos ang klase. Nakangiti pa rin ako. "Ampusa gurl!. Ang ganda ng araw nang iba dyan. Di mawala ang ngiti.." pumagitna ako sa kanilang dalawa. Kakatapos naming maglinis. Nakaupo na kami ngayon sa gym. Inaantay si Kuya Lance. Oras na para umuwi. "Kaya nga e. Ano kayang nangyari noh?.." kahit nasa pagitan nila ako, di nalang silang mahiyang ako ang topic nila. Ang bait nila. Sobra. "Mga walang hiya!. Sinadya nyo ba yun?.." inis na pigil ko sa pagtatanong nila. Nagkatinginan silang dalawa. Palipat lipat lang rin ang paningin ko sa kanila. "Anong sinadya?. Wag mo kaming sisihin gurl. Tadhana na ang gumawa ng kapalaran nyo. Malay ba namin.." ani Winly. Kinawayan pa ang mga estudyanteng pumapasok ng gym. Binabati isa isa. Kulang nalang mangumpanya. "Jaden!.." sigaw nito sa taong nakatalikod. May hawak na dustpan at walis. Kakapasok nya ng gym. Kasama ng buong section nila. "Bakit yun?.." lumapit ito samin. Kinurot ko ang tagiliran ng baklang madaldal ng palihim. Nagreklamo ito ng mahina. "Ah. Ibabalik raw kasi ni Bamby yung note mo.." imbes tarayan ko si Winly. Nanlambot ang aking tuhod sa naging sagot nya. "Hawakan mo na muna. Kunin ko nalang sa bahay nyo mamaya.." Ah!..... Hell s**t!. Pupunta sya ng bahay?. Lagi naman diba. Pero ngayon, feeling ko kakaiba. May something special. "Ganun ba?. Sige.." damn! Di ko maiwasang mautal. Hanggang kailan kaya ako masasanay sa presnsya nya?. Haist Bamby!. Be still please!. Malalim na ngitian ang nangyayari sa pagitan namin. Ngunit naputol na naman dahil sa may tumawag sakin. "Bie!..." hell s**t!. Sabi nang wag akong tawagin ng ganun e. Marami pa namang tao sa gym. Ampusa!. "Pwede makitulog sa inyo mamaya?.." bungad nito saming harapan. As usual, maganda ang kanyang ngiti. Hay. Bat kasi umuwi pa to e?. Maganda naman sa Australia. Hanggang ngayon di ko pa rin matukoy kung sino yung babaeng naging dahilan ng pag-uwi nya. Wala syang sinasabi o binabanggit man lang. "Ah. Hehe.. Kay kuya ka nalang magpaalam.." kako. Eksakto namang dating ni kuya. Wala akong lakas ng loob sumang-ayon. Kaharap ko ang kryptonite e. Nanghihina ako. "Ace, anong meron dito?.." si kuya. Parang ang linis pa ring tignan kahit tapos na ang buong araw ng klase. How to be you po?. "Kuya, pwedeng makitulog sa inyo mamaya?. Umalis na kasi mga pinsan ko." "No problem. Saan sila pumunta?.."  "Sydney.." "Ha!?. Akala ko ba nag-aaral sila dito?.." gulat si kuya. Mas lalo ako. ""Masakit po kasi si tito. Kailangan sila ni tita duon para magbantay kaya ayun bumalik sila kahit ayaw talaga nila.." Nagbuntong hininga lang si kuya. "Sige. Daan tayo sa bahay nyo mamaya. Kuha tayo ng damit mo. Dun ka na muna sa bahay habang wala ka pang kasama.." kapag si kuya na ang nagdesisyon, wala na akong magagawa pa. Nanginig ang tuhod ko ng biglang pumihit patalikod si Jaden. Paalis na sa grupo namin. "Jaden, basket tayo sa bahay.." tawag pansin nito kay Jaden. Tumango lang sya saka bumalik na sa paglilinis. Pakiramdam ko, para akong isang yelo. Matigas kanina pero biglang natuanw ng bigla syang umalis. Damn!. Anong ibig sabihin ng reaksyon nya?. May meaning na ba ako sa kanya?.O damn!. How I wish!..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD