Chapter 31: Free Ride

1561 Words
"Class, get one whole of paper. We have a long quiz.." nasa b****a palang ang panghuling guro namin. Inanunsyo na nya Ito. Marami ang nagulat. Lamang ang nagreklamo. "Ma'am naman.." "Ma'am, uwian na oh.." "Pwede bukas nalang po Ma'am?.." na hindi nya pinansin. Nagpatuloy pa rin ang long quiz kahit marami may ayaw. English pa kaya ayaw ng lahat. Maraming naglabas ng panyo at nagtakip ng ilong pagkatapos ng exam. Mga pusa!. Nosebleed daw sila. Lakas ng tawa ko sa kaabnormalan nila. "May nasagot ka ba?.." tanong ko kay Karen. Nasa labas na kami ngayon. Naglilinis sa mismong harapan ng room. Area of responsibility. "Meron pero di ko sure.. ikaw?.." "Basic.. hahahaha.." tawa ko. Kung math ang kahinaan ko. English naman ang basic sakin. Easy men. "Grabe sya..Tinawanan lang yung long quiz. Bakla, tawagin mo nga si... hahahahaha.." di na nya dinugtungan pa ang akmang sasabihin ng samaan ko ng tingin. "Hahaha.. Ang seryoso mo. Wala naman akong binanggit na pangalan a.." "Whatever!.." irap ko. na tinawanan nya lang. Hindi ko alam kung dapat ba akong makisabay sa kanyang tawa o hinde. "Bamby.." may tumawag saking pangalan. Hinanap ko. Nasa section A pala. Si Ryan, nakatayo sa harapan din ng kanilang room. Hawak ang pandilig. "Bakit?.." taka kong tanong. "Kausapin ka raw ni Jaden.." Parang sirang plaka muna itong nagpaulit ulit saking utak bago napagtanto kung anong sinabi nya. Oh God!... Am I dreaming again?. Really?.. Matagal pa muna bago ko sya sinagot ng oo. Help me endure this please. O goodness!. I'm shaking now. "Antayin ka raw nya sa parking lot." pinal nyang sabe. Tinanguan ko na lamang Ito. Walang salitang lumalabas saking bibig kahit ilang libong tanong na ang namumuo saking isipan. Nalilito na kinakabahan na nanginginig na ako. Damn!. I'm so weak!. He's my weakness and I don't know how to take it. "Lumulutang na naman ang lobo. Sino kayang may hawak ng tali nito?.." makahulugang tanong ni Winly saking tabi habang nakataas ang kilay. Madalas lutang ako kapag si Jaden na ang nasa usapan o kausap ko. Wala. Feel ko. Hindi na basta crush tong nararamdaman ko kundi love na. Malalim na e.  "See gurl?.. Hahahah.." itinuro nya ako kay Karen. Tumaas baba lang din ang kilay ni Karen sakin. Nakangiti pa. Hanggang matapos maglinis, inaasar pa ako ng bakla. Hanggang parking lot. "Akala mo ha?.. Crush mo ba sya o mahal na?.." "Di ko alam.." totoong hindi ko alam Nalilito ako. Basta ang alam ko, makita ko lang sya, masilayan, matanaw, marinig ang boses, maamoy ang pabango, makausap at mangitian lang nya. Ayos na ako doon. "Mahal mo na e. Ayaw mo lang aminin." "Paano ko ba malalaman na mahal ko na nga sya?.." "Kapag hindi sya mawala sa isip mo. Oh ayan, naisip mo na naman sya. haha.. Mahal mo na nga. Actions louder than words gurl.. you're too obvious kaya.." Kokontra pa sana ako pero bigla nalang akong kinabahan sa katotohanang mag-uusap kami mamaya. Anong kayang pag-uusapan namin?. Sana hindi tungkol sakin o samin o sa isyu. Samin?. Feeling. "O sya. Sige na. Larga na aketch. Kumakaway na si Ryan sayo oh. Baka nandyan na sya. Byiieee!.. Enjoy. Nga pala. Don't forget to breathe ha. Baka mahimatay ka e. Mas nakakahiya yun. hahaha.. Bye.." kumembot kembot pa. Bwiset!. Pinapakaba ako. Sumunod na ring nagpaalam si Karen. Hinintay sya ni Winly bago sila sabay na sumakay ng tricy. Ngayon, mag-isa na lang akong nakatayo. Tinatanaw ang parking space ng motor. Doble na ang kaba ko. Higit pa sa lutang ang isip ko. Maayos pa ba akong haharap sa kanya kung ganito ako?... My goodness Bamby. Umuwi ka na lang kaya. "Hey.." agad akong napapikit sa gulat. Damn it!. Yung boses na yun, para talagang kidlat. Kinunyerte na naman ako. Dahan dahan akong humarap sa kanya. Hawak ang dibdib, baka kasi lumabas e. Mabuti nang may harang. Lols.. "Kanina ka pa?.." he's staring intently. Like really, I can't find any gasp of air. Kagat ang labing tumango sa kanya. I can't even speak too. Like I've said earlier, he's making me weak. "Pinaalam na kita sa kuya mo. Tara na.." kunot ang noo kong tinignan sya. Nasa loob ng bulsa ang dalawa nitong kamay. Nakasabit sa kanyang balikat ang sling bag nyang kulay army green. "Sa bahay tayo. Birthday kasi ni bunsoy.." "Pero?.." can't even fix my words. "Pupunta rin naman mga kuya mo dun. Mauna lang tayo.." dinungaw nya ang mukha ko, Hell s**t!.. Ngumiti saka ginulo nya ang maayos kong buhok. "Ang cute mo talaga.." Natulala ako Piningot pa muna ang ilong ko bago umalis nang may ngiti sa labi papuntang motor. Kinuha ang isang helmet. Itinaas. Ibig sabihin, yun ang gagamitin ko. Dun lang rin ako gumalaw papalapit sa kanya. Grabe na to!...Kuya!. Mama!.. Pa!.. Magkakalablyp na ba ako!. Lol to the nth level!. "Yumakap ka sakin mamaya. Baka kasi mahulog kita.." sya pa ang naglagay ng helmet sakin. Gosh!. Yung labi nya. Kagat pa nya. Damn!. Walang kupas na mura ang nabubuo sakin tuwing malapit sya. "Bamby.." hinawakan ang magkabilang gilid ng helmet. Bandang pisngi. Saka tinitigan ako sa mata. Ssshhh!. I can't stare longer. Pumikit ako para umiwas. Nagtaka ako dahil tumawa sya. Kaya napadilat ako. "Kinakabahan ka ba?.." sobra pa sa sobra Mahal ko. There you go. Finally. Narealize mo na ring mahal mo nga sya. Gosh!. The beat of my heart now is not normal. Too loud. Too fast. Pounding and screaming. "Don't worry. Hanggat kasama mo ako, safe ka.." patuloy nyang sabe. Damn!. Sa dami nitong binanggit, wala man lang akong nasagot na isa. Natulala. Hindi makapaniwala sa nangyayari. Kung alam nya lang na sya ang hinde safe sakin, baka sya pa matakot sakin. Ah. No!. Erase that. I still wish na magustuhan nya rin ako. Not too soon. But soon. Sumakay sya ng motor bago ako sumunod. Kinakabahan. Malamig ang kamay sa kaba. "Ready?.." Anya. Inistart ang sasakyan. Speak please Bamby!. You look like some species of a robot. Manipulating by man. Like him. "Hahaha.. Bat di ka nagsasalita?.." he finally observed me. Hindi naman ako totally mahiyain. Sa piling tao ko lang naipapakita ang pagkamadaldal ko. At malas nya dahil sa kanya ako nahihiya. As in. Pinaandar na nya ng tuluyan ang motor. Sa upuan ako nakahawak. Nahihiyang yumakap sa kanya. Pero kalaunan, kinuha nya ang isang kamay ko at nilagay sa kanyang tyan. Di ko tuloy alam ang sunod na gagawin. Lunok lang ako ng lunok kahit walang laway. Isang kamay lang ang nakahawak. Ngunit naging dalawa na nang bumilis ang kanyang takbo. Nakakatakot talaga. Natatakot akong mahulog sayo. Pero hinde ang mahulog sa kalsada. Ganun kita kagusto. Jaden. Kung pwede ko lang isigaw Ito sa kanya, kanina ko pa ginawa. Maya maya. Nilampasan na namin ang bahay. Nasa bahay na nga sila kuya. Andun na mga sasakyan nila. Ano kayang nakain ni Kuya Lance at pinayagan nya akong sumama kay Jaden?. Di kaya may plano sya?. Weird. First time kong pumunta dito. Sa harap palang, marami ng halamang tanim. Mga bulaklakin. May nakita pa akong sunflower na malalaki. Ang ganda. Gusto ko tuloy tumambay din dito. Oh how wish!.. Pagkapasok sa kahoy nilang tarangkahan, sumalubong na ang isang kulay puting aso. Malaki sya. Tumahol pa sakin. God!. Don't bite me!. "Hunter behave.." Yun pala ang pangalan ng aso. Hunter. Astig. Para talaga syang Hunter.  "Kuya!.." sumalubong samin ang isang bata na sobrang taba. Ang cute. Yumakap sa mga binti nya. "Sino po sya?.." karga na sya no Jaden. Humarap sakin. Ako, hawak ang strap ng bag sa magkabilang balikat. Kinakabahan. "Ah. Si ate Bamby mo.." Ate Bamby mo?. Oh well!. Hihihi.. "Regalo ko po ate.." sabay lahad ng kamay. Nasamid ko ang sariling laway sa narinig. Oo nga. Damn!. Bat di ko naisip yun. Suskupo Bamby!. "Wala syang dala Niko. Saka nalang.." "Balik ka po bukas dito ate?.." I can't find my words. "Ate, balik ka po bukas?.." ulit nya. "Try ko Niko.. hehe.." Wala akong maisip na isagot. Shem!. "Balik ka na po. Malulungkot po si Kuya.." Oh?. Bakit naman?. Gusto kong itanong pero pinigilan ko nang matinde ang sarili ko. Agad akong napatingin kay Jaden. Takip na ang bibig ni Niko. Nginitian lang ako saka pumasok na ng loob. Ako, kinikimkim ang ngiting gustong kumawala. Hell s**t!. Bamby. Kilig ka na nyan?.. Pumasok ako sa loob. Maaliwalas ang buong bahay. Sa kanilang sala, may mahahabang kurtina sa tatlong bintana na kulay dilaw. Hagdan agad ang bubungad pagkapasok mo. May isang mahabang sofa at tatlong maliliit na upuan. May maliit din na mesa na may bulaklak sa gitna. "Upo ka Bamby.." nanginginig ako. Sheet!. Di ko mapigilan ang kaba ko. Nakakapraning. Nasaan ang mga bisita?.. Akala ko ba birthday to?. "Ma, andito na po si kuya..." takbo si Niko sa kusina. "Tawagin mo na ate mo sa taas. Kakain na tayo.." Takbo din si Niko paakyat. Si Jaden, di malaman kung uupo ba o kakamot ng ulo. Nakakatawa sya. "Bakit ba Niko?. Busog pa ako.." rinig kong boses ng babae galing ng hagdanan. "Dali na po. May bisita po si Kuya.." "Okay ka lang?.." Ani Jaden. Tinatakpan ang ingay ng kanyang mga kapatid. "Okay lang ako..." Ampusa!. Paos pa boses ko. Suskupo Bamby!. "Jaden.." lumabas ang maputing babae. Maliit ang mukha. Mahaba ang pilik mata. Makurbang labi. Balingkinitan at may dimple. Ang buhok. Sobrang have din at itim na itim pa. In short. Maganda sya. Agad tumama sakin ang kanyang paningin. Nanunuri. "Ate, si Bamby. Kapatid ni Kuya Mark at Lance." pakilala ni Jaden sakin. Naestatwa ako. Kilala nya sila kuya?. Paano?. Mas lalo akong nanigas ng yakapin nya ako ng mahigpit sabay sabi ng "Finally, I met you.." sabay tawa pa. Ako rin. Ganun ang gustong sabihin kaso lang nahihiya pa ako. Finally, namimeet ko na ang buo nyang pamilya. Sa special occasion pa nila. So grateful.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD